22

3.9K 51 0
                                    

CHAPTER 22:FRIDAY

FIEL'S POV

Maaga akong naligo at nagluto.. Wala akong gana ngayon eh, bwesit naman talaga oh, friday pa naman ngayon at mag p PE ako..

Maaga din akong nakarating sa school, hay malapit na naman ang acquaintance party... Hay malapit na rin akong makagraduate..

"Fiel"Tawag sakin ni Peter sa akin, lumapit sya at nagsalita..
"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong nya sakin at ngumiti.. Ngumiti lang ako sa kanya ng walang gana..

"Kayo na muna ngayon, wala akong gana" ngiti ko sa kanya at tumango naman..

"Fiel" sabi ni Kurt habang tumatakbo papalapit sa amin gayon din si Chin at bf nya..

"Fiel, good morning" bati ni Kurt sa akin at nginitian ko lang sya pabalik..

"Hoy Fiel, di mo sinabi na boyfriend mo na si Peter" sabi ni Chin ng naka salubong ang kilay..

"At san mo naman nakuha ang balitang yan?" Sabi ko kay chin at nagcross arms..

"Hehe tsismis " sabi ni Chin at ngumiti naman ako..

"Tsismosa ka rin no, di ko boyfriend si Peter, sinasamahan nya lang ako diba" sabi ko sa kanya at tumingin kay Peter na tumatango..

"Teka anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Kurt sa akin.. Wala talaga akong gana ngayon.. Para akong lalagnatin eh..

"Kayo muna decide guys, sabihin nyo na lang sakin kung okay na.." Sabi ko at tumango naman sila..

"Teka Fiel bat ka namumutla?" Biglang tanong ni Chin.. Kita ko na nag aalala sya sakin..

"Ah malamig kasi kanina kaya yun" palusot ko sa kanya at tumango lang ako.. Totoo naman talaga na malamig pero lalagnatin talaga ako..

"Tawagin nyo na rin ang mga studyante na pumunta sa court bago sila mag sports and so what ever" sabi ko at tumango ulit sila.. Nag paalam na sila dahil nag bell na.. May 1 hr ksi bago ang activity..

Pumunta ako sa room at umupo.. Yumuko ako at pumikit.. Masakit ang ulo ko at nanlalamig ang katawan ko.. Napasinghal na lang ako..

"Class settle down" sabi ni sir at tumingin sa kanya.. Yumuko ako ulit at nag discuss na sya..

"Dismiss, miss Fiel stay here" sabi ni sir at wala sa sarili akong tumango.. Pumunta ako sa desk nya at umupo sa harapan nya.. Kinagat ko ang labi ko ksi alam kong namumutla ako..

"Ano ho yun sir" matamlay kong sabi sa kanya..

"Ah, malapit na daw ang acquaintance party at buwan ng wika.. Paki sabi sa mga kasama mo na mag prepare sa big events" sabi nito at tumingin sa akin at tumango lang ako..

"Bat ka namumutla?" Tanong ni sir at ngumiti lang ako..

"Wala,masakit lang ulo ko.. Cge ho sir labas na ko" sabi ko at lumabas na.. Ayaw ko syang makausap ng mahaba, mas lalo pang sasakit ang ulo ko..

Pumunta na ako sa locker para magbihis ng PE.. Napagat labi na lang ako dahil para akong nahihilo.. Huh Fiel pahinga muna ..

Pumikit muna ako ng ilang sandali at dumilat na.. Nabuntong hininga ako at pumunta na sa cr..

Naglakad ako ng matamlay at pumunta na sa court..

"Hi ate Fiel"
"Ang ganda ni Fiel no.."
"Insecure parin ako sa kanya hanggang ngayon" bulong bulongan ng mga babae sa gilid ko.. Wala talaga akong gana..

Dumiretso na ako doon at kinausap si Kurt..

"Kurt ah paki sabi nalang na si Chin muna ang emcee, masakit ksi lalamunan ko eh" sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito sa akin..

"Yeah, why not.. Okey ka lang ba Fiel?" Pag aalala nito sa akin.. Ngumiti naman ako pabalik at tumango..

Nag-umpisa na ang activity habang ako nasa gilid at tumitingin lang sa kanila..

A Night With My Professor (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon