Yohan Justin POV
Nagising ang diwa ko sa malakas na katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko.
Hindi ko yun pinansin at nanatiling nakapikit. Inaantok pa ko istrobo sa pagtulog.
"Sir Yohan, kailangan niyo na pong gumising. Sir?- aniya ng tao sa labas.
Paulit ulit siyang kumatok.
Sa sobrang pagkarindi at antok pa na nararamdaman, napipikon akong nag mulat ng mata at bumangon. Tumingin ako sa orasan.Its 5 ' o clock in the morning.
Naiinis akong lumapit sa pintuan at binuksan ang pinto.
Bumungad sa aking harapan ang nasa mid 40's na lalaki.
"Who the hell are you? Do yo have a Fuc*ing rights to wake me up this morning? Huh? At paano ka nakapasok sa condo ko?"-Galit kong sabi sa kanya
Sa sobrang inis ko, di ko na napigilan na magalit at sigawan siya.
Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung iniistorbo ako sa pagtulog at gisingin ako ng ganito ka aga. Panira ng araw. Bwiset.
"Sorry po Sir Yohan. Kailangan niyo na po kasing maghanda dahil papasok na po kayo sa school at may mga ipapagawa ang daddy niyo sa inyo yun ang utos niya. Ako nga po pala si Mr. Go ang mag babantay sa inyo at makakasama niyo po dito sa Pilipinas. Meron rin po akong susi ng condo niyo. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo dahil pumasok po ako ng walang paalam."- aniya sabay nag bow sakin bilang paggalang.
Napipikon akong tumingin sa kung saan. Kinagat ang ibabang labi ko at isinuklay ang mga daliri sa buhok ko.
"Hindi ako papasok sa school. Wala akong pakialam sa utos niya. At sabihin mo sa walang kwenta kong ama na wag na siyang makialam sa buhay ko dahil wala siyang karapatan."- Galit kong sabi at sinara ng malakas ang pinto ng kwarto ko.
Mahigpit kong hinawakan ang door knob.
" Sir, kailangan niyo pong sundin ang daddy niyo. Kailangan niyo po talagang pumasok. Dahil kung hindi, parehas tayong malalagot sa kanya. At baka magalit siya sa inyo."- malakas na aniya kasabay ng malalakas na katok.
Naiinis ako. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa.
Nagsisimula nanamang mabuhay ang galit sa kaloob looban ko.
Napaka bigat sa pakiramdam. Unti unti ko nanaman nararamdaman ang kirot sa dibdib ko.
Napahawak ako doon.
Sa twing nagagalit talaga ako sa amain ko lagi na lang ganito ang pakiramdam ko. Napaka walang kwenta niya talaga.
Maya maya lang tumunog ang cellphone ko na kasalukuyang nasa kama.
Lumapit ako doon at kinuha ang phone ko.
~Daddy's calling~
Tinitigan ko ang pangalan ng tumatawag.
Nanginginig ang kamay ko sa galit.
Sinagot ko yun at galit na galit na sinigawan niya.
"ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO? BAKIT MO BA GINAGAWA SAKIN TOH? BAKIT BA LAHAT NA LANG PINAPAKIALAMAN MO? WALA KA NANG PAKIALAM SA GUSTO KONG GAWIN. AYOKO NA MAG ARAL. YUN NAMAN ANG GUSTO MO DIBA? KAYA NGA PINADALA MO KO DITO EH. KAYA PINAG HINTO MO RIN AKO SA PAG AARAL KO DIYAN SA KOREA DAHIL GUSTO MO KONG MAG REBELDE SAYO. NATUTUWA KA NA MAPARIWARA ANG BUHAY KO. GINUSTO MO TOH DIBA? DIBA? TAPOS NGAYON GANITO NAMAN? WALA KA NANG PAKI ALAM SAKIN MATAGAL NA. KAYA WAG KA NANG MAGPANGGAP. MATAGAL KO NANG ALAM NA DEMONYO KA. HAY*P KA!!!"- Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Ideal Namja
RomanceAnikka Jade San Miguel. Ang babaeng fan ng Kdrama at baliw na baliw sa isang sikat na Korean Artist sa South Korea. Si Lee Jong Suk. Ang Man of her dreams. Ang lalaking pangarap niyang maging boyfriend. Marami mang nagsasabe sa kanya na isang kahi...