LOVE#6: Say goodbye...

147 6 0
                                    

LOVE#6: Say goodbye...

Since I had a chance to talk to him, hindi na nawala yung ngiti sa labi ko.

Every morning when I wake up, I always wish na sana maulit pa ulit yung mga pag-uusap namin...

Even before I sleep, pinagpepray ko kay Lord na sana palagi kaming ganito...

Siguro nga para sa iba, mababaw yung kasiyahan ko.

Pero sa katulad ko na nagmamahal ng isang taong parang ang hirap abutin, sa simpleng pagpansin lang niya, masaya na ako.

Halos lumabas na nga yung puso ko sa sobrang pagtibok eh.

Hindi maawat yung pagngiti ko kapag naaalala ko yung mga times na nakakausap ko siya.

Kaya nga hindi ko napansin...

Paalis na naman pala siya...

Sa sobrang saya na naramdaman ko, hindi ko na napansin na tapos na pala yung 1 month vacation niya dito sa Philippines.

Sa sobrang pag-iisip ko na sana hindi na matapos 'tong kasiyahan ko, hindi ko na naisip na, oo nga pala, aalis siya, maiiwan na naman akong malungkot...

Bukas na yung alis ni Bryan. Saturday, 3pm ang flight niya pabalik sa Qatar.

Anong drama ko?

Ano pa? Edi eto, lungkot lungkutan...

Naalala ko pa nga last week nung biniro ako ni Ate CM.

FLASHBACK

"Naku Ate, hindi ko na naman nakita sa tambayan nila si Bryan! Yun talagang si Cassy kapag sinasabing hindi ko makikita talagang nagkakatotoo eh." kakauwi ko lang galing school. Naglakad ako kanina pero hindi ko nakita si Bryan. Kainis! >.<

"Hala Maggie! Eh balita ko umuwi daw kasi kanina si Bryan sa province nila. Diba one week nalang aalis na siya ulit, dun na daw ata siya manggagaling sa province nila deretso sa airport. Sayang, hindi mo na siya makikita man lang kahit saglit bago umalis."

Pagkasabi ni Ate nun, ewan ko pero bigla nalang akong natigilan. Bigla ko nalang naramdaman na may umaagos nang luha sa pisngi ko. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

Grabe ang impact nung sinabi sakin ni Ate.

Totoo ba? Ganun na naman ba ang mangyayari sakin?

Parang hindi na kayang idigest ng utak ko kung ano pa yung sunod na sinabi ni Ate. Pagkasabi niya nun, parang bigla nalang akong nabingi. Parang bigla akong naparalize. Hindi ko magawang kumilos para punasan man lang yung luha ko na walang patid sa pag-agos sa pisngi ko. Hinayaan ko lang na tumulo ng tumulo. Bigla akong nanghina...

"Huy ano ba Maggie! Joke lang yun! Ito naman masyadong sineryoso. Partida hindi ka pa girlfriend niyang lagay na yan ha. Naku, tumigil ka na nga sa pag-iyak dyan. Binibiro lang kita. Sige na, kumain ka na. Itong batang ito oo."

Pero kahit nalaman ko na binibiro lang ako ni Ate, hindi ko na nagawang ipagpatuloy yung pagkain ko. Iniisip ko kasi, paano kung ganun nga diba? Ang sakit pala...

END OF FLASHBACK

So ayun nga, nung time na yun akala ko talaga totoo yung sinabi ni Ate. Kulang nalang maglupasay ako sa sahig sa sobrang iyak yun pala JOKE lang.

Siguro nga mukha akong t*nga nun eh. Umiiyak sa isang taong hindi ko naman alam kung gusto rin ba ako. HAHAHA

***

A love to lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon