Lahat ng tao ay may kanya kanyang paraan kung paano libangin ang sarili nila. Lalo na ang mga millenials sa panahon ngayon. Mahilig sa mga computer games, mag facebook, mamasyal kung saan saan, mag selfie , mag upload ng pictures sa instagram, facebook at kung saan pang sites sa social media , bumuo ng dance group , makinig ng mga music, magbasa ng mga stories sa Wattpad at iba pa. Pero ako? Well simple lang. Kaya kong mag libang kahit nasa bahay lang ako magdamag. Ang ginagawa ko lang naman ay manood ng Kdrama at pagpantasyahan lahat ng Oppa sa South Korea. Oha. At ang aking love of my life at pinaka pinagnanasaan ko ng bongga charot ang pinaka crush ko talagang Korean Artist ay si Lee Jong Suk. Ewan ko ba mga fren kung bakit baliw na baliw ako sa kanya. Hindi lang dahil sa sobrang gwapo niya dahil din sa lips niyang napaka perfect. Kaya nga siya binansagan na higop king eh dahil sa nakakabaliw niyang labi. OMG . Pag iniimagine pa lang siya halos mahimatay na ko eh pano pa kaya kung nasa harapan ko na siya diba. Ibang level na yun. Kakaiba man ang trip ko sa paningin ng iba pero wala eh dito ako sumasaya. Marami ngang nag sasabe na baka daw tumataas na ang standards ko sa mga lalaki dahil sa kapapanood ko ng mga Kdrama. Well hindi naman sa pag mamayabang pero marami ngang nagkakagusto at may balak na manligaw sakin pero nirereject ko silang lahat. Hindi naman sa mataas nga ang standards ko sa mga lalaki pero parang ganun na nga hahaha. Pero nagbabakasakali pa rin naman ako na makahanap ng taong di man katulad ng mga napapanood ko sa Kdrama pero sana kahit yung mukha man lang ni Lee Jong Suk makuha nila Charot. Ang gusto ko lang naman sa lalaki ay yung Mamahalin ako hangang dulo. Yung kapag nakilala ko na siya , siya na talaga yung The One. My first and my Last. Marami mang nag sasabe na walang Forever gusto kong patunayan na merong walang hanggang pag ibig sa taong pursigidong hintayin ang taong nakalaan para sakanila.
BINABASA MO ANG
My Ideal Namja
RomanceAnikka Jade San Miguel. Ang babaeng fan ng Kdrama at baliw na baliw sa isang sikat na Korean Artist sa South Korea. Si Lee Jong Suk. Ang Man of her dreams. Ang lalaking pangarap niyang maging boyfriend. Marami mang nagsasabe sa kanya na isang kahi...