Andami pa naming napag-usapan at kalaunan ay pumunta ako sa kama niya at feel at home na humiga. Kahit buong araw kami magtabi sa kama ni Derris, hindi magagalit ang both side ng parents namin. Easily because they trusted us. They know that we know our limits even we know our capabilities.
"Nothing has changed!" tukoy ko sa kwarto nito.
He just laughed.
"Is it ugly? I think it is. I'm thinking of changing the---"
"Of course not! This is cool, Derris! I want a bedroom like yours!" paano ba naman, puro scientific, formulas at sciece or math related stuffs ang mga nakapaligid. There's even a huge picture of Albert Einstein near his huge television.
"I don't have plans of renovating my room to be honest. 'Cause I know you love this, that's why I want this to stay this way." I pinch his cheeks.
"Hahahahahaha! Kaya pala!"
After a minute, sabay kaming nagbukas ng messenger app at nag-videochat sa isa't isa kahit ilang inches lang ang layo namin sa isa't isa.
People think we're idiots, but they don't know how we love doing this.
"Kumusta ka sa kama ko, Crossini?" natawa kaming dalawa matapos niyang sabihin 'yon.
"Ito, ayos lang. Medyo naninibago kasi sobrang tagal na nung huli ko ulit itong nahigaan." sagot ko rito habang nagvi-video chat parin kami. "Handa ka na ba para sa Intrams next week? Ichi-cheer kita dun! Through video chat---"
"Wait---what?! Pati ba naman doon, sa video chat pa din?! What the hahahahaha!"
"Of course I'm just kidding!"
"Hahahahahaha!" bulalas naming dalawa.
Hindi na namin napansin ang oras hanggang sa umabot ang aming kabaliwan ng alas-onse ng gabi. Sabay kaming napabangon at nagkatinginan ng malaman ang oras.
"I think I need to go home,"
"Let's eat dinner first."
Habang kumakain kaming dalawa, naalala niyang hindi ko siya inantay doon sa may badminton court noon. Paano ba naman nabi-bwisit ako kay Nikolai, ipau-bos ba naman sakin yung mala-fiesta-set ng mga pagkain!
"Kayo nalang yung maglalaban sa intrams, ganon?" I just nod and rolled my eyes.
"Yas. She's just wasting her time practicing when in fact she'll never win against me."
"That's the spirit, Crossini Rolls!" he chuckled.
After our dinner, his mom isn't yet home.
"Sinong kasama mo dito ngayon? Where's your dad?"
"He's in London, he's working as the CEO in our company." I just nod.
"Uh-okay."
Ng nasa grand gate na kami ay lumabas na ako ng kotse niya.
"Papasok na ako," he kissed me on my forehead. And we hugged before he left.
I immediately walked towards the double doors and I'm about to go on my bedroom when I saw an image of a man from the living room, seating on the sofa.
"Anong oras na?" napahinto ako ng magsalita ito. Normal na tanong lang iyon pero it seems hard to answer for me. Nilingon ko siya. "Alam mo ba kung hanggang saan ako umabot mahanap kalang kanina?" hindi parin ito nakatingin sa akin. "Bakit ba ganun lang kadali sayo na iwanan ako?" his voice cracked.
I took a step pero napahinto ako. Nilingon ko siya ulit. Naglakad ako palapit sa kanya.
"What are you doing here---"
"Anong ginawa mo kila Derris maghapon?" he looked at me with his poker face.
I was shocked. I gulped continuously. Paano niya nalaman?
"I followed you, you're to fast. Hanggang sa finally nakita kita and after following you, kay Derris kalang pala pupunta."
"Excuse, you don't have the power to manipulate where I wanted to go!"
"You know what I wanted? I want myself to be your final destination, Crossini."
"You know what, you're weird! Umuwi kana!"
Seryoso ako nitong tinignan.
"I've waited you for more than 8 hours then now na nakarating kana sasabihin mo sa aking umuwi na ako?" I saw pain in his voice. Why he's acting like this?
"Teka nga, sino bang may sabi sayong antayin mo ako? Kita mo namang iniwan ko na kayo kanina diba? O bakit sumunod ka pa? And why you're acting this way, huh?" his jaw clenched hard.
I can feel my heart beat got faster and faster. I feel like nakaharap ako ngayon sa hukom but I keep myself calm outside when I'm so uneasy inside.
Nagkatitigan kami at para bang sinasabi ng mga mata niya na nasasaktan siya at kailangan may gawin ako para mawala 'yon.
"U-Umuwi ka na," I said with authority.
Tumayo ito at dire-diretsong lumabas ng double doors na parang walang nangyari.
There's something on my guts na sinasabing pabalikin ko siya dito at kailangan humingi ako ng tawad. My conscience hugged me. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kanina pa iyon nagwawala.
I realized na dapat inilu-lugar ang katapangan. Nasa maling lugar ang akin kanina.
Why am I feeling like this?
Napaupo ako sa sofa at malalim na bumuntong hininga. I need to calm. I tried to put my earphones and play my favorite song but I was really shocked when it couldn't calm me anymore.
Yung tibok ng puso, kakaiba. Hindi ito yung normal na kapag tumakbo ka ng ilang ikot sa oval o nag 500 meters sprint.
Abnormal na siguro ang tibok ng puso ko.
Matalos maligo ay agad akong tumalon sa kama ko at tinitigan ang chandelier ko sa kwarto. I can't sleep. Kahit ilang oras na ang lumipas, parang nanlalamig parin ang pakiramdam ko at naba-bother na ako sa tibok ng puso ko.
Agad akong lumabas ng kwarto at pumuntang kusina. Maybe gutom lang 'to.
While walking on the grand staircase, I saw Mina, one of the housemaids. She's young and as old as me.
She waved at me and smiled sweetly.
"Bakit hindi pa po kayo natutulog, Senyorita?" she asked.
"I-I can't sleep."
"Gusto nyo pong gatas? Kukuha po ako! Saglit lang po!" nagmadali itong pumunta ng kusina at ako naman ay umupo na sa may dining area.
I hope my heart will beat normally after drinking the milk.