>>> Before you learn about the present know first the past <<<
"Sa mundo ng Andelacia o Magic World mayroong tatlong kaharian ito ang...
Diamond Kingdom, Oscuro Kingdom at Tenshi Kingdom.
Diamond Kingdom dito nakatira ang mga magic users, witch, wizards, sorcerers and sorceress at iba pang magic users also including warriors.
Magic users -mga manipulator, teleporter, light users, dark users, shifters at iba pa.
Witch and Wizards -yung mga gumagamit ng wands, spells, curses and potion makers.
Sorcerers and Sorceress -ay ang mga portal makers, uses spell books, uses light and dark magic and they are also called healers.
Warriors -mga brutal na tao na hindi nagdadalawang-isip a pumatay ng mga nilalang para lang protektahan ang kanilang kaharian.
Lahat ng klase ng mga nilalang ay nakatira dito vampires, werewolves, minks and giants.
Vampires -mayroon silang maliit na kaharian sa dulo ng kagubatan, sila ay mapuputla, matatangkad at may matalas na pangil na mas matalas pa sa kutsilyo, mahahaba ang buhay ng mga bampira at hindi tulad ng napapanood sila ay nakakalakad sa ilalim ng araw.
Werewolves -kakampi nila ang mga bampira sa pagprotekta sa kaharian ng Diamond Kingdom. kaya nilang magpalit anyo lalo na tuwing buo ang buwan at maliwanag pareho ng bampira ay mas lalo silang lumalakas at bumibilis.
Minks -mga hayop na parang tao kung kumilos ngunit mas malakas at mas mabilis ang mga ito kumpara sa mga bampira at wrewolf. Kapareha nila ang mga ito tuwing full moon o buo ang buwan mas lumalaki, mas bumibilis, mas lumalakas at nagiging agresibo sila tuwing nangyayari ito, tinatawag nila itong Sulong.
Giants -ang pinakamalalaking nilalang sa Andelacia limampung beses itong mas malakas sa Minks at may laki na umaabot na 50 ft. Malakas din ang koneksyon ng mga giants sa Earth kung kaya't tinagurian silang Earth manipulators.
Oscuro Kingdom dito nakatira ang lahat ng mga magic users, sorcerers, at wizards na masasama, gustong sakupin ang Andelacia at may masasamang motibo para sa kanilang buhay.
Demons -hindi tulad ng mga nakikita nating litrato ang kanilang itsura, sila ay may pakpak ng anghel ngunit ito'y itim at makapangyarihan, may kakayahan rin silang magpalit anyo at magsummon ng sandata na may halong itim na kapangyarihan. Kaya ding magsumon ng mga Powerful Spirits. Mga immortal ang demons ngunit mga angels lang kayang pumatay sa kanila.
Gargoyles -mga tagapagbantay ng kanilang kaharian una aakalain mong basta-basta lang silang batong inukit ngunit tuwing nararamdaman nilang may papasok na kalaban ay agad silang nabubuhay at pumapatay.
Tenshi Kingdom mababasa na sa pangalan ng kaharian nito kung ano ang mga nakatira dito mga......... Anghel, mapa-dark o light man ay dito nakatira.
Light Angels -mga anghel na mababait at magaganda ang mga light angels may kapangyarihan ng liwanag na nagiisang pampatay sa mga demons mahiwaga rin sila at napaka-rare o madalang lang makita dahil malayo ang kanilang kaharian. Mga immortal ang mga anghel at tanging demons lang din ang kayang pumatay sa kanila. Tulad ng mga demons ay kaya nilang magsummon ng mga Powerful Spirits. Maraming kakayahan ang mga angels kung kaya't sila ang pinakamalakas na uri ng nilalang sa Andelacia.
Dark Angels -ito ang pinakamababang uri ng anghel hindi sila hybrid ng angels at demons kundi sila ay ang mga anghel na lumabag sa kanilang mga batas at nagkasala. Hindi tulad ng demon o angel ang dark angel ay mortal ngunit hindi rin sila madaling mapaslang dahil sa kakayahan nilang gumawa ng isang matibay na shield. "
"Eh ikaw mommy anong klaseng angel ang gusto mo?" tanong ng isang batang babae sa kanyang ina matapos nitong ikwento ang tungkol sa Andelacia.
"Kung ako ang papipiliin.... hybrid, isang hybrid" nakangiting sagot ng ina sa kanyang anak.
"Hybrid? May ganon po ba? Bakit wala po kayong nabanggit na hybrid jan?" takang tanong ng bata sa kanyang ina.
"Hybrid sila ang mga klaseng angel na kalahating angel kalahating demon at makinig ka lang dahil hindi pa ako tapos magkwento" nakangiting sabi ng ina sa kanyang anak.
"Ngunit may isang anghel at isang demonyo ang napa-ibig sa isa't-isa. Kapwa malalakas na anghel at demonyo ang dalawa ngunit ipinagbabawal ang kanilang pag-iibigan kung kaya't palihim silang umiibig sa isa't-isa.
Hanggang sa nagbunga ang pag-iibigan ng dalawa. Nagkaroon sila ng kambal na anak isang lalaki at isang babae alam ng mag-asawa na magiging pinakamalakas ang kanilang mga anak at gagawin ng mga taga-Andelacia ang lahat para lang makuha ang dalawa kaya't itinago nila ito.
Ngunit ilang taon lang ang lumipas ay nalaman ng buong taga-Andelacia tungkol sa kanilang mga anak pilit nila itong itinago ngunit nakuha pa rin ang mag-asawa at agad na naparusahan ng kamatayan ngunit bago pa man sila mamatay ay itinago na nila ang kanilang mga anak.
Hinanap ang dalawang hybrid ngunit nabigo sila. Hanggang sa sumiklab ang laban sa pagitan ng mga angel at demons at parehong naubos ang kanilang lahi ngunit may dalawa pang natira at ito ang kambal na kapwa napakalakas, lakas na hindi taglay ng pinakamalalakas na users o nilalang sa mundo ng Andelacia.
Lumipas ang mahabang panahon at nagtayo ng isang paaralan ang mga pinuno ng Andelacia upang maging ligtas ang mga batang users sa mundo ng Andelacia at para narin ma-enhance ang kanilang mga kapangyarihan kabilang na dito ang dalawang immortal na hybrids."
"Ngayon tapos na ang ating kwento kaya matulog ka na dahil malapit nang gumabi"
"Mommy gusto ko maging hybrid!" sabi ng bata sa kanyang ina.
"Anak kahit hindi ka hybrid isa parin sa pinakakinakatakutan ang iyong kapangyarihan at napaka lakas mong bata" nakangiti ang kanyang ina habang sinasabi ito.
Nagtaka ang bata sa kung ano ang sinabi ng kanyang ina pero dahil bata palang sya ay napangiti nalang sya at nagkunwaring naiintindihan ang sinabi ng kanyang ina.
"Sige na matulog kana"
"Okie goodnight po!" nakangiting sagot ng 7 taong gulang na si Jade.
Nang makatulog ito ay umiiyak na pumunta ang ina ni Jade sa kanyang asawa.
"Gumero paano natin sya mapoprotektahan? siguradong hinahanap na siya ngayon dahil sa lakas ng kanyang kapangyarihan" umiiyak na sabi ni Merlin sa kanyang asawa.
"Poprotektahan natin sya kahit tayo pa ang mamatay sana nalang ay hindi na sya magising mula sa kanyang tulog upang hindi nya makita kung paano tayo mawala"
Niyakap nya ang kanyang asawa at kasabay non ay pagkasira ng kanilang pinto.
The rest is history or rather a mystery?
----------------------------------------------------------------------
Don't forget to VOTE AND COMMENT!!
Luvluvs ms.a
PLAGIARISM IS A CRIME!!
BINABASA MO ANG
Jade: The Magical Destiny [ON GOING]
FantasyShe is powerful, Yet she doesn't about it She is dangerous, Yet they don't mind Their love is forbidden, But they still continued loving each other Her destiny is written in the book of fates, But she is going to rewrite it. She is Jade Megumi Averi...