Chapter 42

2 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa library, nagbabasa ng atom related topics dahil for sure, yun ang idi-discuss mamaya.

"What's your plan?" sabay upo nito sa tabi ko. 

"Plan about?"

"Your birthday," nilingon ko ito.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagba-basa.

"What do you mean?"

"Walang celebration ang magaganap, Derris." malungkot kong sabi. This is the truth. I'm really sad for admitting this. This never happen to me. But now, it did.

He smiled.

"Hindi ako papayag na wala kang birthday celebration."

Napalingon ako dito.

"Ano bang gusto mong mangyari sa birthday celebration mo ngayon?" inilagay nito sa tenga ko ang mga takas na buhok ko.

"You don't have to---"

"I'm your bestfriend, Crossini. Everytime you're sad, pain slams my heart. Just tell me, it's okay."

My heart melts. This guy beside me really deserve everything. Minsan naiisip ko kung magka-ka-pamilya na siya, pakiramdam ko magse-selos ako kasi hindi niya na ako tra-tratuhin ng ganito. Hindi niya talaga hinahayaang malungkot ako. I'm really blessed to have him. Iba ang lucky sa blessed. He's a blessing. To me, to his parents, to his friends, everyone.

"Spill it, Crossini Rolls." natawa ito.

"All I want is a real huge hershey kisses chocolate cake. That's all." 

I saw how he smiled.

"Ilan?" he asked again.

"Kahit isa na lang."

"You're turning 16, you want sixteen of it?"

"That's so much---"

Umalis na ito sa tabi ko at iniwan akong mag-isa sa pwesto ko. Nakatingin sa akin yung iba pang mga nasa loob at pinagbubulungan nanaman ako.

Ibinalik ko na yung mga libro sa shelves at bumalik sa room. Pero habang nasa hallway ako, guess what? Here they are again. The two venomous woman just blocked my way.

"May plano kana ba para sa birthday mo? I think sa sobrang poor mo, pansit nalang ang maiha-handa mo!" they all laughed. I laughed too. My laugh made them stop. Valerie sucks when it comes to joking.

"Wow! You're aware about 'pansit' huh? Siguro yun palagi ang handa mo kaya aware ka sa handa ng mahihirap?"

Yung mukha nito is parang galit na naiiyak na nalugi na ewan. Pinaghalo-halong mukha ng isang pangit na trying hard.

"How dare you?!" she shouted.

"I don't think kasama parin sa most anticipated events ang birthday mo---" Melania.

"Right! Your birthday is nothing but a trash!" Valerie.

Ngumiwi ako bago nagpatuloy sa paglalakad.

May nabangga ako dahilan para mapasalampak kaming dalawa sa sahig.

Agad kong hinawakan ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Nang i-buka ko ang aking isang mata, kilala ko na agad kung sino ang nakabanggaan ko.

It's Samantha.

"Sinadya mo akong banggain, ano? Speak!" she shouted.

Nang medyo maayos na ako ay tumayo na ako. At pinag-pagpag ang sarili.

"Say something, you bitch!"

"Ugly creatures never understand any explanations, so bakit pa?" saka ko ito iniwan roon bago pumasok ng room. 

Padabog akong umupo at hinilot-hilot ang noo ko.

Nagulat ako ng may tumapon na laptop sa akin kaya masama kong tinapunan ng tingin ang gumawa nun. Masakit 'yon ha! Tumama sa legs ko! Inapakan ko iyon ng paulit-ulit pagka-tayo ko.

It's Samantha, again.

"Show me what you got, Crossini Rio!" desperadang sigaw nito. Sabay marahas na baba nito sa shoulder bag niya.

Napa-iling nalang ako.

She really want me to fight her like that? She's scary, eww!

"I don't know how to fight with crazy people, Samantha. Find the duplicate of yourself then put up a fight with it, not me. Okay?" I rolled my eyes. Saka ulit tinapakan ng malakas yung laptop niya na nasa paa ko. 

She attacked me. She pulled my hair and it feels like hell. I'm about to cry because of the so much pain she's inflicting me. What kind of beast is she?!

Nakatingin na sa amin ang lahat. But duh, they are just watching us na para bang gusto pa nila ng popcorn and drinks with 3D glasses.

May biglang yumakap sa bewang ni Samantha at binuhat siya palayo sa akin, but that's just a metter away from me.

Derris saw me at nanlaki ang mga nito ng makita ang itsura ko. Tinakbo ako nito at niyakap. He hurriedly fixed my hair and I saw anger and sadness in his eyes. Nilingon niya ang babaeng galit na galit na nakatingin sa pwesto namin.

"I don't wanna see your face, within this campus." napataas ang dalawa kong kilay sa sinabi nito.

"How dare you? Do you even know me? I'm a daughter of a multi-billionaire! You are not aware of---"

Pinulot ni Derris ang durog na laptop na nasa harap namin at ibinato kay Samantha. I'm so shocked. He can really do that? He just did! Ohmygod!

"I don't fear anyone. If you hurt Crossini, ako ang babalik para sa kanya. Kahit babae ka pa."

Natamaan ito sa dibdib at naiiyak na napahawak roon. Mas tumalim pa ang tingin nito sa amin.

"Ipapa-demanda kita!"

"Go ahead and try, ikaw nagsimula diba? So the fact na ikaw ang nag-insist ng fight, sa huli ikaw pa rin ang mananagot kahit ikaw pa ang nagdemanda." kalmado pero mariin na sagot nito.

Nakahawak parin si Nikolai sa bewang nito at pinipigilan ito.

"Stop, Samantha---"

"I want that bitch and that asshole buried alive!" galit na galit na sigaw nito.

"Please, stop!"

"Pinagtutulungan nila ako! Look at them!"

"I SAID STOP! YOU HEARD ME, RIGHT? STOP!" padarag naman na humiwalay at bumitaw si Samantha sa kanya.

"You will pay for this, Crossini Rio!" mariin na banggit nito sa buong pangalan ko. "Mark this day!" habol pa nito.

Niyakap ako ni Derris and wiped my tears. Hindi ko napansin na kanina pa pala umaagos ang luha ko dahil sa sobrang galit.

Hinawakan nito ang sarado kong mga kamao na gustong manakit. Nanginginig ako sa galit. Gusto ko siyang saktan. Balatan ng buo. Prituhin ng buhay. Pakuluan at gawing bulalo.

But that's too evil and immoral. My parents never taught me about that.

I'll Be OkayWhere stories live. Discover now