Chapter 7

85 4 4
                                    


Chapter 7

"Ang pag-ibig sinimulan ni Eba at Adan. Isinalaysay ni Florante at Laura. Pinanindigan ni Ibarra at Maria Clara. Pinagtibay ni mama at papa." naramdaman ko ang pag-akbay ni Pryke sa'kin. "At ngayon ipagpapatuloy nating dalawa."

Agad namang narinig ko ang 'ayieee' ng mga ka-dota ko. Inalis ko ang brasong nakapatong sa'kin at hinampas siya nang malakas sa may balikat. Ang epal niya ha. Akala niya kikiligin ako? Pwes, hindi. Patuloy lang kami sa paglalakad ng sabay.

Oo, pumayag ako na ilibre niya ako -- pero kasama ang mga mokong na ka-dota ko. Sinabi ko rin sa kanya na ayoko sa isang restaurant o food chain, gusto ko sa carinderia na malapit sa school.

Kinontra niya ako nung una. Kesyo ang korni raw at walang class kung doon. Gusto raw niya kapag dadalhin niya kami sa isang lugar, dapat espesyal. Dapat may class, kasi special raw kami. Binatukan naman siya ni Koleng at pinagtanggol kami na hindi kami mga special child. Ugh, mga peste.

Sa huli, wala ring nagawa si Pryke. Kaya heto kami ngayon, naglalakad papunta sa carinderiang trip ko. Wala rin naman akong dahilan para tumanggi pa. Gutom na gutom na ako ano! Parang kahit anong oras, gusto ko ng mangain e.

Tinawanan lang ako ni Pryke, "I guess hindi pa nga talaga tayo nagkakakilala ng maayos."

Huminto siya edi huminto rin ako. Syempre kailangan gawin ang isang nagpapalibre rule: maging mabait ka sa manlilibre sa'yo.

"Oh? Bakit ka huminto?" tanong ko.

"My name's Pryke Matthew Sanchez. A friend of Clyde since then."

"Ah k? So PMS ka pala?"

Premenstrual Syndrome.

"Oo. Initials ko 'yun. Ganda ng pangalan ko hindi ba? Gwapo ko talaga."

"Duguin ka sana, PMS."

"Ha? Hindi ko gets. Ano bang ibig sabihin ng PMS?"

"Wala."

Nagsimula na ulit akong maglakad at iniwan na siya. Wala ring kwentang kausap ang PMS na 'yon. Saang bundok ba ang pinanggalingan niya? Duguin sana siya buwan-buwan. Tapos eto namang mga ka-dota ko, kanina pa tahimik. Unusual? Hindi. Alam kong pinagtsitsismisan nila kami ni Pryke. Mga walang hiya rin.

"Uy saglit lang! Iniiwan mo ako ... pati ang puso kong tumitibok para sa'yo." bunyag ni PMS.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Peste. Ang daming nang-aasar na tayo sa paligid. Kesyo ang sweet daw namin, mukha raw kaming may lover's quarrel, at sadista raw ako sa boyfriend ko. Aba't anak ng! Ayoko sa mga lalaki. Oo, nandiyan sina Clep at Winwin. Pero bakit hindi ko sila nilalayuan? Syempre, kailangan ko ng pera. Tsk.

Sumigaw ako, "EWAN KO SA'YO! PMS KA! PMS KA! DUGUIN KA SANA!"

Gulat na gulat ako nang may bumuhat sa akin na parang sako sa may balikat niya.

"Bitiwan mo ako! Walang hiya kang PMS ka!" sinuntok-suntok ko ng sobrang lakas ang likod ni Pryke. Nakita ko naman mula sa likod ang mga masasamang tingin ng mga babaeng nadadaanan namin sa akin. Ugh biset. Edi sa kanila na lang 'tong monggoloid na 'to. Lamunin na nila! "Bitiwan mo ako. Papatayin kita. Koleng, Clep, Winwin, tulong!"

"Hahahaha! Mangiyak-ngiyak na si Salem oh! Aw, kawawa. Ganti na namin 'yan sa'yo girl! Lagi mo kasi kaming sinusuntok. Go pogi! Kaya mo 'yan!" ani ni Koleng.

Nagsalita rin si Winwin, "Siya lang pala magiging kahinaan mo ha. Kung ganun ba naman e, lagi naming iiinvite 'yang si pogi sa computer shop nang manalo kami. NYAHAHAHAHA!"

"Talaga guys? Sure. Sasama ako next time. Just update me." at sumagot pa 'tong mokong na bumubuhat sa akin. Sinapok ko tuloy siya sa ulo. "Ouch! Ang sakit mo naman magmahal."

"Loko ka!" bulong ko.

"Teka boy! Kilala mo na nga ba si Salem? Mamaya, nangingidnap ka lang ng pangit ah? Oo, alam kong nangingidnap ka ng pangit pero pakiusap, hayaan mo na lang mabuhay ng mapayapa ang ka-dota namin!" sabi ni Clep.

Natigilan si PMS sa pagbuhat sa akin habang naglalakad. Huminto siya at ibinaba ako. Binelatan ko siya.

Ngumiti sa akin si Pryke ng nakakaloko, "Oo nga pala. Nakalimutak kong kailangan mo ring magpakilala, babe."

"Ayoko nga." sabi ko pero akmang bubuhatin na ulit ako ni Pryke. "Aaah! Teka. Oo na, magpapakilala na ako. Saleema Liberty Esguerra. 'Yan na."

"Ang korni mo magpakilala bhe."

"Manahimik ka nga diyan Clep. Ano bang paki mo sa pagpapakilala ko?"

Pagkatapos ng ilang bangayan sa daan, naging close agad sina PMS pati ang mga ka-dota ko. Ang mokong na Pryke kasi, napaka-outgoing. Buti naman at hindi na nila ako binabalahura habang kumakain kami ng kare-kare sa carinderia. Kasalukuyan kong pinapanuod ang magsyota sa harapan ng carinderia sa kadahilanan na buryong-buryo na ako. Nakakairita nga e! Magdadrama na nga lang sila, sa gitna pa ng kalsada. Saan ba nila nakukuha ang confidence? Sabagay, onti lang naman ang mga taong gumagala ngayon. Sa ganitong oras, may mga bata na naglalaro ng ten-twenty, mataya-taya, tagu-taguan at luksong baka sa kalsada.

"Bastos ka ha! So sa buong relasyon natin, ginamit mo lang ako bilang tagahatid mo sa bahay ganon?" sabi nung lalaki.

Umiiyak na sumagot ang babae, "Oo. Inaamin ko. Pero aminin mo, nag-enjoy ka rin naman sa mga meriendang niluluto araw-araw ni inang para sa'yo! Nakatipid ka rin naman hindi ba? Mag-isip isip ka nga!"

"Pwes, maghanap ka ng school service na maghahatid sa'yo."

Ayan na ang pinakahihintay kong tagpo. Ang break-up. Kung saan matatauhan ang dalawa na hindi sila para sa isa't isa. Kung saan marerealize din ng babae na walang kwenta ang mga lalaki. Ngingiti na sana ako nang pigilan ng babae sa kamay ang lalaking magwowalk-out na. Ang taray. 'Yung lalaki pa talaga ang magwowalk-out.

"S-sorry na. Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka. Para kang iphone 6 ko, I can't live without you."

Nakakairita. Ang korni nilang mag-away. Pwede ba? Magbreak na kayo please? Tutal walang kwenta naman 'yung lalaki e. Parang ihahatid mo lang ang girlfriend mo, napakahirap ba nun? Ang relasyon kasi, give and take 'yan. But it's more on giving. Dapat hindi mo iniisip kung anong makukuha mo. Magmahal ka ng walang kondisyon at -- ugh! Bakit ko ba iniisip ang mga walang katuturang bagay gaya ng pesteng pag-ibig na 'yan! Sinapok ko ang ulo ko ng mga dalawang beses.

Nagulat ako nang bumulong sakin si Pryke, "Naiingit ka sa kanila? Na may ka-LQ sila at ikaw wala? Don't be, nandito naman ako e. Call my name and I'll be there."

"Ayan ka na naman sa kayabangan mo ha."

"You know naman." inilagay niya ang dalawang kamay niya sa gilid ng bewang na parang sa bakla. "Sistaah mo akey! At ang mga sistaah, nagtutulungan! Tamuh ba? hihihihi. Char!"

Hindi ko inakalang sa loob ng mahabang panahon, nakatawa ulit  ako -- at isang lalaki pa ang dahilan.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon