Chapter 11

59 3 1
                                    

Chapter 11

"There you stopped talking. That's why I never liked you. You're so hostile and talkative."

Walang hiyang Clyde 'yan aba! Mag-eenglish na nga lang, 'yung malalim pa at hindi ko alam. Jusme! Hindi ko na nga lang 'yon iisipin.

Go Salem, kaya mong mahanap ang office nang mag-isa. There are times that you can only trust yourself. Tsaka at least, libreng breakfast na rin 'yung cupcake na isinalaksak ni Clyde sa'kin kasi di ako nakakain ng umagahan kanina. Salamat sa cupcake, Clyde Buenaventura. Mabilaukan ka sana sa lunch na kakainin mo. Pakasaya ka. Biset.

Naiirita talaga ako sa mga hayop este tao dito sa school na 'to. Kung makatingin sila sakin parang isa akong malaking pimple na tumubo sa gitna ng ilong nila. Well, inaamin ko naman na tadtad ng taghiyawat ang mukha ko pero ano ba! Tao rin ako, nasasaktan! Nasusugatan! Umaasa! Pinapaasa at muling aasa! Hala. Ano bang pinag-iisip ko? Bakit ba humuhugot ata ako ngayon? Korni ko talaga. Inaamin ko na isa akong makintab at mapimple na medyo matabang korning babae.

Humangin nang malakas habang naglalakad ako sa hallway. Nilipad ang mga papeles na ipapasa ko sana as requirements para ma-claim ko na 'yung scholarship na pinakaaasam ni mama. Nahulog 'yung isang papel sa sahig. Syete. Hinabol ko ito nang hinabol. Sa sobrang engrossed ko sa paghabol sa lumilipad na papel sa hallway na puno ng matapobreng mga hayop este estudyante, sumalampak at nasubsob ako sa sahig. Natahimik ang buong paligid. Sa loob ng ilang segundo, nagkaroon ng malakas at sosyal na halakhakan.

Takte, ba't ba lagi na lang akong napapahiya?

"Ah kawawa naman siya."

"Oh my gee. Ang pangit niya. Ew girl!"

"Hahaha! Nakakatawa talaga siya bro, ano?"

Mangiyak-ngiyak na tumayo ako at hindi na nag-abalang kunin ang papel. Instead, tumakbo ako papalayo sa kanila. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Lagi na lang kasi ako ganito. Walang sense of direction. Anak ng, nagsisimula ng magpatakan ang mga luha sa mga mata ko.

Ano ba 'yan? Hindi pa nga ako nagsisimula mag-aral dito, may kahihiyan na agad?

Sumadsad na lang ako sa isang bench. Naupo at humagulgol. Hindi. Hindi ako kasing hina nila. Hindi. Hindi ko dapat 'to iniiyakan. Ang babaw. Nakakainis ang mga luhang 'to oh! Ayaw tumigil. Napakaoverflowing.

Ba't naman kasi ang emotional ko ngayon? Baka kung anong lason ang nasa cupcake ni Clyde, aba!

"Sanay ka kasing ikaw ang nagpapahiya, baby. Hindi ikaw ang napapahiya." saad ng boses sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko at nagkatitigan kami. "Huwag ka nga umiyak diyan. Pumapangit ka lalo e."

"Ha?"

"Pangit ka na nga. Mas magiging panget ka pa. Maawa ka naman sa mukha mo please."

"Oo na, pangit na kung pangit. Di mo na kailangan ulit-ulitin. Oo, tadtad ng pimples ang mukha ko. Sobrang shiny pa nga ng mukha ko dahil sa pagkaoily skin kong natural na. Ang buhok ko, eto parang walis. Oo, pangit na ako. Masaya ka na niyan?"

"Hindi." ngumiti pa siya ng nakakaloko na mas ikinaasar ko. "Eto naman. Joke lang, baby. Kahit pangit ang panlabas na anyo mo, maganda parin ang panloob mo."

Kumunot ang noo ko, "EH BASTOS KA TALAGA HA! Anong pinagsasabi mong maganda ang underwear at bra ko! Walang hiya ka! Bastos! Biset. Sarap mo murahin! AAAAAH! BADTRIP KA. LAYAS!"

Tinakpan niya ang tenga niya noong sumigaw ako. Nakakairita siya. Imbis na nakapagmoment na sana ako mag-isa, nandito pa siya, nakikigulo. Ugh. Sarap niya ipabugbog sa mga bakla sa may kanto namin. Di hamak na mas matino pa 'yung mga 'yon kesa sa kanya.

"Woah. Chill. What I mean is your inner self. Maganda ka deep inside. Maganda 'yung kaloob-looban mo. Hindi ko dinidescribe 'yung underwear mo. Hay! Pangit na nga slow pa. Kunin mo na nga lang 'tong panyo at ipunas sa mukha mong tinuluan na ng sandamakmak na luha."

"S-salamat."

"Mahilig mamahiya pero hindi naman pala kayang mapahiya." narinig kong bulong ni Pryke.

"ANONG SINABI MO?"

Nakakairita na talaga 'tong lalaking 'to. Oh wait. Nakakairita na pala talaga ang lahat ng mga lalaki. Pero siya ang pinakanakakairita sa lahat! Kung hindi lang talaga ako emotional ngayon, matagal ko na 'tong nasipa papuntang pluto. Buti na lang talaga, inabutan niya ako ng panyo para singahan at pagpunasan ng luha. Wait, speaking of panyo. Syete! Hindi ko pa nga pala naibabalik 'yung bandana ni Clyde na nagamit ko sa rooftop! Tss.

"Hehehe. Wala 'yun. Sabi ko ang ganda mo, baby."

"Baby mo mukha mo. Hindi kita tatay. Tigil-tigilan mo ako PMS ha. Oh eto na panyo mo." Iniabot ko sa kanya ang panyong nagamit ko na.

"K-kahit wag na. Tss. Nasingahan mo na 'yan at lahat-lahat na tapos may confidence ka pang ibalik sa gwapong katulad ko? Nevermind. Keep it."

"Grabe. Ang hangin mo pare. Sige, akin na 'to." isinilid ko ang panyo sa basketball shorts na suot ko at tumayo na. "Ge. Alis na'ko."

"So ganun? Iiwan mo na lang ako ng basta-basta? Pinagkakaguluhan ako ng limpak-limpak na babae tapos tatalikuran mo lang ako? Wala kang utang na loob! Minahal kita ng sobra pero anong ibinalik mo? Ni katiting na pagmamahal wala? Minsan talaga ang mga taong hindi mo kayang mawala sa buhay mo, kayang-kayang mabuhay nang wala ka."

Loko talaga 'to. Hugot pa ng hugot e. Nagsimula na akong talikuran siya at naglakad palayo. Hindi na ako sumagot pa pabalik pero nagsalita parin siya ulit. Sapat lang para marinig ko, "Sige, ganyanan na. Pagkatapos mo singahan 'yung mamahalin kong panyo, iiwan mo ako? Nakakapagtampo."

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko sa kanya palayo nang nakangiti. Ang lakas ng trip mo, PMS.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon