LOVE#9: My side...

184 6 0
                                    

LOVE#9: My side...

BRYAN'S POV

(you'll know everything in this chapter... ^__^ )

 The first time I saw her, I knew it was her whom I'll give my heart...

I wanna take care of her...

I wanna spend every second of my life with her...

I wanna make her happy...

I want Margarette De Vega to be mine forever....

I can still remember the first time I met her. NO. I SAW HER.

FLASHBACK

Naglalaro ako ng basketball dito sa court ng subdivision naming kasama ng mga tropa ko.

“Jacob, sino yung babaeng yun? Parang bihira ko siyang Makita dito?” tanong ko sa isang tropa ko habang tinuturo ko yung babaeng dumaan.

 "ah yun ba? Si Maggie. Taga dito rin siya. Hindi lang siya palalabas ng bahay."

END OF FLASHBACK

 Simula ng makita ko siya noon, hindi na siya maalis sa isip ko.

Alam ko na nung mga panahong yun, mababaw pa yung pagkagusto ko sa kanya. Pero I know, there's a spark.

Tokwa! Ang bading! Ano ba 'tong sinasabi ko.

Siguro nga ganun kapag nagmamahal ang isang tao.

Sa totoo lang, sa kanya lang ako natorpe ng ganito. Hindi ko rin alam king bakit eh. Dati naman hindi ako ganito. Naaalala ko pa yung dati...

FLASHBACK

Andito kami ngayon sa tambayan. As usual, kasama ko pa rin yung tropa. Mga around 5pm na. Nagkakantyawan kami nila Manong Jun, alam kasi nila na type ko si Maggie.

"Oh, lapitan mo na mamaya ha! Wag ka na kasing matorpe! Aba naman. Ano ka? TEENAGER?" biro sakin ni Manong Jun.

"Sana nga ho magkalakas ako ng loob." sagot ko naman. Tinawanan lang nila ako kaya napabuntong hininga ako.

Habang nagbibiruan kami, malayo palang, nakikita ko na si Maggie. Ganitong oras pala kasi yung uwi niya galing school. Kaya eto ako, palaging napunta dito ng ganitong oras.

"Bumwelo ka na! Andyan na si Maggie oh! Diskarte na tol." sabay tawanan nilang lahat. Hindi ko nalang pinansin kasi kinakabahan ako kapag andyan siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka kasi bigla siyang maturn-off. Tokwa! Hindi na ako teenager peronagkakaganito pa rin ako pagdating kay Maggie.

Nakalagpas na si Maggie pero hindi man lang ako nakapagreact...

END OF FLASHBACK

Nung time na yun, tinignan ko nalang siya sa malayo.

Nakuntento nalang ako ng ganun. Hindi niya alam na palagi ko siyang pinagmamasdan...

Nasundan pa nga yun ng isang moment SANA pero naudlot na naman ng dahil sa katorpehan ko.

FLASHBACK

Nakikita ko si Maggie na naglalakad. Andito ako sa tambayan.

"MAGGIE!!!" tawag ni Manong Jun kay Maggie. Ngulat ako kasi bigla niyang tinawag. Lumingon tuloy siya sa gawi namin.

Ngumiti lang siya ng kaunti. Siguro nailang kasi marami kami dito.

Pero salamat kay Manong Jun kasi nakita ko siyang ngumiti kahit na hindi para sakin masaya na ako.

A love to lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon