Once

586 7 4
                                    

Once

Just for ONCE, a man-hater fell in that ridiculous love.

The rest was history.

---

Prologue:

Madalas na ipinagmamalaki ng lola ko sa akin na nagkakilala raw sila ng lolo noong nagkabanggaan sila sa hallway ng school. Laging ichinichika sa akin ng mga pinsan ko na kinikilig sila kapag may nakakabungguan silang mga lalaki kasi sign daw 'yun na ang nakabangga nila, next syota na nakatadhana para sa kanila.

May pag-asa kaya? Mangyari kaya 'yun sa akin? Unfortunately, ni minsan, walang lalaking gusto o nagnanais na bumangga sa akin. Alam kasi nila na bugbog sarado ang abot kapag tinry nila, lalo na kapag may dala pa akong pagkain oras na mabangga nila ako. Hindi rin nila ako magagantihan ano, babae kaya ako. At tsaka, isusumbong ko sila kay teacher tapos dahil running for Valedictorian ako ngayong grade 6, kakampihan niya ako at sila ang mapaparusahan sa huli.

Dala ng kuryosidad, nanadya akong mambangga ng isang lalaki sa hallway. Sana lang ay gumana ang talent ko sa pag-arte. Sabi naman ng mama ko, pwede na daw ang acting skills ko. Kaso ayun nga, hanggang pangrole-playing lang ang talent ng lola mo.

"A-ay s-sorry." mautal-utal sabi ko.

Tumilapon ang lahat ng mga libro namin sa lapag. Ang mga libro ko? Props ko lang 'yan. Pinakiusapan ko lang ang librarian na magpahiram ng kahit anim na libro at natutuwa naman siyang pumayag. Sabi niya, sobrang kaligayahan raw ang nararamdaman niya kasi sa wakas, napagdesisyunan ko ring magsipag sa pag-aaral. Ang halimaw ko nga raw kasi e, nagkakaroon ng mataas na marka ng walang kahirap-hirap. Pero ang nakakapagtaka lang, anong pag-aaral dun eh pagkacheck ko ng mga nahiram ko, puro coloring books na pang-elementary ang mga hindi sinasadyang nahugot ko. Pasensya na, nagmamadali kasi ako eh. Pagkatapos ko magpulot ng mga coloring books, nakita ko parin ang lalaki na nagpupulot ng notes.

This is it. This is it.

Mukhang grade concious pa ata ang nakatadhana sa akin kasi ang dami niyang notes na nakita kong tumilapon o nahulog. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo kanina at tumayo naman ang lalaki pagkatapos niyang magpulot. Humarap siya sa akin. Hindi bale, Saleema. Baka may pag-asa ka pa na mawala ang pagkaman-hater mo kapag nainlove ka na. Let's just try.

Ngumiti ako sa kanya, "Hehe sorry."

Alam ko na ang sasabihin niya! Sabi ni lola, pagkasabi niya ng sorry, ngumiti si lolo at hiningi ang number niya. Ikaw lalaking nasa harapan ko, hihingiin mo rin ba ang number ko? Liligawan at susuyuin mo ba ako? Magkakatotoo kaya ang sinasabi nila? Oo, grade 6 pa lang ako, pero naniniwala akong ng mga 0.01% na hindi nga ganun ka-sama ang mga lalaki. Na totoo ang love. Na makakaramdam rin ako nun sa wakas.

"Tss. Huwag kang ngumiti miss. Kilalang-kilala kita. Ikaw ang nambubugbog sa mga lalaki dito. Huwag na huwag kang umarte na parang magkakagusto ako sa'yo kasi ang PANGIT PANGIT MO at HINDI KA NA MAGBABAGO."

Sumimangot ako.

Mga walang kwentang lalaki.

Wala nang ginawa kung hindi manakit ng mga babae.

Copyright © 2014 by randomwritesnothing

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon