Chapter 8

66 4 0
                                    


Chapter 8

Dahan-dahan akong pumasok sa bahay. Parang ninja kong itinulak ang pinto at kung siniswerte nga naman ako, walang ni isang tunog ang nagawa nito. Nakapatay na rin ang lahat ng ilaw. Kasalanan kasi 'to nila Clep, Winwin at Koleng e! Sa sobrang close nila ng mokong, naisipan nilang magmall nang magkakasama! Dapat hindi na ako sasama kasi baka magalit si mama. Dapat pasikreto na akong aalis kaso binuhat ulit ako ni pesteng Pryke na parang sako papunta sa kotse niya. Oo, panget ako pero hindi naman ako mukhang sako ano! Ugh. At talagang dinala pa nila ako sa malayong mall na hindi ko man lang alam kung paano umuwi. Kaya hayun, napasama na ako sa ayaw man o gusto ko.

Tss. Nine o'clock na tuloy ako nakauwi. Nakakainis! Akala mo naman may mga pera ang mga ka-dota ko at ang lakas ng loob magplano! Pero okay lang, uto-uto naman kasi si PMS, siya ang nanlibre ng dinner at pang-arcade namin.

Sana sa akin na lang niya binigay ang pera niya. Sayang. Lalampas na sana ako ng sala nang bumukas ang lampshade na nasa mesa na parang sa teleserye.

"At saan ka galing ha, Saleema Liberty Esguerra? Ikaw bata ka, tinawagan ako ng school mo." nakapamewang na sabi ni mama. Kalmado siya at mukhang kontrabidang-kontrabida talaga ang datingan. "Sana man lang ay nagpaalam kang magkacutting ka!"

Natameme ako doon. Seryoso? Magpapaalam dapat ako sa kanya 'pag magkacutting ako? At nakangiti pa siya ha. Ang swerte ko naman kay mama. Sinusuportahan talaga ako sa mga gusto kong gawin. Sumibol ang isang ngiti sa mukha ko.

"NANG MASABUNUTAN KITA! Anak naman e, alalang-alala na ako sa'yo. Ni hindi ka man lang nagpaalam bago kayo gumala sa mall kasama nila sir Pryke at mga kabarkada mo. Simula ngayon bawal ka nang magcutting at kung may lakad ka man, dapat alam ko muna kung saan ka pupunta at kung sinu-sino ang mga kasama mo. Gamitin ang cellphone, nak."

"Ma, naman. Tinatamad akong dalhin 'yung de-antenna kong cellphone na ipinamana mo."

Kumamot ako sa ulo. Teka, kilala niya pala si PMS at alam niya ang mga pinaggagawa ko? Pero paano? Ewan, wala akong pakialam. Nagsimula na akong umakyat sa hagdan. Nakakapagod maging babysitter buong gabi sa mall. Sa susunod, bibigwasan ko na sila kapag umulit pa 'yang gala na 'yan. Nakakairita.

Hinawakan ni mama ang braso ko bago pa ako makatungtong sa hagdanan, "Kaya ganun-ganon na lang? Hindi ka ba babawi sa akin? Hala dali. Bumili ka muna sa bakery ng paborito kong Spanish bread."

Tinatamad akong naglakad sa kalsada. Umalis ako ng mga nine o'clock sa bahay. Grabe. Gabi na pero itong nanay ko, sige utos pa rin. Sigurado naman akong ligtas ako ngayon kahit gabi na. Takot naman sa akin ang mga loko sa amin e. Mapa-tambay man o gangster. Marami-rami na rin kasi ang nabugbog ko ditong mga siga. Besides, sino naman ang magkakainteres manamantala ng isang katulad ko? Bagsak na nga sa hitsura, mukha pang walang pera.

"Sampu ngang Spanish bread. Magkano ba?" tanong ko sa tindera na may katext sa cellphone niyang pangmayaman. Maski tindera ay nasa uso na rin pala.

"Tatlong piso isa so bale, thirty lahat."

"K."

"Wait lang miss ha." ngumiti siya sa akin na halata namang fake. "May bagong luto e, 'yun na lang ibibigay ko sa'yo, ate ha?"

"K."

Habang nagpprepare 'yung tindera, sumandal muna ako sa poste sa gilid. May mga gangster na kumakanta sa isang gilid, may mga babaeng mukhang espasol at may mga makakapal make-up na naglalakad, mayroon din namang mga matatandang pauwi na sa kani-kanilang pamilya pero heto ako, naghihintay sa pesteng Spanish bread na 'yan. Jusme, gusto ko nang umuwi at matulog. Parusa 'to.

"Wala na. Ibigay mo na sa amin ang pera mo. Hahaha!"

"Please. Layuan niyo na ako mga iho."

"Wala wala. Sayang pera! WHAHAHAHA! Akalain mo 'tol. Pagkatapos ng paghihirap natin sa paghahanap ng pera, nakatyempo tayo dito sa matandang duwag. Nuks naman. Galing natin bro."

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon