Chapter 13

44 2 0
                                    


Chapter 13

"Woy miss. Why you like dat? Pangit na nga you, so hot pa ng ulo."

"Peste." tamad na sagot ko.

"Peste me? Not. I'm trying just to make tulong tulong."

"Peste. Manahimik ka."

"Waw. You like that na huh. Thank me nga dapat because I'm advicing you. Dapat you stay pretty pretty lagi. Why not make ayos your face and buhok? Tsaka make suot dresses? Why oh why? Pero --"

*BOOOOGSH* Hindi ko na napigilan inuppercut ko na ang baklang stranger na kanina pang nagsasalita sa tabi ko. Natahimik ang lahat sa bagong klase na kinabibilangan ko. Buti at wala pang teacher. 'Yung mga tingin nila sa'kin halatang naiirita, naiinis at nagagalit. Hindi ko rin naman kasi sila masisisi. Kabago-bago ba namang estudyante, mambubulabog na agad sa tahimik at SOSYALIN nilang buhay?

Tahimik ngunit kalmado akong nagtanong, "Anong tinitingin-tingin niyo diyan?"

Nakatihaya lang sa sahig ang baklang sinapak ko. Kanina pa kasi siya e. Pagkaupo ko sa upuan ko, biglang tumabi sa akin at nagdaldal. Wala naman akong ginagawa sa kanya tapos nangingialam. Buti sana kung tama 'yung pag-eenglish kaso hindi! Puro wrong grammar naman. Jusme. Naalala ko tuloy si Clarisse. Nakakamiss rin pala 'yung pakialamerang 'yon.

Mabuti at nagsipagbalikan na sa kanya-kanyang buhay ang mga bago kong classmates. Badtrip lang talaga. Wala pang simula ng una kong klase dito sa North University, may gulo na akong napasok.

Oo nga pala, babawian ko pa si Buenaventura. Hmm, paano kaya ko makakaganti dun?

Lumipat ako ng upuan sa may likuran kasi hiyang-hiya naman ako sa baklang nakatihaya sa harap ng upuan ko. Wala man lang tumulong sa kanya. Tss, ganito ba talaga ka-matapobre ang mga tao dito? Wala man lang tumulong sa nabugbog ko? Samantalang sa luma kong school, may usyoso at usyosa agad kapag may nabugbog tsaka mapupunta agad sa clinic kung sino man 'yun.

Yumuko lang ako at inginudngod na lang ang mukha sa arm chair. Nakakaantok, hay. Bakit ba ang tagal ng teacher pumasok? Buryong-buryo nako dito!

Makalipas ang ilang minuto, may naramdaman akong nangalabit sa'kin. Hindi ko lang pinansin nung una kasi baka nantitrip lang kaya nagkunwa-kunwarian akong tulog.

"Psst. Girlfriend ko, gising na." may narinig akong bumulong sa may parte ng tenga ko at awtomatikong napatayo ako at ang mga balahibo ko sa katawan sabay layo sa lalaking nakangisi sa harapan ko. "Sa wakas, gising na ang baby ko."

Tinuro ko siya at sinabing, "T-teka? Bakit ka nandito! Hindi ba college na kayo ni Clyde? High school building 'to, oy. Baka naliligaw ka."

Lumingon ako sa paligid ko. Mukhang wala lang pakialam ang mga bago kong kaklase -- ay akala ko lang pala. Sa may corner ng classroom, may mga babaeng nagbubulungan at tinitingnan ako ng masama. Tinaasan ko lang sila ng kilay. Trip nila 'tong mokong na Pryke na 'to? Mga hindi marunong mamili ng lalaki! Tss. Kanilang-kanila na 'tong mokong! Puro kalokohan lang naman alam nito. Wait, igegeneralize ko lang. Puro kalokohan lang naman ang alam ng mga lalaki. Takte, naalala ko tuloy sina Clep at Winwin, puro mga kagangsteran lang ang alam.

"Eh sa gusto ko pumunta dito. Boring prof namin sa kabilang building." nagkibit-balikat siya.

Inirapan ko na lang si PMS, "Ang sabihin mo, hindi ka nag-aaral. Mga lalaki talaga oh, natural na natural ang pagkahappy-go-lucky. Nakakastress kayo."

"Hindi naman sa ganun, baby." ngumiti siya sa'kin. Takte, ba't ang gwapo ata? Ugh. Erase erase. "Napag-aralan ko na kasi 'yun. Paulit-ulit na lang. I'm tired of repititions already. Masyado akong advanced."

Nagmake-face ako sa harapan niya, "Turn off, lalaking hambog."

"Grabe 'to." tumawa siya. "Totoo naman e. Kaya imbis na makinig ako sa walang-sawang pagdidiscuss ng prof, binisita ko na lang ang baby ko." Lumapit siya sa'kin at ginulo ang buhok ko. Lihim naman akong napangiti sa ginawa niya.

I mentally slapped myself. Saleema, ano ba. Hindi ka pwedeng matuwa sa lalaking 'yan. Galit ka sa lahat ng lalaki hindi ba? Hindi. Dapat siguro dumistansya ka na. Kausap ko sa sarili ko. Medyo baliw lang.

"Earth to Salem?" Winave niya ang kanang kamay niya sa mukha ko. Medyo natulala pala ako. Ang shunga mo, Salem. Ano bang mayroon sa utak mo? Bakit loading? "Uh, hello? Gising baby, gising."

"Ay sorry, naisip lang kita. Masama?" ani ko. Natulala siya ng mga five seconds sabay hagalpak ng tawa. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa room. Tinitigan ko lang si Pryke nang nakakunot ang noo. Bakit? Ano bang nakakatawa? Teka, ano bang sinabi ko?

"Ay sorry, naisip lang kita. Masama?"

"Ay sorry, naisip lang kita. Masama?"

"Ay sorry, naisip lang kita. Masama?"

"Ay sorry, naisip lang kita. Masama?"

"Ay sorry, naisip lang kita. Masama?"

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig. Oh hindi! Nasabi ko ba sa kanya na inisip ko siya? Aaaah! Ano bang nangyayari sa'kin? Patuloy lang siya sa pagtawa sabay bulong na ang pogi niya. Hindi! Kailangan kong i-explain nang maayos! Naman oh, bakit ba naman kasi paligoy-ligoy 'tong bunganga ko!

"HOY! Ang ibig ko sabihin, naisip kita kasi --"

"Hahahahahahahahahaha"

"Hoy, pakinggan mo 'yung sinasabi ko --"

"Hahahahahahaha, inlove na ang girlfriend ko sa'kin. Hahahahaha. Gwapo ko talaga!"

That's it. Nakakainis na. Iniwan ko siya sa classroom na humahagalpak ng tawa. Malagutan ka sana ng hininga habang tumatawa, Pryke Sandoval. Bahala ka sa buhay mo diyan. Isipin sana nila na baliw ka at isugod ka na agad agad sa mental.

Asar na asar akong naglakad sa hallway. Medyo umoonti na ang mga hayop este estudyante pala kasi nagring na ang bell kani-kanina pa na hudyat na simula na ang klase. Aba'y ewan ko ba sa first teacher class namin ngayon at hindi pa pumapasok. Anak ng, nagkacutting na naman pala ako ng hindi ko namamalayan. Nasa dugo ko na ata ang pagkacutting. Badtrip.

"SALEEMA LIBERTY ESGUERRA!"

May pamilyar na boses akong narinig mula sa likod. Si PMS na naman. Ano bang problema nun? Susunod pa e! Pero bakit nakangiti parin ako nang palihim dito?

Ah ewan.

"WAIT FOR ME!" sigaw ulit ni Pryke.

Blah blah blah. Mas binilisan ko ang lakad ko -- lakad na may kasamang takbo pala. Naririnig ko naman sa likod ko ang mga yabag ng paa na sumusunod sa'kin. Salem, wala kang pakialam sa kanya. Malinaw? Ugh. Sa sobrang asar ko sa sarili ko, nanghaltak nalang ako sa hallway ng isang lalaking nagbabasa sa isang tabi at tinadyakan ito sa may tuhod.

"WHAT IS THE PROBLEM WITH YOU?"

Patay.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon