You belong with me

166 3 0
                                    

Warning: This is Just One shot Story. Nereremind ko lang kayo. Kung Ayaw niyo ng one-shot, hindi ko kayo pinipilit na magbasa.

Anyways. Enjoy this story Guys. Mwaps😘

You Belong With Me※
"One shot"
Brought to you by:
@aerang_manunulat
Plagiarism is a crime!

Amber POV


Kasalukuyan akong naglalakad. Naka earphone at damang dama ang music na aking pinapakinggan. Walang pasok ngayon kasi Sabado. Kakagaling ko lang sa labas ng subdivision bumili ng pagkain wala na kasi akong stock.

Nasa tapat na ko ng gate ng bahay namin ng mapatigil ako dahil sa pag hinto ng kotse sa tapat ng kalapit bahay namin at may isang gwapong nilalang na bumaba sa sasakyan. Tiningnan ko ito ng mabuti habang pumunta sa kabilang side ng kotse.

Napabuntong hininga nalang ako ng may magandang babaeng bumaba ng kotse at sabay silang pumasok sa bahay ni Eros.

Ni hindi manlang ako pinansin tsk.

Tumuloy na ako sa loob ng bahay namin at nagtuloy tuloy sa pag-akyat sa kwarto ko at sumalampak sa higaan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at gabi na ako nagising.

Pumunta ako sa bintana ng kwarto ko.
Natanaw ko si Eros sa kabilang bintana habang may katawag.

Tsk. Yung Girlfriend niya siguro.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya. Napabalik nalang ako sa wisyo ng mapabaling ang tingin niya saakin.

May kung ano siyang kinuha at nakita kung may sinusulat siya sa kanyang sketch pad sabay pakita sa akin.

"Nakakain ka na?"

Yan yung nakasulat sa pad.

Kinuha ko rin ang ang sakin at nagsimulang magsulat.

"Just woke up"

Reply ko naman.

Napansin kong tumawa siya kaya bigka kong sinarado ang kurtina.

-___-

Taka kayo kung bakit ganon kami?

We are childhood Friends. Matagal narin kaming magkapit bahay niyang si Eros at same kami ng school na pinapasukan as well as yung Girlfriend niya. Si Nathalia, queen bee ng school, beauty and brain ang panlaban kaso ang sama ng ugali eh ako brain lang walang beauty.

Isa akong nerd -___-

Mahilig mapag-isa, mahilig magbasa ng libro, laging naka bun ang mahaba at wavy kong buhok at lastly nakasalamin ako kahit wala namang deperensiya ang mata ko. Trip ko lang eh, bakit bawal?!

Sikat rin niyang si Eros sa pagiging Captain ng basketball.

Gwapo, matangkad, matalino at varsity player pa, san ka pa? Kaya nga nilandi ni Nathalia eh. -___- Ito namang si Eros pumatol.

Eh anong magagawa ko, heels ang sinusuot niya samantala ako rubber shoes, Dress yung sinusuot niya samantala ako t-shirt, cheer captaim siya ng cheerleading squad eh ako? Andun sa bleacher lang, eh bakit ko ba pinaghahambing sarili ko 'dun sa babaeng iyon!!!???

Ahhhhh!!! Nababaliw na talaga ako!!

"Hoy self! Umayos ka! Hindi ka magugustuhan ni Eros kaya shut up ka nalang-----opps!" Napahawak nalang ako sa bibig ko at luminga sa paligid kung may nakarinig man saakin kahit alam ko naman na ako lang naman yung tao sa bahay.-___-

Aera Writes One Shots CompilationWhere stories live. Discover now