Chapter 6

66 6 1
                                    

Anikka Jade POV

Nang makarating kame sa room,  binuksan ko na yung pinto at pumasok na kameng dalawa ni Kristine.

O_O

Anyare??

Nag kukumpulan yung mga mahaharot naming kaklse sa likod.

"Ano nanaman kayang trip nila?"- ako

" Tsk. As usual nag dala nanaman siguro ng magazine na puno ng mga lalaking naka brief or boxer si Ynna kaya nagkagulo nanaman sila."- Kristine

Hahaha tama nga siya. Si Ynna yung secretary namin na parati na lang nag babaon ng magazine sa school para pag piyestahan nila. Hahaha. Pero kahit ganyan yan di naman yan nag papahuli sa klase. Matalino siya at maganda pa. Oha. Ganun siya ka lupit.

Natawa at napailing na lang ako sa sinabe niya.

Umupo na ako  sa may unahan katabi ng bintana at naupo naman si Kristine sa tabi ko.

"Ang pogi mo naman kuya. Anong name mo?"- narinig kong sabe ng binabae kong classmate.

Wala akong narinig na sumagot sa kanya.

May transferee??

Nilingon ko sila sa likod.

Kinikilig naman yung mga bruha.
May mga mahinang tumitili, may nag hahampasan, may mga pabebe. Nakakaloka.

Gwapo talaga siguro kaya di nila tinitigilan.

Kahit naman mahilig din ako sa gwapo di naman ako ganyan humarot noh. May sarili kasi akong strategy. Hahaha

"May bago ata tayong classmate."- sabe ko kay Kristine

Napalingon din siya sa likod.

"Ah so yung transferee yung pinagkakaguluhan nila? Tsk. Sobrang gwapo ba niyan?"- ani Kristine na pilit niyang sinisilip yung lalaki kaso di niya makita dahil grabe mag kumpulan yung mga classmate namin.

Samantalang yung ibang classmate naming lalaki mga naka upo lang at nag lalaro sa mga phone nila. Alangan maki gulo din sila dun noh pwera na lang kung magandang babae yung transferee hahaha. Mas maraming babae at mahaharot na binabae sa section namin kaya dumog talaga pag may gwapo haha

Umayos na ko ng upo at kinuha na yung phone at earphone ko sa bag.

"Can you please leave me alone?"- naiiritang sabe ng isang tinig.

O_O

Parang pamilyar yung boses niya?

Lilingon na sana ako sa likod nang dumating na yung prof namin.

Nag si puntahan na yung mga classmates sa mga upuan nila.
Tinago ko na yung phone at earphone ko sa bag. Kinuha ko yung libro,notebook at ballpen ko. Magpapanggap na ko na nag aaral ng mabuti. Hahaha

"Good morning class. Please bring out your assignments."- prof sabay patong sa lamesa nung dala niyang projector at laptop.

Feeling ko natutuyuan ako ng lalamunan.

"Oh by the way class, you have a new classmate. So Mister, can you introduce your self to us please."- Prof

Kinuha ko yung tubig ko sa bag.

"Beks. Parang pamilyar si Transferee."- ani Kristine

Habang umiinom ako, napatingin ako kay Kristine binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

Nang mapadako ang paningin ko sa harap, sa sobrang bigla ko di napigilan ibuga yung tubig na iniinom ko.

O_____________O

My Ideal NamjaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon