Chapter 3

97 7 3
                                    

Anikka Jade POV

Totoo ba tong nakikita ko?
Hindi ako makapaniwala.

Kinusot ko ang dalawang mata ko at kumurap ng ilang beses.

Sinampal ko pa ng mahina ang dalawang pisngi ko para malaman kung tama ba ang nakikita ko at hindi ako nananaginip.

Yung ayos ng buhok niya.
Ang suot niya.
Orange na sweater. Kung ano ang suot niya ngayon yun din ang nasa wallpaper sa phone ko.

Natulala at napanganga talaga ako ng bongga.

Kung talagang siya yan bakit hindi siya pinagkakaguluhan ng mga tao?Nakakapagtaka. Napatingin ako sa paligid. Normal naman ang paligid wala akong nakikitang nagtatakbuhan papalapit sa kanya o kaya nag papapicture.  Kahit nga mga nag titilian na mga kababaihan wala akong nakikita eh. So ano toh ako lang talaga nakakakita at nakakakilala sa kanya?

Pero sabagay, sa South Korea siya sikat ng bongga. Dito kasi sa Pilipinas hindi lahat kilala siya.  Pero nakakapataka pa rin talaga.

Kasalukuyan siyang kumukuha ng pera sa wallet niya at iniabot yun sa cashier.

"Excuse me teh. Nakaharang ka sa daanan."- sabe ng babae sa kaliwa ko.

" Ay sorry po sorry po. Sige po daan na po kayo. Pasensya na po talaga."- Sabe ko sabay bow sa kanya ng ilang beses.

Nang makadaan na yung babae, ini angat ko ang ulo ko at nagulat ako sa nakita ko.

Nakatingin siya sakin. OMG OMG. I cant breath. OA na kung OA pero yun talaga yung nararamdaman ko.

Ngumiti ako at kumaway sa kanya.

Pero Itinaas niya lang ang kilay niya na parang nagtataka at iniwas na ang tingin sakin.

Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo. *o*

Nakita ko na kinuha na niya yung pinamili niya at ready to gora na siya.

OMG paalis na siya. Kailangan ko siyang maabutan. Makapag papicture man lang kahit isa lang huhuhu.

Tumakbo ako papalabas sa exit ngunit bigla akong napahinto at naalala yung mga pinamili ko.

Hala hindi ko pa pala nababayaran yung mga binili ko.  Nakakainis naman. Huhuhuhu.

Patakbo kong binalikan yung cart na tulak tulak ko kanina. Mabilis akong pumila sa counter at nagmadaling ilabas ang mga pinamili ko.

"Ma'am dahan dahan lang po sa pag lapag."- sabe sakin nung cashier.

"Ay pasensya na. Nagmamadali kasi ako hehehe sorry ulit. "-sabe ko

"Ok lang po Ma'am."- Cashier

Nang mailabas ko na lahat ng pinamili ko tumingin ulit ako sa labasan ng supermarket.

Sinilip ko talaga kung nandun pa siya. Halos nag kanda haba habana yung leeg ko at tumingkayad talaga ako ng bongga para tingnan kung maabutan ko pa siya kaso di ko na siya nakita.

Nakakapanlumo naman.

"Ma'am 1,135 pesos po lahat."- Cashier

Nanlulumong inilabas ko yung wallet ko at nag abot ng pera sa cashier.

Binuhat ko na ang dalawang plastik na pinamili ko at nag lakad na palabas ng Supermarket.

Paglabas ko sumakay agad ako ng jeep.

Mga isang oras din ang nakalipas  nang makarating ako sa bahay.

Kumatok ako at hinintay si Mama na pag buksan ako ng pinto.

My Ideal NamjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon