Chapter 7

49 3 0
                                    

Anikka Jade POV

Nang makarating ako sa Com Lab ay wala pang prof.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Jong Suk.

Asan na yun? Nakarating na kaya siya rito? Ano kayang number ng PC niya? Baka naunahan ko pa siya makarating? Nasan na yun? Hindi ba siya papasok sa subject na toh?

Agad akong nilapitan ni Kristine.

"Teh bat naman ang tagal mo? Kanina pa kaya kita inaantay. Wala tayong prof sa last subject maaga uwian natin. Gala us mamaya ah?"- Siya

Hindi ko siya sinagot. Busy pa rin akong hagilapin si Jong Suk.

"Uy teh tinatanong kita. Sige wag mo ko pansinin."-Siya

Di pa rin ako sumagot.

"Sino ba kasi hinahanap mo?"- naiinis na aniya.

"Dumating na ba si Jong Suk?"-Ako

"Ha? Akala ko ba kasama mo kasi kakausapin mo kamo siya? Bat dito mo siya hinahanap?"- Siya

"Di kame nakapag usap ng maayos. Nauna na siya umalis nung makasama kame. Di nga ako nakapag papicture at authograph sa kanya umepal kasi yang kuya mo eh."- nababadtrip kong sabe

"Eh bakit anyare?"- siya

"Wala umeksena lang ang loko. Nasa building nila kasi kame nag usap kaya ayun."-ako

"Ah. Tigilan mo na kasi yang pa picture at pa autograph mong nalalaman. Ang OA mo talaga. Tsk. Araw araw mo naman siya makikita di pa ba sapat yun teh? Nakakaloka ka."- Siya

"Eh kahit na. Papakita ko yun kay Mama para may proof ako na classmate natin siya. Ipagyayabang ko sa kanya na nakita ko si Lee Jong Suk sa personal. At saka remembrance ko na rin yun. Malay mo baka biglang pumunta ng south korea yun eh di nasayang yung chance ko."-ako

"Ay ewan ko sayo teh. Bahala ka nga diyan. Ikaw din mag mumukhang shunga."- Siya

"Grabe ka. Di ba pwedeng suportahan mo na lang ako." -ako

Natigil ang pag uusap namin nang dumating na yung prof.

Nagsi puntahan na kame sa kanya kanyang PC.

At maya maya lang ay nagsimula na ang klase.

Hindi na talaga siya pumasok. Umuwi na siguro yun. Hasyt.

Buong oras akong nakabusangot.
Pano ba naman kasi tatlong oras na akong nakanganga dito. Ito kasi ang pinaka ayaw  kong subject. Nakakabagot. Nakaka walang gana makinig.

Inaantok ako. Iidlip nga muna ako saglit.

Zzzzzzzzzzzz (-o-)

"Beks, uy gising na teh."

Ano ba yan inaantok pa ko eh.

"Uy teh uwian na jusko naman. Gumising ka na kung hindi iiwanan kita diyan bahala ka."- narinig kong sabe ni Kristine

O_____O

Nagising ang diwa ko sa pagkasabe niya.

Napatayo ako bigla mula sa pagkakasandal ng ulo ko sa gilid ng computer.

Tapos na pala yung klase.

Kame na lang ni Kristine ang nasa room.

"Natulog ka nanaman. Pasalamat ka talaga di ka nakikita ng prof natin."- Siya

"Eh sa inantok nanaman ako eh anong magagawa ko. Tara na."- ako

Nasa pinto na ko ng bigla kong narinig na tumawa si Kristine.

My Ideal NamjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon