Chapter One

13 0 1
                                    

Chapter One

Promises are meant to be broken. Ika nga nila pero hindi ako naniniwala kapag pangako ng isang bata ang paguusapan.

"Babalikan kita, pangako ko iyon. At kapag binalikan na kita, papakasalan na kita ah!"

Sampung taon.

Sampung taon na akong naghihintay.

Nababaliw na ba kamo? Sa tagal na ito, NBSB pa rin ako. Nanatili akong single and free para kung sakaling bumalik siya ay wala akong iiwanan o pagpipilian. Naiinggit ako tuwing nakikita ko ang mga kasama kong may kapiling na. Lalo na kapag nagpPDA sila sa aking harapan. Naiinis ako, nasaan na ba siya?

Ang daming nagbago simula nang umalis sila ng kanyang pamilya papuntang Indonesia. (actually nakuha ko lang 'yang information mula sa magulang ko eh). Malay ko ba kung anong pinagagawa nun dun! At saka baka lumipat ulit yun ng ibang bansa. Napakayaman noh? Napakalaki rin ng ulo!!

"Uy, Diana! Tulala ka na naman buong period!" Binatukan pa ako ng magaling kong kaibigan. Syempre, buong period ko na naman siyang iniisip. 'Pansin ko rin na kami na lang tao sa classroom at hinihintay na lang niya ako mag ayos.

"Babatukan mo na nga lang ako, Badette, masakit pa!" Reklamo ko sa kanya habang inaayos ko ang mga gamit ko para sa next period.

"Mamaya na yan! Sayang oras ng lunch o! 'Lika na!!!" at agad na niya akong hinila at pinabayaan na namin ang gamit ko na nakakalat doon. Jusme, lagot ako sa president namin, ang kalat na naman ng gamit ko!

Ang higpit ng hawak ni Badette tapos kinakaladkad na niya ako papuntang canteen.

"Grabe ka talaga! Minsan parang maiinjure na body parts ko dahil sa higpit na hawak mo"

"Asus, reklamo ka pa. Anong kakainin mo?" Tanong niya habang naghahanap kami ng table sa canteen. Ang dami na namang estudyante baka Lunch for All ngayon. Haaaay hirap naman maghanap ng bakanteng lamesa!

"Pagkain" tipid kong sagot. Nainis naman siya sa sagot ko dahil kumunot ang noo niya. "Joke hehe. Ahh wala, busog pa ako. Sige na pila ka na, maghahanap na lang ako ng table natin."

"Ayan ka na naman, kaya ka nagkakasakit e. Kumain ka nga!" Nakapameywang pa siya sa harapan ko. Daig pa niya ang nanay ko sa pagsersermon tungkol dito, kakaiba itong kaibigan kong 'to ha.

"Diet ako. Mamaya humaba na yung pila at baka magbell na sige ka" panakot ko sa kanya. Tinulak ko na siya sa may pila ng bilihan ng pagkain. At nag hanap na nga ako ng table namin.

Hanap sa kanan. Hanap sa kaliwa. Hanap sa likod. Hanap sa harap.

TT_____________TT

Hala walang bakante! Yari ako kay Badette kapag hindi pa ako nakahanap ng table namin. Hindi pa ba bell sa ibang years? Ang bagal naman nila kumain. Nagkwekwentuhan pa sila jusko. Ayaw ba nila mag laro sa labas at umalis na sa tables?

"Oh ano nganga ka ngayon?" Sus maryosep! Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat at nakita ang kaibigan ko na nakasimangot.

"Sorry. Ehh ang dami talagang tao ngayon" tumango na lang siya at tinulungan ako sa paghahanap ng table.

"Uh ate?" Hindi ako lumingon kasi di naman ako mukhang matanda para maging ate noh. "Miss?" May pangalan ako, hmp. Kung isang admirer na naman yan jusme time pers muna. Busy ako.

Sinisiko naman ako ni Badette sa may tabi. "Uy, Diana. Ikaw ata yung tinatawag." Bulong niya sa akin. Bumuntong hininga ako at lumingon sa lalaking "tumatawag" sa akin.

"Ayun! Uh miss, ikaw na lang umupo dito. Kanina pa kasi kita napapansin na naghahanap ng table" tumingin naman ako kay Badette kung ayos lang at tumango naman siya bilang sagot.

Ngumiti sa akin yung lalaki at sinabing, "Ako nga pala si Zachary" at umalis na.

Umupo na lang ako at hindi na muli inalala pa ang pangalan niya.

"Haba ng hair! Nag rejoice ka ba girl?" pakanta kanta pa ni Badette. Sadyang mabait lang naman siguro yung tao diba? Tss.

"Tigil tigilan mo nga ako, Badette" masungit na sabi ko habang pinapanood siyang kumain.

"Speaking of tigil tigilan, pustahan tayo, aabangan ka nung lalaking yon sa gate mamaya" ngisi pa ni Badette. Sus, hindi yan mangyayare noh.

UWIAN

Tama nga si Badette. 

Inaabangan nga ako ni...teka sino nga ulit siya? Ugh!! Bakit kasi pinalaki akong ulyanin nila mommy eh TT-TT kaiyak huhuhu.

Pero balak ko pa naman mag commute ngayon! Tiningnan ko ulit siya at sinubukang taguan. Bawal malaman ng bus driver ko na magcocommute lang ako, yari ako sa nanay ko. 

"Hi, Diana!"

"WAAAAAAAAH" 

"Ay, sorry. Nagulat ka ba?"

Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi. Bigla bigla ka lang kasi susulpot. Syempre di ako magugulat"

"Sorry na hehe" sabay kamot niya pa sa kanyang ulo. "Halika hatid na kita sa service niyo."

Ha? Service? Huwag!

Umiling iling ako sa kanya. "No thanks"

"Malapit naman yung gate satin. Baka maiwanan ka pa."

"Tingnan mo o!" Turo ko sa may likod namin. "Si Christine Reyes!" tumingin nga siya kung saan ako nakaturo at iyon na ang cue ko para tumakas sa paningin niya. Haha! Naniwala pala siya dun!

Teka nga, paano niya nalaman na nagserservice ako? KYAAAAAAAAAAH >____< may creepy stalker ako!!! Wait a minute, wag ka nga umasa pa, Diana -_____-. Hindi ka naman kagandahan para i-stalk.

Nakauwi ako ng mahinahon. Umakyat kaagad ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Nang nakaupo ako sa study table ko, napatingin ako sa bintana ng katapat kong kwarto.

"Seth" bulong ko. Lumapit ako sa may bintana ng kwarto ko at tinitigan ang natitirang gamit sa loob ng katapat kong kwarto.

Bumuntong hininga ako. Sampung taon. Kailan ko ba ulit mararamdaman ang palad mo sa ulo ko? Tuwing umiiyak ako at nagdradrama? Kailan ko ba ulit mararamdaman ang sobrang kasiyahan kapag kasama ko ang first love ko? Masyado bang cheesy? First love kasi kita, ALAM MO BA 'YON?!

A Child's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon