"Today we will be talking about blah blah blah"
Habang nakikinig ako sa teacher takip takip ko yung kalahati ng mukha ko gamit kamay ko.
"Magkwento ka mamaya ha?" sabi ng kaibigan kong si Mayu.
Mayumi Nicole Sands nag-iisang tao na kumausap at makipagkaibigan sakin sa apat na taon ko sa school na to.
"Oo" sinabi ko na lang at nakinig sa teacher namin.
"Ugh! She looks like a fugitive!"
Nagulat na lang ako nang marinig ko boses ni Dessa Monette "DeMon" for short habang nakatingin ako sa kanya.
Hindi ko naman nakita na bumuka yung bibig nya pero narinig ko siyang nagsalita kahit naman nakasarado bibig nya!
Weird. Like way too fcking weird.
I need to go to the bathroom.
Kaya nang matapos ng magsalita ang teacher namin nagtaas ako ng kamay.
"Yes, Miss Averine, may tanong ka?" tanong ni Miss Alvarez sa akin.
"May i go to the bathroom?"
"Yes, you may now go to the bathroom"
"Thank you Ma'am" sabi ko bago tumayo at pumunta sa C.R.
Pagpasok ko walang tao. Pumasok muna ako sa loob ng isang cubicle at umupo sa trono hehehe..
Pagtapos kong gawin kung ang dapat gawin sa loob naghugas muna ako ng kamay.
When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Kanta ko habang nagpupunas ng kamay.
Tumingin muna ako sa salamin at tinanggal yung hood ko.
Naghilamos muna ako ng mukha at tinuyo ito gamit ang dala kong panyo at tinignan yung sarili ko.
Nag-echo sa utak ko ang sinasabi nila Mama at Papa sakin tuwing nagtatanong ako tungkol sa suot namin palagi.
"Maganda ka naman anak. Pero kasi kailangan nating magtago"
"Malalaman mo rin anak ang totoong dahilan.. pagdating ng tamang panahon"
Naghugas ulit ako ng kamay at pinatay ko na yung gripo.
"Jade?"
Gulat akong napatingin sa likod ko.
"Mayu? A-anong ginag-gawa mo d-dito?"utal-utal kong tanong
"Jade ikaw ba talaga yan?" Gulat paring tanong niya pero nakita ko sa mata nya ang pagkamangha.
May narinig akong yabag papunta dito Ladies room kaya kinuha ko yung kamay ni Mayu at pumasok sa loob ng isa sa mga bathroom stalls.
"Mamaya na ako magpapaliwanag" pabulong na sabi ko kay Mayu nang marinig ko ang pagpasok ng mga yabag sa loob.
"Oh my Gosh have you seen Jade today?"rinig kong tanong ng isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Mae, isa sa mga alipores ni Dessa.
BINABASA MO ANG
Jade: The Magical Destiny [ON GOING]
FantasíaShe is powerful, Yet she doesn't about it She is dangerous, Yet they don't mind Their love is forbidden, But they still continued loving each other Her destiny is written in the book of fates, But she is going to rewrite it. She is Jade Megumi Averi...