Zephyr Academy

14 2 0
                                    

"Gising..." Huh?

"Jade...." Sino yan?

"Jade gising, Jade!"

"Sino ka?!"

"JADE!"

Napabalikwas ako ng gising at mapagtantong nasa higaan na ako.

"Hay !salamat at nagising ka na!" sigaw sakin ni Mayu na nasa harap ko.

"Huh? bakit? ano bang nangyari? nasan ako?!" waaaaaahhhhh!naghi-histerical nako dito sa pwesto ko.

"First of all huminga ka muna at kumalma. Second nahimatay ka kaya kailangan ka pang buhatin ni kuya" sabay turo dun sa lalaking nasa pinto.

Matsu! siya yung gwapong lalaking nagpahinto kay Mayu nang magabago itsura ni Mayu ah!

"Kuya mo siya?" -me

"Yup!" nakangiting sagot ni Mayu.

"Wait meron ka pang hindi nasasagot sa tanong ko" -Me

"Oh right! Nandito ka sa dorm ni Kuya dito sa Z.A" -Mayu

"M.A? ha?"

"Welcome to Andelacia the World of Magic! ito namang school nato ay Zephyr Academy School of Magic" masiglang sabi ni Mayu.

Pero.....Pffffftttt hindi ko na mapiglan ang tumawa!

"Hahahahaha! ilang pakete ba ng drugs ang nginuya mo Mayu? hahahahaha Magic? nababaliw kana! di yun totoo!" napahawak na ako sa tiyan ko sa sobrang tawa gumugulong-gulong pa nga ako sa kama eh!

Magic? Nakadroga na si Mayu! Di yun totoo! hahahahahaha

Seryoso namang tinignan ako ni Mayu.

"Di ka nagbibiro?" sa wakas nakatigil na ako sa pagtawa.

Kasi naman eh! yung titig nila ay parang ako pa yung baliw!

Tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko.

"Prove it!" sabi ko dahil hindi ako maniniwala hanggat walang proweba!

May pinalabas siyang parang nag-spark muna tapos nagkaron ng fireball!

Nilarolaro nya pa yung fireball sa kanang kamay nya!

"Fire and Heat Manipulation ang ability ko while si Kuya Memory Manipulation and Animal Control" saad ni Mayu.

"Ngayon naniniwala kana?" tanong nya.

Wala sa sariling napatango ako.

"Good, ngayon magbbihis kana tapos ie-enroll ka namin dito sa academy" sabi ni Mayu habang tinutulak-tulak pa ako papasok sa banyo.

Matapos maligo nagbathrobe muna ako dahil nakalimutan kong wala nga pala akong dalang damit!

"Mayu?..." sabi ko habang lumilinga-linga sa kabuuan ng kwarto.

Maganda naman pala yung kwarto ng kuya ni Mayu

Ano kaya pangalan nya?

Simple blue siya malinis at kumpleto ang gamit at meron ding walk-in-closet.

"Tapos ka na maligo?" muntik na ako mapatalon nang may magsalita sa likod ko.

"Ahhh... oo tapos na ako maligo pero wala kasi akong dalang damit...." nahihiyang sagot ko kay Mayu.

"Ay !oo nga pala halika papahiramin nalang kita ng damit magka-size naman tayo diba?" nakangiting sambit ni Mayu.

Huhuhuhu T^T alam ko pa naman kung anong klaseng damit ang mga damit ni Mayu.....

Jade: The Magical Destiny  [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon