LOVE#8: OMG!!!

148 5 1
                                    

LOVE#8: OMG!!!

Nalilito na talaga ako…

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating o iparamdam sakin.

Yung sinabi sakin nila Cassy and Karissa na wag na raw akong sumagot para hindi ako umasa, hindi ko magawa.

To be honest, mas naging parang malalim pa nga yung mga pag-uusap namin eh. Or is it just for me???

Kung dati puro chat lang, type type lang pwede na, ngayon hindi. Palaging may video na kapag nag-uusap kami.

Actually, nagshift pa nga kami eh. From facebook to skype.

Kapag tumatawag siya, sinasagot ko naman kaagad.

Minsan nga kahit nasa work siya natawag siya sakin via skype eh.

Ako naman, minsan, kahit may class ako, basta tumawag siya, lumalabas talaga ako. Wala akong pakialam sa prof ko. HAHAHA

Ganito kami lagi…

Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ako sa kanya.

Wala naman kasi siyang sinasabi sakin.

Kahit “I like you” man lang wala eh.

***

*TOOT TOOT*

 Hala ayan, tumatawag na naman siya...

"Oh napaaga ata tawag mo? Tapos na work mo?" yun kaagad ang tanong ko sa kanya. Parang girlfriend lang eh noh? Nasanay na rin naman kasi kami...

"Hindi pa, nasa work pa ako. Wala naman kasing ginagawa kaya naisipan kong tumawag sayo nung nakita kitang online."

Oh diba? Sabi ko sa inyo eh! Kahit nasa trabaho pa siya tumatawag na. KINIKILIG NA NAMAN TULOY AKO..... >/////<

"uy! Buksan mo nga yang video mo. Di kita makita eh!" sabi ulit ni Bryan.

Opo! Ganyan po siya kademanding! Walang tanong tanong...  utos kagad! HAHAHA

At syempre, dahil mabait naman ako, pagbibigyan ko siya.

"ayan na po! May video na, okay na?" pabiro kong sabi sa kanya.

"yun! much better! Hahaha. Oh, kamusta na? Parang nataba ka na ata?" tanong niya sakin.

Diba dapat ako ang magtanong nun kasi siya yung nagtatrabaho overseas? HAHAHA

"eto, ayos lang naman. Oh? tumataba na kagad ako?" tanong ko sa kanya.

"oo parang medyo nagkakalaman ka na."

"eh sabi mo kasi magpataba eh! Ang hirap kayang magpataba noh! Umiinom pa tuloy ako ng gatas. Naconscious kasi ako lagi mo akong sinasabihan na ang payat ko."

Nagpatuloy pa yung usapan namin.

Ang tagal nga eh.

Umabot ng 2 hours and 32 minutes.

Oh ang taray! Alam na alam ko.

Naputol lang yung pag-uusap namin dahil tapos na yung working time niya at uuwi na daw siya dun sa bahay na tinitirhan niya doon.

***

(A/N: Bilisan na po natin... HAHAHA. Kailangan ko na tong matapos dahil may thesis pa... ^__^v)

AFTER 8 MONTHS

"WELCOME BAAAAAAAAAAAAAAACK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Bati ko sa kanya. Andito na kasi ulit siya sa Philippines.

I'm not sure if he will be staying here for good na or babalik pa ulit siya sa Qatar to work.

Hindi pa rin daw kasi niya alam. Hindi pa rin siya sure kung magrerenew siya ng contract.

Paano ko siya nakakausap ngayon?

Kasi may parang welcome party para sa kanya at ditoginawa sa bahay niya sa subdivision namin.

"ah thanks Maggie!" sagot niya sakin tapos ay ngumiti. "halika dito, kain na kayo." yaya niya samin papasok ng bahay niya.

It's my first time to get inside his house.

Maganda naman. Tama lang ang laki para sa isang tao. Lalaking lalaki rin yung design at halatang namemaintain pa rin dahil malinis at maayos ito kahit na matagal na ring walang tao.

Nung medyo late na ng gabi, lumapit siya sakin...

Parang medyo naiilang pa nga siya.

Kahit ako eh. Hindi pa rin kasi ako sanay ng personal siyang nakakausap.

Iba pa rin talaga yung feeling kapag kaharap ko na siya...

Nabasag lang yung katahimikan nung bigla siyang nagsalita...

"uhm...

...may gagawin ka ba this weekend?"

LUB.DUB.LUB.DUB

 ------------------------------------------------

VOTE and COMMENT :))

A love to lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon