LOVE#5: I'm happy

149 7 0
                                    

LOVE#5: I'm happy

Exactly 1 week since Bryan arrived here.

At one week na rin akong nakangiti.

Ewan ko ba! Kahit na hindi pa naman kami nagkakausap (kasi nahihiya ako) eh masaya pa rin ako kasi nakikita ko na naman siya.

Now I realized, my feelings for him never fade away...

Hindi ko lang napapansin but he's still inside my heart...

May green card na nga ata siya sa puso ko eh. Isipin mo, sa haba ng 1 year and 8 months na hindi ko siya nakikita, ni hindi ko man lang nga siya nakakausap eh siya pa rin talaga yung gusto ko. Ay! Mali. Siya pa rin yung mahal ko.

***

*BEEP BEEP*

LUB.DUB.LUB.DUB.

Ayan na naman yung tibok ng puso ko. Teka nga, makasilip sa bintana. Hihi. >///<

O___O

OMG!!! Siya nga!!! Si Bryan nga! Sabi na nga ba eh. Basta nagtutumambling yung puso ko, meaning malapit siya eh.

Haruuujusko!!! Kumalma kang puso ka!! Baka lumabas ka sa kinalalagyan mo sa sobrang pagtibok mo.

"....para kasing may sira yung aircon ng sasakyan." boses ni Bryan yun ah? Sinong kausap niya sa labas?

Imposible namang sarili niya lang kausap niya..

Di naman baliw si Bryan...

Teka nga, sisilip ulit ako.

Hanubey! Para namang kung anong krimen ang ginawa ko at pasilip silip ako dito. Hahaha. Natatawa ako sa itsura ko..... Yaan na, masilayan lang ayos na! ^__^v

AHA! Si Kuya Boy pala yung kausap ni Bryan. Pinapacheck yung sasakyang gamit nya ngayon. Siguro sa kapatid niya yun kasi yung kanya nabenta na niya before eh.

Ang ganda naman ng view ko dito. AYAYAY!!!

So yummy!

So yummy!

BWAHAHAHA...

Ang sarap idisplay sa kwarto ko eh!

Naku po! Lumalandi na naman si ako....

Saree nemen!!! Tao lang, kinikilig at umiibig din... HAHAHA.. ^_______________^

"Maggie! Pakidala naman yung juice dito!" ay pusang gala! Naman to si Ate CM... Bigla akong tinawag...

Alam kong sinasadya niya yun.

Sinasadya niya para lumabas ako at makita ako ni Bryan.

Pero syete naman! Nahihiya talaga ako.

Mukha naman akong tao sa suot ko pero kasi tinatablan talaga ako ng hiya eh!!!! >/////<

"MAGGIE!!" sigaw ni Ate! Naku ate... Lagot ka sakin mamaya....

Napilitan na akong lumabas para dalhin yung juice nila. Kaysa naman masigawan pa ako ni Ate diba? Tsaka sayang din 'to. Malapitan ko nang makikita si Bryan...

"oh Ate, juice niyo." sabi ko habang nakatungo. Medyo tinatago ko kasi yung mukha ko gamit yung buhok ko kasi nahihiya at malamang eh pulang pula na mukha ko. Baka mapansin pa ni Bryan...

"salamat Maggie.." sagot ni Ate in a super sweet tone.. Pangisi ngisi pa. Palibhasa alam niyang may HD ako dito kay Bryan... Naku Ate.... Bakit ginaganito mo ako??? HAHAHA

A love to lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon