Anikka Jade POV
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa lugar na paborito kong puntahan dito sa South Korea. Ang Nami Island. Ito ang lugar na dati sa Kdrama ko lang nakikita. Ang lugar na dati pinapangarap ko na puntahan. Pero ngayon, nandito na ko. Nakikita na mismo ng dalawang mata ko. Napaka sarap sa feeling . Na parang lumulutang ako sa sobrang saya. Walang katapusang kasiyahan. Na sa wakas narating ko na rin ang lugar na pinapangarap ko.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang buong paligid. Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin. Maya maya naramdaman ko na may pares ng mga paa na papalapit sa akin mula sa likuran . Napangiti ako. Hindi lang pagpunta sa lugar na ito ang ikinatuwa ko ng sobra. Dahil may isang pangarap pa ko na hindi ko inaasahan na magkakatotoo. Ang lalaking pinapangarap ko noon, pag mamay ari ko na ngayon.
"Babe." - Aniya
Nakangiti akong dumilat at hinarap ang taong nag salita.
"Here. This is for you." - alok niya sa isang ice cream na hawak niya
The man of my dreams . Lee Jong Suk Oppa. Yes mga fren jowa ko na nga siya mainggit kayo bleh.
"Gomawo."- Nakangiti kong sabi. (Thanks)
Kinain ko ang ice cream na binigay niya.
"Neoneun meogneun dong-an jeongmal gwiyeobda." - Natatawa niyang sabe ( you're really cute while eating.)
Lumapit siya sakin at pinunasan gamit ang hinlalaki niyang daliri ang dumi ko sa mukha.
Maya maya lang, unti unti na niyang nilapit ang kanyang mukha.
Hindi agad ako nakagalaw. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Hinawakan niya ang magkabila kong panga at naramdaman kong papalapit ng papalapit ang mukha niya sakin ng biglang ......
"Uy teh anong trip yan? bat naka nguso ka?" - aniya sabay palo ng mahina sa nguso ko. Napadilat ako at nakita ko na nilapag niya ang dala niyang tray sa lamesa.
"Aray ano ba panira ka. Nag iimagine ako dito oh. Hahalikan na nga dapat ako eh umepal ka lang. "- Naiinis kong sabe sa kanya.
Naupo siya sa harapan ko."Ay wow arte neto maka aray mahina lang naman yun. Saka ayan diyan ka talaga magaling eh sa pag iimagine mo. Pinag nanasaan mo nanaman si Lee Jong Suk sa isip mong bruha ka. Akala ko ba nag rereview ka ha. May pa pikit at nguso ka pa diyan. Pag may nakakita sayo mapagkakamalan ka pang baliw." - siya
"Haist. Pinapahinga ko lang naman yung utak ko. Kanina pa kaya ako nag rereview. Iniisip ko lang si Lee Jong Suk My loves para pampa inspire. Saka anong sinasabe mo na pinagnanasaan oy grabe ka ang bastos mo. Tinuloy ko lang naman yung naudlot na panaginip ko kaninang umaga. Yung nasa Nami Island daw kaming dalawa. Shet kinikilig talaga ako." - Ako
"Tsk. Inspire mo mukha mo. Buti sana kung ang tataas ng mga scores mo aa quizzes eh hindi naman. Naku ewan ko sayo kumaim ka na lang baka ikabaliw mo pa yan."- siya
" Grabe naman toh."- Ako sabay nguso sa kanya.
Yan ganyan ang ugali ng kaibigan ko. Napaka maldita pero may taglay pa rin namang kabaitan sa katawan kahit papano. Libre nga niya yung pagkain namin ngayon eh hahaha. Ang sarap talaga ng libre mga fren.
So yun na nga ipapakilala ko na siya sa inyo. Siya si Kristine Jane Villarosa ang sobrang ganda kong bestfriend. Gaya ko may kinahihiligan at kinababaliwan. Well fan na fan lang naman siya ng kpop boy group na BTS. Asawa niya raw lahat ng members dun ganun siya ka bongga mag imagine diba. Syempre sobrang kinababaliwan niya dun si Kim Taehyung. Makarinig lang yan ng kanta ng BTS ay naku nag wawala na yan. Ganyan siya kalala haha. Pero kahit na may pag ka abnormal yan love na love ko yan.
BINABASA MO ANG
My Ideal Namja
RomanceAnikka Jade San Miguel. Ang babaeng fan ng Kdrama at baliw na baliw sa isang sikat na Korean Artist sa South Korea. Si Lee Jong Suk. Ang Man of her dreams. Ang lalaking pangarap niyang maging boyfriend. Marami mang nagsasabe sa kanya na isang kahi...