Chapter 1

264 10 9
                                    

Chapter 1

"Ikaw babae ka! Nawawala ka na ba sa tamang katinuan at binugbog mo ang nag-iisang anak ng principal?" Napahawak si Clarisse sa malaki niyang noo. "Jusko, Saleema! Hindi na kita maintindihan."

Ano ngayon kung bugbugin ko ang mga lalaki dito sa campus? So what kung nakailang records na ako sa guidance office at puro pambubully sa mga lalaki? Ano ngayon kung halos araw-araw ko nang sinipa below the belt ang guard para lang makacutting? Ano ngayon kung kinamumuhian ko lahat ng lalaki sa mundo? Ano bang paki niyo sa pagiging man-hater ko?

"Hindi mo kailangan intindihin. Hindi kita nanay."

"AY WALANGHIYANG BABAE KA! Nakukuha mo pang mamilosopo. Aba eh, ako na nga ang namomroblema para sa'yo. Ang sa akin lang naman, nag-aalala ako sa'yo kasi baka dahil dito sa offense na 'to, makick out ka na nang tuluyan." tuloy-tuloy niyang rap kasabay ng pagtahimik ng buong klase. Lahat ay nagulat. Paano ba naman eh, kilalang-kilala si Clarisse bilang pinakamahinhing babae dito sa campus.

Nagfake cough siya at sumigaw, "ANO TINITINGIN-TINGIN NIYO? HA?" Bumalik ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at umupo si Clarisse Delos Reyes sa upuan niya. Ngumiti ako. Napahiya tuloy siya. Reputation ruined. Tinuloy ni Clarisse ang pagdaldal habang ako, tumitig sa transparent sa bintana sa gilid.

Puno ng pimples ang mukha ng babaeng nasa salamin. Parang taghiyawat na tinubuan ng mukha. Nakalugay ang malawalis niyang buhok.

"Grabe ka! Ayaw mo nun? At least, may nagkakagusto na sa'yo --"

Tuloy lang sa pagdaldal si Clarisse. Palibhasa, napahiya kasi. Napatingin ako sa suot ko. School skirt, white t-shirt at rubber shoes. Astig ano?

"So Saleema Liberty Esguerra, narealize mo na ba ang epekto ng hindi mo pag-aayos habang hindi ka nakikinig sa akin?"

"Wala naman akong pinapagandahan eh."

Sasagot pa sana siya kaso dumating na ang teacher para sa first class namin. Nakakabored ang mga pinagdadaldal ng teacher. Mas mabuti pang magcutting classes kaysa pakinggan ang pagdidiscuss niya ng reproductive system for the nth time. At ang mga kaklase ko naman, sige tilian at sigawan kasi favorite topic nila ito. Pagbigyan na. Last year na naman namin 'to sa ekwelahang 'to eh.

Pagkatapos ng dalawang klase, tumayo na ako at hinaltak ang bag. Oras na para magcutting.

"At saan ka pupunta?" hinawakan ni Clarisse ang bag ko para hindi ako makaalis. Naiirita ako sa mukha niya. Ang simple pero maganda. Kaya maraming manliligaw eh. "Cutting ulit? Jusko Saleema."

Tiningnan ko siya nang masama at nagsalita, "Hayaan mo ako."

Agad namang kumalas ang pagkakahawak niya habang ako, naglakad palayo. Palabas sa eskwelahan. Sumibol ang ngiti sa aking labi. Naloko ko na naman si Clarisse. Hindi ko nga alam kung bakit concerned na corcerned 'yun. Hindi ko naman siya bestfriend. Hindi rin kaibigan. Pero simula nung tinakpan niya ang tagos ko sa palda noong isang araw, nagsimula na siya mambulabog sa tahimik kong buhay.

Ano ngayon kung matagusan ako? At least, may dugo. Kung walang dugo, eh baka patay na ako ngayon pa lang. Ipagmalaki ko pa sa inyo ang mga napkin na napadugo ko eh. Ano ngayon kung may malaki at kagimbal-gimbal na kulay pula sa palda ko? At least, may design na parang flag ng Japan.

Nakarating na ako sa gate. Alam kong walang guard na nakaduty ngayong araw kasi natutulog na naman siya sa mga ganitong oras kaya dire-diretso lang ako sa paglalakad.

Tatapak na sana ako palabas ng gate para makalaya nang may humarang na lalaki sa akin at sinabing, "And where do you think you're going? Outside of school premises?"

"Hindi. Inside. Sa loob ako papunta."

"Aba't namimilosopo ka pa, miss. As I can tell, you are planning on cutting classes."

"Oo. Magkacutting ako. Ano bang paki mo?"

"Na-uh. You can't just barge outside. That's illegal." ngumiti pa siya ng nakakaloko. Estudyante rin siguro siya dito. Pero bakit hindi nakauniform?

Walang isip-isip na sinipa ko na siya below the belt. Nauubos ang oras ko sa kanya. Agad niya namang hinawakan ang where-it-hurts-the-most niya at tumingin ng masama sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi niya ba nakikilala ang mukhang 'to? Bago lang ba siya? Hindi niya ba alam na wala ni isang lalaki ang nakakatingin ng masama sa akin?

"Kapag hindi ako nakapagbigay ng magandang lahi sa girlfriend ko, papatayin kita promise. Even though you're a sucking girl."

"Sige lang. Try mo kuya."

Nilagpasan ko siya at lumabas na ng gate. Mission completed. Magkakasweldo na naman ulit ako para pandagdag sa allowance ko. Dumaan ako sa tatlong eskinita at nakita ko ang pinakamamahal kong computer shop. Nice nice. Binalibag ko ang kahoy na pintuan at sumalubong sa akin ang hindi maipintang mukha ni Aling Tessie.

"ANAK NG INAHING MANOK KA, OO! Kung makabalibag ka naman ng pinto ineng. Mahal ang bayad ko sa mamahaling pinto na --"

Hindi ko na lang inintindi ang ipinuputak niya at nagsalita, "Asan po sina Clep?"

She sighed. "Andoon sa likod. Ikaw bata ka talaga oh kasi naman kung maka --" Dumiretso na ako papunta sa likod ng computer shop kung saan ang pwesto namin.

"Uy, andito na si oily bebe!"

"May salamin! Aaaah!"

"Ang mahal na araw."

Inirapan ko sina Clep, Winwin at Koleng. Makikipaglaban lang ng DOTA, manglalait pa. Ano bang paki nila sa oily kong mukha? Eh bakit hindi na lang simulan?

Nagsalita ako, "Magkano pusta?"

"Isang daan." sabi ni Koleng. Koleng Miradona. Ang babaeng bungangera sa baranggay. "Game na?"

"Saglit. Ang daya. Limang piso na lang bawat isa. Tutal matatalo naman tayo kay Saleema. Tss." ani Clep. Clep Montemayor. Gangster sa eskinita number one.

Nagsalita naman si Winwin. Winwin Cardona, ang barbero sa panaderia."Sayang pambili ko ng bagong gunting. Lima lima na lang. Pasensya na Saleema. Masyado kang batak eh."

"Mga tokis kayo."

At sinapak ko sila isa-isa sa mukha.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon