Chapter 19

94 2 1
                                    


Chapter 19

Tiningnan kong maigi ang ilong ko sa salamin. WALA NAMAN AKONG KULANGOT E! Loko talaga 'yung englisherong 'yun. Lumabas ako agad-agad sa CR aat bumalik para masapak si Buenaventura. Saktong-sakto naman na pagdating ko, humahagalpak siya ng tawa. Nakahawak siya sa tiyan niya at tinuro pa ako.

Bumusangot ang mukha ko at nagsalita, "LOKO KA HA!" Handa na talaga sa pagkakataong ito na manapak ang mga kamay ko. Ang ayoko talaga sa lahat e 'yung pinagttripan ako.

Tuloy lang siya sa pagtawa. Ginamit ko ang tyansang 'yun para batuhin siya ng unan sa mukha. Ako naman ang tumawa ngayon. Humagalpak ako na parang mangkukulam na nagsasabing 'Victory is mine' gamit ang mapaniil kong hagikhik.

Ano ka ngayon, Buenaventura?

*POINK* Gulat na gulat ako nang may unang sumalubong sa oily kong mukha. Tawa nang tawa parin nang tawa si Clyde. Ang saya niya ha. Sa sobrang tuwa niya, naiimbyerna ako to the highest level.

"HUMANDA-HANDA KA SA'KIN!" sigaw ko sabay tanggal ng electric fan sa saksakan at hinabol siya gamit 'to. Hindi naman ako ganoong nahirapan kasi desk fan lang naman. Ang macho ko lang e.

Wala siyang sinabi pero tawa lang siya nang tawa habang tumatakbo. Kung saan-saang parte kami ng bahay nagtakbuhan. Mula kusina hanggang likod-bahay. Maabutan ko din siya, tiwala lang. Mabuti at tulog parin ang mga kapitbahay. Nuks, walang nabubulabog. Teka, alam ko pag mayayaman hindi masyadong nagtatatakbo, naggagagalaw pero bakit ganun? Ang bilis ata tumakbo nito? Triathlon ba 'to o ano?

"HOY BUMALIK KA DITO, PANGIT!" Bitbit ko parin ang desk fan at handang-handa nang ibato sa kanya.

Tumawa siya, "Describing your face, again?"

"TSE!"

Sa wakas, nahatak ko na ang t-shirt niya nung nasa sala kami. Nahuli ko na siya! Sa'kin na ang huling halakhak! Anak ng, gusto ko talagang tumawa na parang mangkukulam ngayon. Pagkatapos ng lahat ng pambabalahura niya sa'kin, makakaganti narin ako. Pero akala ko lang na ako na ang panalo. Akala ko mahahampas ko na siya ng electric fan sa may sofa. Akala ko lang pala. Ang bilis niya kasi makawala. Pawis na pawis parin kaming nagtatakbuhan sa may kusina. Naghahabulan kami sa may round table.

Okay Salem, magtiwala ka sa targetting powers mo. Kaya mo 'yan!

Huminto ako pero tumatakbo parin siya. I aimed for the goal. Binato ko na ang electric fan sa ere.

*PLAAAAAK!* Agad kumalabog ang electric fan na bumagsak sa sahig. Nakailag ang loko na hanggang ngayon ay tumatawa parin. Nakakaasar ang tawa niya. Uhh, mautot sana siya katatawa. Ay huwag na lang pala, wala kaming air frenshener at albatross. Di kami ready ni mama para sa pasabog niya. Sabi ko na nga ba, may nakalimutan akong bilhin kanina. Inuna ko pa kasi ang dota.

Parehas kaming natigilan at natahimik ni Buenaventura. Nagkatinginan rin kami. Awkward. Nagkandasira-sira kasi ang bentilador. Tapos ang lakas pa ng tunog. Sana hindi magising si mama. Sana hindi ...

"ANONG INGAY 'YUN?"

May narinig kaming sigaw mula sa kwarto. Patay. Ito nga ba ang sinasabi ko e, magigising si mama. Napafacepalm ako. Epic. Sermon na naman siguro ang abot ko nito at dahil bisita si Buenaventura, makakalampas siya sa sermon. Madaya talaga oh. Hindi ko na inintindi si Buenaventura. Agad akong tumakbo papunta sa loob ng aparador para magtago.

Kilala ko na kasi talaga si Mama. Kapag may narinig siyang kalabog habang tulog siya, babangon agad 'yan at hindi siya titigil hangga't hindi nalalaman ang rason ng pagkalabog. Napakasensitibo ng tenga e.

"MAGNANAKAW BA 'YAN?" sabog na tanong este sigaw ni Mama.

Ramdam ko na palabas na si Mama ng kwarto niya. Patuloy siya sa pagsigaw kung sino daw ba 'yung dahilan ng pagkalabog o kung may tao nga ba. Buti nalang at patay na ang lahat ng ilaw sa bahay. Oo, lahat. Kanina kasi habang hinahabol ko si Buenaventura, pinatay ko na ang ilaw ng kwarto kung saan kami nanatili kaya hayun, naghabulan kami sa bahay ng patay-ilaw.

Isa narin 'yun sa mga pinagpapasalamat ko. Walang clue na may tao — maliban sa bentilador na naibagsak ko. Sana ikaw nalang ang mahuli Buenventura, para ikaw na ang magbayad ng nasira ko. Sumilip ako sa pinto ng aparador na tinataguan ko. Saan nagpunta si Buenaventura? Nagtago din? Talino ha.

Pagkatapos ng ilang minuto, namalas ko na si Mama na papunta sa kusina at may hawak na itak. Medyo kinilabutan ako. Kung sino mang mahanap sa'min ni Buenventura, baka karne na kaumagahan. Ang mabuti nalang, hindi alam ni mama ang taguan kong 'to. Mahuli ka sana, Buenaventura.

"Huli ka!"

May narinig akong nagsabi mula sa labas. Nahuli ni mama si Clyde sa wakas — at nakatago pala siya sa may likod ng ref. Sus, masyadong halata 'yung taguan niya. Weak.

"Akala ko naman kung sino iho! Ikaw lang pala." bumuntong hininga si Mama at inihagis nalang ang itak. "Kaso anong nangyari sa e-electric fan namin? Tsaka nasaan si Saleema? Pinatay mo ba siya gamit ang electric fan?"

Umiling-iling lang si Buena. Hindi siya sumagot. Aba aba, iba na ang magalang. Pagentleman kunwari.

Nagulat ako nang hawakan ni Mama sa dalawang balikat si Buena at inalog-alog siya.

"I HATE YOU NA! Nabuntis mo man ang anak ko p-pero hindi k-kita mapaparatawad s-sa paglapastangan sa m-moralidad niya! Pinatay ... pinatay mo siya. Hindi kita mapapatawad! Cross my heart!" saad ni Mama. Napamental facepalm ako. Minsan talaga, childish si Mama e.

Nakakunot naman ang noo ni Buena na tila nalilito parin sa mga pangyayari, "Err, what's moralidad? I found that word vague."

"Ha? Ano? Moralidad lang naintindihan ko iho. Alam mo ba kung nasaan 'yung swangit kong anak?"

Pagkalipas ng ilang minuto, nakaupo na kaming tatlo sa harapan ng dining table. Tingin ko, medyo handa na naman ako sa sermon ni Mama. Inabutan niya muna kami ng tig-dalawang pandesal at baso ng kape. Okay, ito na pala ang umagahan namin. Buti na lang at peyborit ko 'to. Pagkain nalang ang iintindihin ko habang sinisermunan. Worth it pa.

Sumisip si mama sa kape niya, ibinaba ang tasa at nagsalita, "So iho, kelan mo ba pananagutan ang anak ko?"

"Uhh ..."

"MAMA!" saway ko kay Mama pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Aba aba, nakaturn-on ang maldita mode ni Mama. Anong kalokohan na naman 'to?

"Hindi ikaw ang tinatanong ko. Isa ka pa e, nagpapabuntis ka ng maaga." Tiningnan ni mama nang mabuti ang mukha ni Buenaventura kaya medyo umiwas ng tingin ito. "Hmm, medyo okay naman 'tong lalaki mo. Kelan ang kasal?"

"MAMA!"

Nagulantang naman kami nang sumingit si Buenaventura, "Actually tita, I already have a girlfriend."

"Ayun naman pala! Ikaw rin ang may kasalanan. May girlfriend ka na pala pero sige lapit ka parin sa anak ko. Oo, maganda si Salem kaya lang —"

"MAMA NAMAN E!"

Napatayo ako sa mesa. Hindi ko na talaga kinaya ang walang hiyang pagpepredict ni Mama sa pangyayari saming dalawa. Hay, sakit sa ulo. Peste naman oh.

"Ma, magpapaliwanag ako. Una sa lahat, hindi niya ako nabuntis. Hindi ko siya kaano-ano. Wala kaming pakialam sa isa't-isa." Nagawa ko pang lumingon saglit kay Clyde at tumango naman siya. "Pangalawa, dinala ko lang si Clyde Buenaventura dito dahil sa di sinasadyang pagkakataon, pinanghimasukan niya ang dapat na pambubugbog ko sa mga lassengo sa may sari-sari store. Pero okay na kasi gumaling na siya." Medyo natigilan ako sa pekeng pag-ubo ni Buena. Loko. "Pangatlo, kasalanan talaga ni Buena kung bakit nasira ang isang buwang bentilador na pinag-ipunan niyo. Mapang-asar kasi siya kaya hayun, binato ko siya. Ano? Okay na ba? Malinaw na?"

Tumahimik sila. Nakapagod mag-explain, grabe. Masyadong maloko ang nanay ko. Tumalikod na ako sa hapagkainan. Bahala sila diyan. Kahit hindi pa ako nakakaligo, didiretso na'ko sa computer shop para makipagpustahan.

Aalis na sana ako nang magsalita si mama, "Salem nak, hindi ako kumbinsido. Prove me wrong."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon