Chapter 15

53 2 0
                                    


Chapter 15

"Saleema Liberty! Ano ba 'yang ginagawa mo? Ba't di ka pa pumapasok?" medyo sermon ni mama habang nakapamewang sa daster niya. "Thirty minutes nalang simula na ng klase mo, bata ka."

"Opo ma. Saglit na lang 'to. Pramis."

Kung bakit ba naman kasi ang hirap gumawa ng pekeng ID! Kagabi pa ako nagpapicture ng 1x1 at dapat gagawin ko na pagkatapos kaso nakatulog ako. Badtrip, cramming tuloy ako ngayon. Mabilis kong ginupit ang folder na kakulay ng ID sabay dikit ng picture. Ayan! Magpapalaminate nalang ako para mas mukhang makatotohanan.

"Sana lang talaga, makalampas 'to sa ID scanner. Kung bakit ba naman high tech ang eskwelahang 'yun e." bulong ko sa sarili.

"Ano 'yun Salem?"

"Wala ma, hehe. Sige, alis na ho ako." binitbit ko na ang bag ko sabay takbo palabas ng bahay. Okay? So sa may labas nalang ng baranggay ako magpapalaminate since madadaanan ko naman 'yun.

Pagkababa ko sa unang trycicle, malamang sa malamang, nagbayad at bumaba na ako. Ngayon, tatawid na lang ako papunta sa printing shop ni Kuya Allan na naglalaminate sa ganitong oras ng umaga. Nasa may gitna na ako ng kalsada nang may bigla-biglang rumagasang sasakyan sa harapan ko. Masyadong mabilis. Napapikit nalang ako at nagdadasal para sa sarili ko. Pagkalipas ng ilang segundong pagpikit ko, walang nangyari.

Anong nangyari? Nasa langit na ba ako?

Dinilat ko ang mga mata ko. Nakahinto lang ang pamilyar na kotse sa harapan ko. Teka, parang kilala ko kung kaninong kotse 'to. Ano 'to? Dé ja vu? Bakit ba lagi nalang ako gustong sagasaan nito? Tinignan ko nang masama ang driver ng kotse. Buti at bumaba na siya this time. Lumapit siya sa'kin. Medyo chineck niya kung nadisgrasya niya ba ako or something. Dapat lang! Babayaran niya ako kung meron! Richkid naman siya kaya okay lang 'yon.

"What is the problem with you?" kalmado na siya magsalita this time. "Don't you know how to cross the road properly?"

"Hoy Buenventura, marunong ako tumawid. Ikaw 'tong hindi marunong magdrive." tinuro ko pa siya pero hindi naman sa mukha. May manners rin naman ako kahit papaano.

Bigla siyang napatingin sa hawak ng kamay ko. Ano bang hawak ko? Ay shocks! 'Yung pekeng ID pala. Napatalon ako sabay tago nito sa likod ko. Medyo pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. May mga ilang nakikiusyoso pero mga walang lakas ng loob lumapit. Mabuti at medyo hindi naman nakagitna ang kotse niya kaya hindi kami sagabal sa daan. Mababait kami este ako lang pala na mamamayan ng bansa.

"So, you are faking an Identification Card this time? How pathetic."

"H-hoy! FOR YOUR INFORMATION, HINDI AKO NAMEMEKE NG ID," medyo napalunok ako dahil sa pagsisinungaling ko. "Nagkataon lang na kailangan namin ng ganito sa English namin. A-alam m-mo na, project."

"Oh really? May I see?" tanong niya nang may pang-asar na ngiti. Inilahad niya ang kamay niya sa'kin.

Mas itinago ko pa ang pekeng ID, "Ayoko nga! Nahihiya ako sa pagmumukha ko dito. Hindi ako katulad niyo ni Pryke na ineexpose ang mga mukha! May hiya rin ako ano!"

"Psh. Defensive. Give me that."

"Ayoko. As in A-Y-O-K-O! Wala ka nang magagawa kung ayaw ko. Basta makikita mo, makakapasok ako ng walang ID." nagmake-face pa ako para mas maasar siya pero parang wa-epek naman. Blangko parin ang mukha niya. Wala paring emotion. Kaunti nalang, gagawa na ako ng karatula na may malaking 'MAASAR KA PLEASE' na nakasulat.

"Fine. Let's just see how things will work."

Naglakad siya papunta sa may pintuan ng kotse niya at iniwan na ako. Mabuti naman. Wala nang panira sa plano ko. Umusbong ang evil smile sa mga labi ko. Tuluyan na akong tumawid at nagpalaminate. Buti nalang bukas ang printing shop! Salamat naman.

Matagumpay kong nilagpasan ang gwardyang nagchecheck ng mga bag. Okay, kaya mo 'to Salem. Kaya mong maisahan ang Englisherong mokong na 'yon. Tiwala lang. Dahan-dahan kong inilabas ang pekeng ID sa pantalon ko. Ito na, ito na. Ako na ang magsaswipe.

*ALERT ALERT ALERT!*

Pagkalakas-lakas na alarm ang bumulabog sa buong lugar. Napafacepalm nalang ako. Hindi naman sa nahihiya ako sa tingin ng mga estudyante pero naiirita ako kasi papalapit ng ang iba't-ibang guards papunta sa'kin. Mukha akong magnanakaw nito e! Sirang-sira na ang reputasyon ko! Tinakpan ko nalang ang mukha ko ng dalawa kong kamay.

Maya-maya nakaramdam ako ng mga kamay na nakahawak sa dalawa kong braso. Panigurado, mao-office ulit ako. Itinanggal ko ang dalawa kong kamay mula sa mga mukha ko at nagsalita sa tatlong gwardyang nasa harapan ko, "Opo. Sasama ako sainyo. Pero request lang, huwag niyo po akong hawakan. Susunod ho ako ng mapayapa."

Ano ba naman 'to? Pakiramdam ko, kriminal ako at parang nakapatay ng tao. Pagkatalikod ng mga gwardya sa'kin, nagsimula akong banggain sila at tyempong tumakbo papasok sa loob ng eskwelahan. Binilisan ko ang takbo ko. Grabe, sumusunod talaga sila sa likod ko at may hawak na mga batuta. Ah! Badtrip! Hindi ako basta susuko sa kanila. Kagaya nga ng sabi ng mga bidang feeling superhero sa TV, Over my dead body.

Paikot-ikot lang kami ng mga gwardya na nagtatakbuhan sa buong campus. Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga estudyante kesyo ang lalampa raw ng mga gwardya. Pilit ko silang liligawin. Lumingon ako sa may likuran ko. Oo nga, halos madapa-dapa na ang tatlong guard sa likuran ko. Medyo natawa ako sa isipan ko pero kailangan ko magfocus. Saan ba pwede magtago? Humarap ako para mas makapagconcentrate sa tatakbuhan ko.

*BLAAAAAAAAG*

Boom. Bumagsak ako sa isang lalaki. Nasa taas niya ako. Medyo namula ako sa posisyon namin. Ugh! At bakit si Pryke Matthew Sandoval pa. Marami-rami ring mga estudyante ang kinantyawan kami. Peste, ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Tumayo ako agad maging siya rin. Nasa canteen na pala ako ng college building napadpad. Tss, wala na. Dahil sa'yo PMS, mahuhuli na ako ng mga gwardya! Badtrip. Malas.

Hahawakan na sana ako ng mga guard sa braso at tatanggapin ko na ang pagkatalo ko kay Buenventura nang akbayan ako ni Pryke at nagsabing, "Leave her alone. Girlfriend ko siya."

Kumamot sa ulo 'yung isang guard, "Sir Pryke, kami po ang malalagot nito kay Boss."

"Ako na ang bahala kay Tita Quentin."

Sa wakas, umalis na sila maging ang mga estudyanteng college na nakikitsismis samin. Ang yayaman tapos nakikiusyoso. Tsk tsk, asan ang mga pasosyal na manners nila?

Nagulat ako nang may bumulong sa may gilid ko, "Oh, tama na ang masyadong kaiisip sakin. Simpleng thank you lang naman ang kailangan ko," at syempre, kung nandyan si Pryke, hindi mawawala ang ngiti niyang nakakaloko.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon