First day

12 1 0
                                    

It has been 3 days simula nang mapadpad ako dito sa Andelacia at mag-aral sa isa sa mga paaralan dito.

At sa loob ng tatlong araw na yun ay nagawa kong ikutin ang buong academy ay madami din akong nalaman salamat nadin sa tulong ng elites at ibinili na din nila ako ng mga damit at mga kailangan para sa pag-aaral sa eskwelahan na ito  tulad ng bag, limang notebook lang din dahil konti lang naman ang subjects na kailangan mag-take down notes, shoes, combat shoes at other accessories.

Ngayon ang first day ko dito sa school na ito kaya naman nag-ayos din ako para naman magmukha akong presentable and I must admit na ang ganda ng school uniform nila. Bumagay naman ang uniform sa akin.

Nakasuot ako ng white blouse sa ilalim at dark blue blazers sa ibabaw at kulay dark blue naman ang mini skirt na 5 inches above the knee, sa iba 2 inches lang pero dahil may katangkaran din ako ay naging 5 inches ito. 

Ehhhhhhh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ehhhhhhh..... kasalanan ko ba maging matangkad dahil ehem... 6 feet ang height ko.

(A/N: Huwag nyo nalang pong pansinin yan nung bata kasi yan masyadong napuri kaya ayan ... medyo lumalaki ang ulo konti lang naman)

Author naman ihhhhh!~ Di porket mas matangkad ako sayo dahil 5'4 lang height mo ganyan kana?!

(A/N: Ahhhh ganon ha? Sige papatayin kita dito ora mismo!)

Ms.A naman ehhhh.... di nabibiro '^' any way medyo nasanay na din naman ako sa mga ganitong skirt sakin ehhh dahil si Mayu ang laging bumibili ng mga damit ko na parang akala mo kanya dahil ang iiksi!

 Naglagay nalang ako ng konting pulbo sa mukha at konting lip gloss and charan! 

(A/N: Si Jade po yung nasa picture sa taas)

"Jade tapos ka na ba magbihis?!" Sigaw ni Mayu mula sa labas.

 "Tapos na wait lang...."

Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at binuksan na ang pinto at bumungad sakin si Mayu na malaki ang ngiti sa mukha.

"Wow! I didn't know that the uniform would look great on you"sabi nya hinead to toe ako na medyo nakakailang >-<

"Well, siguro nga kahit garbage bag babagay sayo eh" dagdag nya pa at hinatak na ako papuntang dining room.

"Hey guys! wag nyo naman kaming ubusan ng pagkain ni Jade!" bulyaw sa kanila ni Mayu.

Napalingon naman silang lahat samin- or more like sakin lang. Agad naman akong nailang sa klase ng pagtitig na binibigay nila sakin yung tipong namamangha silang tinititigan ako.

"Wow! I didn't know that our uniform would look good on someone" nakangiting saad ni Arriane sakin nang mapansin kong...

"Bakit di pa kayo nakabihis?" takang tanong ko. Lahat kasi sila di pa nakabihis or naka-uniform. Tumingin ako ky Mayu at hindi rin sya nakabihis.

"Oh! I forgot to tell you na ang start bg class sa star section ay mamaya pang hapon at dahil sa newbie ka palang dito ay nasa lowest section ka muna" nakangiting paliwanag ni Des.

Ang ganda nya talaga!

"Here is your schedule nga pala" inabot sa akin ang isang papel kaya naman kinuha ko ito at tinignan.

Monday: History and Combat Knowledge

Tuesday: Algebra and Combat Training

Wednesday: Combat

Thursday: Mastering of abilities and teikin

Friday: Arts and Weapon Training

Napakunot ang noo ko nang may nakita akong kakaiba...

"Mayu diba magic school ito bakit may History, Algebra at Arts dito nakalagay?"

"Ahhhh ayan kasi hindi lang naman tungkol sa pagpapalakas ng teikin ang ginagawa dito dahil minsan ipinapadala sa missions lalo na kaming elites kaya kailangan nag-aaral din kami ng pinag-aaralan sa human world para naman kapag pinadala kami sa mission sa human world 'di kami magmukang tanga at mangmang." Si Arriane ang sumagot dahil punong-puno ng pagkain ang bibig ni Mayu.

Grabe talaga tong babaeng to! Ang lakas kumain.

"Hoy Mayu at Yuri maghinay-hinay naman kayo sa pagkain! Anak ng- hindi naman namin kayo aagawan ng pagkain eh!"

"Mas maganda nang sure!" sabay na sagot ni Mayu at Yuri na parehas din puno ang bibig.

Grabe pala itong dalawang to ang liit at ang sexy ng katawan tapos ang laks kumain!

"Anyway nakalagay dito sa sched mo Jade na 9:30 ang first period mo kaya bilisan mo nang kumain para hindi ka malate 9:00 na ohh ang layo pa naman ng building nyo dito sa dorm ng elites" sabi ni Des habang kumakain at nakatingin sa sched ko.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at inom ng tubig at binuksan na ang pinto.

"Bye guys! Una na ako!" sabi ko sabay lalabas na dapat pero may sinabi pa sila.

"Good luck on your first day!"

"Galingan mo!!"

"Fighting!"

"Kapag may nambully sayo sabihin mo lang at reresbakan agad namin!"

"Ano ba yan Mayu yung pagkain ko akin yan!"

"Susunduin ka na lang namin sa Cafeteria kapag break na!"

"Pasalubong ha!"

Agad naman akong napangiti dahil sa pinagsasabi nila.

"Okay gagawin ko yan guys!"

At tuluyan na akong lumabas sa aming dormitoryo.

This is it! My first day of school here in Zephyr Academy!

Please be with me all throughout my journey here!!





Jade: The Magical Destiny  [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon