Hell-ish Training

3 0 0
                                    

Argh! Ansakit na ng katawan ko pero...

"Wag kang titigil! Dadagdagan ko pa yang pinapabuhat ko sayo" banta ni Mayu.

Pangalawang linggo ko ng nagte-training under ng elites at lahat sila ay tine-train ako at ngayun naman si Mayu ang nate-train sakin. Alam nyo ba kung anong pinagagawa nya sakin?

Pinapabuhat lang naman nya ako ng 100 tonnes na weights! Huhu 1 tonne nga plakda na agad ako eh. Pero pinaliwanag sakin ni Mayu na kakaiba ang dugo, buto at muscle tissue naming tokushus kesa sa normal na tao.

"15 mins break! Kumain ka muna para may lakas ka" sabi nya sabay bitbit ng isang malaking kahon papunta sa akin. Nung una naguluhan ako kung bakit isang kahon lagi ang binibigay nilang pagkain sakin.

Ang sabi ni Mayu kakaiba daw ang pasikot-sikot ng mga bituka namin at kakaiba rin daw ang kalidad ng sangkap nila dito na para talaga samin. Ngayon malinaw na sa akin na tuwing kumakain ako sa human world di ako nabubusog pero dito feeling ko tataba ako.

Lumamon-este kumain na ako at as usual busog na naman ako pero mga 5 mins lang nawala na ang pagkabusog ko at bumalik na ang lakas ko.

"Tapos na ang breaktime practice na ulit" sigaw ni Mayu pero this time hindi na sya nagpapabuhat ng mabibigat na bagay.

 "This time papalabasin na natin ang teikin mo"

....Loading....

"H-ha? Ano?! Paano?! Paano kung wala pala akong teikin?!" naghehisterical kong tanong. Paano kung wala nga? Edi napahiya ako!

"Don't worry, I know na lalabas din yan" nakangiting sabi ni Des, Maybe trying to comfort me.

I appreciate her effort na i-comfort ako pero...

Hindi ko mapigilan ang pagpanic at... excitement? I don't know why pero, I kind of feel excited.

Nagulat ako nang biglang may lumabas na magic circle sa paanan ko.

"U-uyy anong ginagawa nyo?"

The excitement on my body suddenly vanished at napalitan naman ito ng kaba.

"Here" Troy tossed me a... pendant?

(A/N: isipin nyo nalang may silver chain as lace po yan :))

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(A/N: isipin nyo nalang may silver chain as lace po yan :))

A silver yinyang pendant.

"This is a yinyang pendant. And both sides symbolizes something. The right side which is shown as an upward motion in the pendant, symbolizes light, angels, kindness and positivity. while the left side symbolizes darkness, evil, demons and negativity" paliwanag ni Des.

"Anong ginagawa nito?" sinipat sipat ko ito at kung ibebenta mo ito sa isang pawnshop siguro ay sobrang mayaman kana!

"It was made from the holy silver in Kruxzs (Cross) Mountain and was forged by the greatest blacksmith of all, Mortey Lauft"

Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jeff.

Mortey Lauft?! I know na baguhan pa lamang ako sa academy na ito pero itinuro na sa akin nila Mayu ang history ng buong Andelacia, and our history session includes the mighty heroes ng Andelacia.

Mortey Lauft is one of the Elites noong batch 1410-1590 at nagsilbing sensei sa academy until 1700. Yep! I know kahit ako nagulat nang malaman kong almost 300 years old na siya nang umalis na siya ng academy. Kaya lang naman siya nagtagal sa academy ay dahil naging Sensei sya ng academy matapos ang retirement bilang Elite.

He then built his own blacksmith shop, had a family and became successful. Pero dahil kasagsagan pa ng war noon, namatay ang kaniyang buong pamilya at naghiganti sya para sa kanila. But in the end kusa na din syang sumuko at nagpakamatay na lamang.

But it is said the most powerful weapons in the world of Andelacia is made by him. That is why he was acknowledged as one of the GREATEST HEROES OF ALL TIME which is nakadisplay ang mga larawan nila sa audition room noon.

Napatulala ulit ako sa pendant. This was one of his greatest works.

"Anyway, ang sole purpose pendant na yan ay maa-identify or maybe much better kung mapalabas ang teikin mo, but, we have to do an ancient ritual"

R-ritual? Bigla kong naalala mga nakakatakot na rituals sa tv noong bata pa ako. Waaahh! mamaya biglang may sumulpot na white lady sa kung saan ehhh.

"A-anong ritual?" sabi ko habang naglalakad papunta sa direksyon ni Mayu pero hindi ko na maigalaw ang dalawa kong paa.

Napalingon ako pababa only to see that the floor is eating my foot. Wahh! hindi ko naman hinihiling na kainin moko lupa ngayon ehhh.

"Sorry Jade" ngiting sabi ni Yuri.

Bumigat ang hangin at hindi ako makahinga ng maayos. A-anong nangyayari? H-help...

Unti unti akong napaluhod sa panghihina. Napatingala ako at nakita ko silang lahat na magkakahawak kamay, nakapikit at parang may binubulong.

§ŮČÑŁĞÞĐÆÜÄŒƏØËާßĶ

Di ko maintindihan ang binubulong nila pero patagal ng patagal ay mas lalo akong nakakaramdam ng sakit. Nanlalabo na ang mga mata ko at hindi narin ako makahinga ng maayos.

H-help...

"Kailangan mo na naman ba ng tulong ko?"

Agad akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang boses na iyon.

"S-sino ka?" hindi na ako makaeamdam ng sakit kaya tumayo na ako pero di ko magalaw ang katawan ko.

Nagpout sya bigla "tinulungan na nga kita nakaraan tapos 'di mo na agad ako maalala? How dare you!"

"......" oh! Naalala ko na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jade: The Magical Destiny  [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon