Enrolled

13 2 0
                                    

Nandito kami ni Mayu sa tapat ng isang pinto na may nakalagay na.....

HEADMASTER...

Diba ang Headmaster ay parang Principal din?

So nasa Principal/Headmaster office kami?

"Mayu anong gagawin natin dito?" tanong ko kay Mayu.

"Ipapa-enroll ka duh!" sinabi nya sakin nakapagpatigil sakin.

Enroll diba may requirement kapag mage-enroll?

Eh pano yan?

Wala akong dalang gamit!

Wala naman talaga akong dalang kahit ano! kaya nga napasuot sakin ni Mayu ang napakaikli nyang dress eh!

"Mayu pano yan? wala akong dalang requirement!" sigaw ko kay Mayu nang napaikot na nya ang doorknob.

"Huh?" takang tanong ni Mayu.

"Duh?! Enroll nga diba? Edi dapat may requirement! Bigla nyo lang naman akong hinila papunta don sa portal eh!" naghi-histerical na ako dito sa pwesto ko.

"Pano yan?! nakalimutan kong manghingi ng good moral at report card at yung birth certificate ko! nakalimutan ko yun sa bahay namin!"-Me

"Pfffttt! Hahahahahahaha!"halakhak ni Mayu na nakapagpataka sakin.

"Hala ka lagot ka katangahan mo kasi eh! wala ka tuloy requirement! Hahahaha!"tawa ni Mayu sakin.

Tignan mo 'tong bruhang to!

Imbes na tulungan ako pinagtatawanan pa ako!

Nabigla nalang ako nang itulak ako paloob ni Mayu habang tumatawa parin.

Yung totoo? ang hilig ng manulak neto ni Mayu

Dati kasi mahinhin sya.....

Pero dito siguro nilalabas na nya yung totoo nyang kulay!

"Hi Headmaster!"masiglang bati ni Mayu sa lalaking nakaupo sa swivel chair.

Nakatalikod yung lalaki habang nakaupo sa swivel chair kaya hindi ko makita ang itsura nito.

Siguro pangit tong lal-

"Mayu is that you? look at you you're all grown up!" sabi nung lalaki sabay harap samin at tumayo para yakapin si Mayu at yumakap naman pabalik si Mayu.

ANG GWAPOOOOOO! 

Bad Jade! kahit gwapo yan siguro matanda nayan!

"And who is this young lady?" sakin naman nabaling ang atensyon nung lalaki.

"Sya ang naging kaibigan ko sa mortal world Uncle." sabi ni Mayu sa lalaki.

Uncle?!! Tito nya tong lalaking to?!

Niyakap din ako nung tito ni Mayu.

"Thank you for taking care of my niece all these years" nakangiting sabi nung lalaki sabay kalas sa yakap nya sakin.

"Oh i haven't introduce myself yet... I am Caine Han Sands or Headmaster Sands nalang or Tito Caine is better"nakangiting sabi ng lalaki sakin, I mean Tito Caine sabay shakehands sakin.

"So anong dahilan at pumunta kayo dito sa office ko?"sabi ni HM sabay upo sa swivel chair at pinaupo din kami.

"Tito ie-enroll ko nga pala si Jade dito sa ZA" sabi ni Mayu habang hawak pa ang magkabila kong balikat.

"Okay" sabi ni HM sabay may kinuha syang parang BioData sa isa sa drawers nya.

"Your name?" sabi ni HM habang nakatingin pa din sa papel.

"Jade Megumi Averine po" medyo napahinto pa si HM sa sinusulat nya nang marinig ang pangalan ko.

"Are you the daughter of Merlin and Gumero Averine?"interesadong tanong ni Tito Caine.

"Pano nyo po nalaman?" -me

"Sila ang isa sa mga pinakamagagaling na white charmers dito!" nakangiting sabi ni Tito habang nakatingin sa taas at parang may inaalala.

"Good old memories..." sabi nya habang inaayos ang kanyang lamesa.

"Where are they now at magisa ka lang dito?" nakangiti paring dadag nya

Malungkot akong ngumiti at napayuko

Ewan ko ba sa sarili ko at naiiyak na naman ako eh matagal nang panahon yun at sinabi rin nila sakin na wag daw akong iiyak sa pagkawala nila

"Wala na po sila bata pa lang po ako nang habulin po kami ng mga taong naka-cloak at pinatay po nila ang parents ko sa harap ko" sabi ko habang pinipigilan ang luha kong nagbabadyang pumatak 

Para kasing ang sariwa pa nung nangyari samin

Pero ang totoo 7 yrs old pa lang ako nang mangyari yun

"I'm sorry iha it must've been painful for you" malungkot na sabi ni tito sakin

"Hindi nyo po kailangang magsorry" sabi ko

Pero wait.....

Sinabi ba ni tito na isa sa magagaling na ano ulit yun?..

White charmers sila Mama at Papa dito?

Ibig sabihin matagal na sila dito?

Pero bakit di nila sinabi sakin?

"Anyway ito ang keys sa magiging dorm mo, ito naman ang uniform mo at I.D at ito rin ang code mo para naman sa allowance pumunta ka na lang dun office sa dulo ng hallway sa kanan para malaman mo ang sction mo" nakangiting saad ni Tito Caine

"Okie tito bye-bye na" sabi ni Mayu habang kumakaway-kaway pa.

"Ok see you around girls" sabi ni tito bago pa namin isara ang pinto ng office.


Jade: The Magical Destiny  [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon