Chapter 12

66 2 1
                                    


Chapter 12

Bago ako umalis ng bahay, nagmakaawa muna sa'kin si mama na magpalit raw ako ng damit. Bakit? Anong mali sa suot ko papuntang school?

Ang cool nga e. Plain t-shirt, basketball shorts at rubber shoes na pinaglumaan ni tito. Ang cute kaya. Itong outfit na 'to ang deserve na masabihan ng 'cool'. Mama talaga oh. Pinagpilitan niyang suotin ko ang bagong skinny jeans na binili niya kaysa raw sa basketball shorts. Tsk. Mas trip ko 'yung luwag ng basketball shorts. Mas makakagalaw ako nang maayos pero wala e, matitiis ko pa ba si mama kung halos lumuhod na siya sa harapan ko? Pero at least, pagkatapos naman ng pagbibihis ko, binigyan niya ko ng kalayaan na makalabas na ng bahay.

"Surf powder, may fabcon na. Surf powder, may fabcon na. Malinis at walang kasing bango! Surf powder, five pesos lang." kumakanta-kanta ako habang lumalakad sa may pilahan ng tricycle. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa pilahan. Kakaiba 'yung mga tingin nila sa'kin. "Bakit? Hindi na ba five pesos ang surf?" tanong ko at nagsipag-iwas sila ng tingin.

Ah ganun, nagmahal na siguro ang presyo. Ano ba naman 'yun? Ang tokis. Pasabi-sabi pa sa commercial na five pesos lang.

Kung ayaw nila ng kanta ko, iba na lang. Ang tagal kasi ng tricycle e. Tsaka, ano bang paki nila kung ipangalandakan ko ang boses ko? Minsan lang naman ako mawalan ng hiya. Pagbigyan niyo na ho.

"Sa simpleng ulam, magiging ... pinabonggang pork GINILING!" binirit ko pa 'yung linyang 'yun para intense. Sakto naman at may naglako ng giniling sa may pilahan. Kaya pinaulit-ulit ko lang ang pagkanta ko. Naka-unli ako ngayon e.

"Uy nene." lumapit sa'kin si manang na nagtitinda kanina pa ng giniling. Dyahe 'yang tricycle. Ang tagal. Ang dami nang mga tao na nakapila. "Salamat nga pala sa pagkanta mo, marami tuloy ang bumili. Kumikitang kabuhayan."

"Ah. Wala pong anuman." mahiya-hiya kong sabi. Bakit ang bait ko ata ngayong araw?

Pagkatapos ng ilang sakay sa trycicle at jeep, nakarating na ako sa mamahaling eskwelahan. Chineck ng guard ang backpack na dala ko at naglalakad na ako papunta sa lugar kung saan magsaswipe ng ID para makapasok na nang may kotseng humarang sa nilalakaran ko. Muntik na akong atakihin sa puso! Grabe! ONTI NA LANG MASASAGASAAN NA AKO!

Pumunta ako sa driver's side ng kotse at kinalabog ang bintana nito. Badtrip! Ba't ayaw lumabas ng driver nito nang mabugbog ko na! I mouthed the word 'labas'. Hindi ko rin naman makita ang nasa loob ng kotse kasi tinted ang bintana nito. Tinuloy ko parin ang pagkalabog kahit alam ko na pinagtitinginan na ako ng mga tao. Ano bang paki nila? Muntik na ako masagasaan ng isang 'to!

Pagkatapos ng ilang minuto, nagclick ang pinto ng kotse, hudyat na bababa na ang driver ng kotse. Umatras ako. Bumaba ang isang lalaking nakapolo, may inside shirt, nakajeans, sneakers, at mukhang mayaman talaga. Kumunot ang noo ko nang makita siya.

Walanghiya ka talaga, Clyde Buenaventura.

"LOKO KA HA!" sigaw ko kaagad at dinuro pa siya.

Nakarinig agad ako ng bulung-bulungan sa paligid ko. Karamihan, naiinis sa'kin. Bakit raw kinakalaban ko ang gwapo, inaaway ko raw ang asawa nila, sarap daw akong bugbugin kasi anak ng principal tapos aatakihin ko na lang basta-basta, kesyo kabago-bago ko pa lang daw, nambubulabog na ako. Ngunit sa kabila ng lahat, posturang-postura parin ang tayo ni Clyde. Nakapoker face parin siya. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa mga bulsa ng pantalon niya. Mukhang bored na bored rin siya habang tinitingnan ako.

"Whatever you say miss. Alam mo, ang dami mo nang atraso sa'kin. Hindi ko na mabilang. But I won't excuse you this time for ruining MY car."

Naiinis ka? Hindi naman kita sa mukha mo. Mukha ka paring bored na bored diyan. Ang boring mo.

"Wow. Just wow lang kuya ha. Ako pa ang madaming atraso? Ikaw nga 'tong muntik-muntikan nang makasagasa sa'kin. Natural lang na bawian kita. Nakakabastos na eh! Teka nga, bakit ba ang laki-laki ng galit mo sa'kin ha?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "It's because of these three words. YOU ARE UGLY."

Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa.

"You are ugly." ginaya ko siya in an exaggerated way. 'Yung mas pinapangit na version. "Oo sige, pangit ako. Pero at least, panlabas lang. Ikaw, LOOB AT LABAS. In short, ang pangit pangit pangit mo! Bagay sa'yo 'yung kantang Ugly Heart. Nakakahighblood ka. Bata pa ako, jusko! Ayoko pang masugod sa ospital dahil sa hypertension!"

Okay, you're pretty. Your face is a work of art.

Your face can light up New York city in the dark.

Okay, your pretty -- with an ugly heart! ♪♪

"Ahehe. Sorry po sa pangbubulabog." paumanhin ng isang nakikichika sa tabi nang tumunog ang ringtone ng cellphone niya na Ugly Heart. Sakto.

Oo, ang daming mga sosyalero't sosyalerang hayop este tao ang nakapalibot samin. Hindi ko ineexpect na ang mga richkid na gaya nila ay may pagkausyoso din deep inside.

Nagwacky face ako sa harapan ni Clyde at nagsalita, "Narinig mo 'yung kantang 'yun? Sakto, that's the song Ugly Heart. Bagay sa'yo kasi kung anong ikinagwapo ng mukha mo, siya namang ikinasama ng ugali mo. Ay saglit, di ka nga pala gwapo. Scratch that. Wag kang feeling."

Takte. Napapasabak ako ng english dito ha. Oo, may alam ako na english. Pero nasa Pilipinas tayo, kaya kuya! Ano ba! Magtagalog ka! Matuto kang lumugar. Peste. Peste talaga ang mga lalaki.

Tinawanan niya lang ako, "Pero hindi mo parin ikinaganda ang panlalait sa'kin. So please, stay away from me miss. I don't even like you and oh! Makakabawi rin ako sa'yo. You'll pay for all of this."

Ngumiti siya nang nakakaloko. Biglang nagtawanan ang mga tao sa paligid. Bumalik na siya sa mamahalin niyang kotse at nilagpasan niya ako. Iniwan niya ko dun na nakanganga. Teka, ano ngayon kung hindi niya ako gusto? Hindi siya kawalan! Nagsimulang mamuo ang mga kamao ko. Hindi mo ako basta-basta mapapahiya sa harapan ng mga tao, Clyde Buenaventura. Hindi ko basta na lang papalampasin ang mga pinagsasabi mo.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon