LOVE#7: What was that?
It's almost 2 months since he went back to Qatar.
It's also almost 2 months since I've decided to totally give up on him.
Ang hirap talaga. I've tried this before but I didn't succeed.
Kasabay ng pagbalik niya, nabuhay ulit yung feelings ko para sa kanya.
Ngayon sinusubukan ko na namang gawin.
Sana matapos na 'to. Ayoko na kasi.
Masyado nang masakit.
Palaging umaasa, palaging naiiwan, palaging walang pinatutunguhan...
***
Masilip nga muna ulit yung facebook ko...
Matagal na rin kasi simula nung huling nag-open ako ng account ko dun.
Iniiwasan ko nang mag-open this past few weeks kasi everytime I'll check my account, I can't help but look at his profile.
Paano ako makakamove on kung ganun diba?
Uy! May message ako. Sino kaya 'to??? (- - ,)??
LUB.DUB.LUB.DUB
Lintyak na puso! Ano na naman ba???!!!!
Diba dapat hindi na siya yung iniisip kong magmemessage sakin kasi nga diba nagmumove on na ako...
Haay...
Eto na nga, titignan ko na kung sino...
From: Bryan Sarmiento
Message: Hi Maggie! :)
O_______O
For real ?!
LUB.DUB.LUB.DUB
Tokwa naman oh! Kalma ka lang dapat Maggie eh!
Hindi ka dapat ganyan magreact...
Tandaan mo, masasaktan ka lang dyan.
Aasa ka lang ulit.
Tama na...
LUB.DUB.LUB.DUB
Hindi ko pa rin talaga mapigilan si Mr. Heart sa pagtibok ng mabilis...
Teka nga, sasagot ba ako o hindi?
Kung sasagot ako sa message niya, ano namang sasabihin ko?
Hello Bryan? Tapos with smiling face din?
Ano ba yan! Pati naman irereply ko sa message ni Bryan pinoproblema ko pa.
Bahala na nga.
Magrereply na ako...
To: Bryan Sarmiento
Message: Hello! :) How are you?
Message successfully sent!
Sasagot kaya siya?
Bahala na. Hindi ko dapat hintayin yun.
Para hindi ako aasa....
***
Simula nung nagreply ako sa message niya, paminsan minsan, nagkakausap kami sa fb.
He always reply on my messages.
Napapaisip nga na naman tuloy ako..
Diba sabi ko sa sarili ko magmumove on na ako.
Eh pero bakit kasi ganito?
Bakit sumusulpot na naman siya?
Naguguluhan na naman ako.
When I finally decided to forget everything about him, he'll be back.
***
"Cassy, Karissa, anong gagawin ko? Bumabalik na naman siya. Pero hindi ko naman alam kung anong purpose ng pamemessage message niya sakin." magkakasama ulit kaming tatlo. Tambay kami dito sa KFC. Breaktime kasi eh.
"Alam mo, if you really want to forget him, stop answering his messages." suggest sakin ni Karissa.
"eh pano? Para namang ang bastos ko kung hindi ako sasagot diba?"
"no! Syempre hindi naman ibig sabihin eh basta ka nalang maglalaho na parang bula, give him an excuse. Kunwari magppakabusy ka lang sa thesis natin kaya hindi ka makakasagot. Na you're just checking your fb kasi dun tayo nag-uusap usap." sabi naman ni Cassy.
"ewan ko. Bahala na."
"hay naku Maggie! Ayan ka na naman sa bahala na yan eh. Kaya hindi ka makamove on eh. Tignan mo, kahit hindi mo aminin, halata namang umaasa ka na naman sa kanya eh. Ni wala ka ngang kasiguraduhan kung kahit crush man lang eh meron yan sayo eh." nasermunan na naman tuloy ako n Karissa. =_=
Hindi ko na kasi talaga alam kung paano. Kung anong gagawin ko.
Ang hirap ng lagay ko diba?
Naalala ko pa nga yung one time na nakachat ko siya. Natyempuhan kasi na parehas pala kaming online sa fb...
FLASHBACK (usapan nila to sa chat)
Bryan: Hi! Kamusta na?
Maggie: Eto ayos lang naman. Ikaw? Kamusta dyan sa Qatar?
Bryan: Okay lang din naman. Nakakasurvive pa naman. Hehe.
Maggie: Ah. Kaya mo yan! :)
Bryan: May video call naman dito sa fb right?
Maggie: mmm. Yhup! why?
Bryan: is it okay if magvideo call tayo?
Maggie: uhm, okay. :)
Bryan Sarmiento calling...
Nung inaccept ko na yung tawag niya, nagstart na yung video call. Kaya nakikita ko siya. Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita...
"ang payat mo! Magpataba ka. Masarap ang girlfriend na medyo chubby."
Medyo nashock ako sa sinabi niya.
Does it mean that he's thinking of me as his girlfriend???
LUB.DUB.LUB.DUB
END OF FLASHBACK
Oh diba? Sino ba naman kasing hindi mapapaisip kapag dinalihan ka ng ganyan...
Ano ba kasi talaga tayo???
Meron bang "tayo"???
Do I also have that great impact to you as what you are to me???
------------------------------------------------
VOTE and COMMENT :))
BINABASA MO ANG
A love to last
Short Storyit's just a short story.. story to ng friend ko kaya naisipan kong isulat.. wala lang.. all of us kasi are guessing kung ano ang kahihinatnan ng love story nila... so i'll make my own ending in this story.... will it be happy or tragic???