Note: hello po sa mga readers ko ^_^ nais ko lang pong ipaalala sa inyo na sa chapter pong ito ay may mga harsh pong words. So sa mga 17 below po na nagbabasa ay wag sanang gayahin thank you. ^_^
Yohan Justin POV
*BOGSHH*
Nagising ako sa malakas na kalabog na narinig ko.
"YOHAN BUKSAN MO TONG PINTO."sigaw nito sabay katok ng malakas sa pinto.
Nagulat ako sa pamilyar na boses na narinig ko sa labas ng kwarto ko.
"P***** I**. YOHAN SABING BUKSAN MO TONG PINTO EH. SISIRAIN KO TONG BWISIT NA PINTO NA TOH PAG DI MO KO PINAGBUKSAN."
Inis akong bumangon at lumapit sa pinto.
K*** i**ng buhay toh. Lagi na lang may umiistorbo ng pagtulog ko.
Nang makalapit ako sa pinto ay binuksan ko na ito.
*BOGSHHHHH*
Pag ka bukas na pagkabukas ko ng pinto, isang kamao agad ang sumalubong sakin.
Napaatras ako dahil sa lakas ng suntok na pinakawala niya.
Napahawak ako sa parte na sinuntok niya.
"T*R*NTA*O KA TALAGA. HINDI MO BA ALAM NA ISANG MALAKING PANG HIHINAYANG ANG GINAWA MO? HINDI KA NAKIPAG KITA SA KLIYENTE KO. HINDI MO SIYA SINIPOT AT HINDI MO MAN LANG SIYA TINAWAGAN. SINAYANG MO ANG PAGKAKATAON NA YUN. NANG DAHIL SAYO, NAWALA ANG INAASAM ASAM KONG MARAMING PERA. NANG DAHIL SAYO,HINDI NA PUMAYAG ANG KLIYENTE KO NA MAKIPAG DEAL SAKIN. NANG DAHIL SAYO NASIRA LAHAT NG PLANO KO. WALA KA TALAGANG KWENTA."-galit na galit na aniya sabay sapak ulit sa kaliwa kong pisnge.
Napa upo ako sa ginawa niya.
Napayuko ako at dinama ang sakit ng
dinulot ng pagkakasapak niya.Iniangat ko ang paningin ko sa kanya at Ngumisi.
Nanlisik ang mga mata ko habang tinititigan ko siya. Kung pwede lang na mamatay siya gamit ang panlilisik na tingin baka patay na siya ngayon.
Pinunasan ko ang gilid ng labi ko.
"Ako ba ang walang kwenta? O ikaw?" - aniya ko sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mo na sumagot pa ng ganyan sakin. Pagkatapos ng ginawa mo."- Dad
May balak pa ulit sana siyang ambahan ako ng suntok ngunit pinigilan siya ni Mr.Go.
"Sir, tama na po maawa po kayo sa anak niyo."- Mr.Go.
"Pwede ba bitawan mo ko. Wag kang mangialam dito kung gusto mong ikaw ang saktan ko."-ani ni Dad kay Mr.Go.
"Sorry Sir. Ayoko pong makisali sa gulo niyo subalit hindi naman po tama na saktan niyo ng sobra ang inyong anak."-Mr.Go
"ANO BANG PAKIALAM MO HA? WALA KANG KARAPATAN NA PAG SABIHAN AKO NG GANYAN. UMALIS KA NA SA HARAPAN KO BAGO PA KO MA BWISIT SAYO NG SOBRA AT TANGGALAN KITA NG TRABAHO."-Dad
Napayuko na lang si Mr.Go sa sinabe ng amain ko.
"Nag aksaya ka lang ng oras na pumunta dito para lang sabihin yan at magwala dito sa condo ko?"-Ani ko
"Napaka Tar****do mo talagang bata ka. Ikaw na nga tong may ginawang problema ganyan ka pa mag salita. Wala ka talagang silbi kahit kelan. "- Dad
"Bakit,anong akala mo sakin mag papauto ako sayo? Akala mo ba gagawin ko yang mga kalokohan mong ginagawa? Akala mo ba katulad mo ko? Nag kakamali ka. Hindi ako katulad mo na nasisikmura lahat ng illegal na gawain mo. At higit sa lahat,hindi ako katulad mo. Napaka demonyo mo.Walang papantay sa kademonyohan mo. DEMONYO KA."- galit na galit kong isinigaw sa kanya ang mga huli kong sinabe.
BINABASA MO ANG
My Ideal Namja
RomanceAnikka Jade San Miguel. Ang babaeng fan ng Kdrama at baliw na baliw sa isang sikat na Korean Artist sa South Korea. Si Lee Jong Suk. Ang Man of her dreams. Ang lalaking pangarap niyang maging boyfriend. Marami mang nagsasabe sa kanya na isang kahi...