Letting Go

36 1 0
                                    

XISA POV

Four years of Love and still counting. But I ask myself, does this love will be forever? Does this love will never hurt me?

Napatulo ang aking luha. Masakit, napakasakit...yung akala mo--.

"Xisa! Ano ba!"

Napadaing nalang ako ng bigla akong nahulog sa higaan ko.

"Aray ko naman!" sigaw ko habang tumatayo at bukas ng pinto.

"Ano ba yun Iana?!" Bungad ko agad sa kanya.

"Kanina pa ako katok ng katok dito at hindi mo nanaman ako narinig! Palibhasa busy ka nanaman sa pagbabasa diyan sa libro mo!" Bulyaw niya saakin. I rolled my eyes.

"Ano ba kasi yun?!" naiiritang tanong ko.

"Hello?! Diba pupunta tayong mall ngayon dahil bibili tayo ng libro?!"

"Ay oo nga pala saglit lang." Aist, nakalimutan ko talaga! Nagmadali akong nagbihis ng pantalon at dali-daling lumabas ng kwarto sa Dorm namin.

"Tara na Xis!" sigaw ni Iana.
Nang makarating na kami sa national bookstore.

Naghahanap ako ng librong pwede kung basahin pero wala parin silang bago.

"Xis! Mag bibilhin ka pa ba?" Tanong niya habang nagbabayad sa counter.

"Wala, tara sa bili tayo pizza." Yaya ko sa kanya.

Pagkatapos naming umorder naghanap na kami ng mauupuan namin.

"Oo nga pala, kumusta na kayo ni Kenjie?"

"Hmmm, okay lang naman."

"Okay lang? Okay lang?! Ni hindi na nga kayo nagkikita ngayong week, tapos ang sasabihin mo Okay lang?!"

"Ano ba! Huwag ka ngang sumigaw 'diyan at busy lang yun sa school niya." Saad ko.

"Busy?! Eh weekend ngayon tas hindi kayo nagkita? Aba naman, mag shota parin ba kayo?"

"Aba, anong akala mo?"

"Wait, si Kenjie ba 'yun?" Tanong niya habang nakaturo sa may likuran ko.

"Tara puntahan natin." Sabay hila saakin. Ngunit napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ang eksenang iyon.

"Xis, si Kenjie--"

"Let's Go" Madiing saad ko.

Kinuha ko ang cellphone ko.

To: Babe😍

' Babe asan ka? '

Sent✔

Napasulyap ako sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya pero ibinulsa niya uli ito.

Tinawagan ko siya. Ngunit gaya kanina, pinatay niya ang tawag.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.

From: Babe 😍

' Busy pa ako ngayon, mamaya na tayo mag-usap '

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, galit? selos? lungkot?

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing magsisinungaling siya saakin.

Palagi ko silang nakikitang magkasama 'nung babaeng 'yun. Nung una, wala lang saakin dahil kaklase niya 'yun pero habang tumatagal mas lalong lumalakas ang kutob ko.

At habang tumatagal hindi na kaya ng puso ko ang nararamdaman ko.

To: Babe😍

' Babe, magkita tayo bukas may sasabihin lang akong importante please '

Message Sent✔

Pabagsak akong humiga sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko.

I hope tama yung magiging desisyon ko.

"Babe" Tawag ko sa kanya.

"Op? Bakit mo ko kakausapin?" Tanong niya at mas lalong sumakit yung dibdib ko.

"Ano ba tayo?" Tanong ko.

"Anong--siyempre girlfriend kita at boyfriend mo ko."

"Yun na nga, girlfriend mo ako at boyfriend kita pero parang hindi ko na 'yun nararamdaman Kenjie."

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Medyo naiirita niyang tanong.

"Mahal mo pa ba ako?" Mahinahong tanong ko.

"Anong klaseng tanong 'yan?!"

"Sagutin mo ako! Mahal mo pa ba ako o hindi?!"

"Oo naman!" Napayuko.

"Now I get it."

"Ha?"

"Aalis na ako."Saad ko at kaagad na tumalikod.

"Babe." Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"Ano bang problema?" Tanong niya.

Humarap ako at ngumiti sa kanya.

"Walang problema Kenjie. Gagawin ko lahat kung saan ka masaya." Saad ko at pilit na ngumiti.

"Babe." Tumingin ako sa kanyang mga mata at lalo lang akong nasaktan. Awa, yan ang nakikita ko hindi pagmamahal.

"Kenjie, kung naaawa ka sakin please lang. Huwag."

Unti unti niyang ibinaba ang kanyang kamay na nakahawak saakin.

"I'm letting you go." Saad ko at agad na tumalikod. Napako lang siya sa kanyang kinatatayuan at hindi gumalaw. Napa tingin ako sa kalangitan.

"Just because I let you go, doesn't mean I wanted to." Bulong ko at linisan ang lugar na 'yun.

Someday I'm gonna find someone who can Love me back the way I use to.

End

Aera Writes One Shots CompilationWhere stories live. Discover now