Na Hug ko si Krass

19 1 0
                                    

"Okay, One Two Three Smile!"

Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis.

"Okay Good! Next!" Sigaw nito at agad ko naman hinubad ang toga na suot suot ko. Para masuot naman ng susunod.

Pictorial namin ngayon dahil next week ay graduation na namin as Senior HighSchool.

"Ellie!" Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko ang mga best friend ko at classmate ko rin at the same time.

"Tapos ka na ba?" Tanong saakin ni Lilith.

"Oo, hahaha."

"Good! Canteen na muna tayo!" Masiglang wika naman ni Penelope.

"Ay! Wait lang guys! Kukunin ko muna yung wallet ko sa locker."

"Ano bayan Ellie, hindi ka parin nagbabago. Ang tamad tamad mo talaga pati wallet mo nilolocker mo pa? Tsk. Ibang klase." Iling iling na wika ni Amber.

Benelatan ko nalang ito at tumakbo patungong locker.

Eh sa nakalimutan ko eh. May bag naman ako.

Agad ko namang binuksan ito pagkarating ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Isang paper bag! At worst! May tatak na Emerald! Iyong perfume store sa tapat ng school namin, kung saan diyan ako parating bumibili ng perfume!

Kinuha ko ito at tiningnan ko kung kanino galing.

To: Ellie

Sulat kamay palang alam kong sa kanya nanaman ito galing. Hindi ko siya kilala sadyang tuwing monday siya nagbibigay ng kung ano-ano. Alam niyo kung ano yung binibigay niya? Ballpen! Tapos may panyo rin! Ewan ko ba. Sakto naman kasing palagi akong nawawalan ng ballpen tapos panyo kaya nagpapasalamat din ako sa kanya at hindi ko na kailangang mamoblema sa ballpen. Hehehe. Tapos nagbibigay din siya ng paborito kong chichirya at ice cream. Hahaha.

Agad kong binuksan ang paper bag at mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita!

Shookt! This is the most expensive perfume na nandoon sa store! Limited edition ito kaya ganun kamahal! This is my dream perfume! Kaso hindi ko mabibili dahil nasasayangan ako sa pera! My God!

Agad ko itong itinago sa bag ko. At bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

Haist! Sino kaya yung nagbibigay. Gusto ko na siyang makilala bago pa man mag graduation baka hindi ko na siya makita pa eh.

"Ellie!" Napabaling ang aking atensiyon sa tumawag. Ngumiti naman ako sa kanila at kumaway.

"Bakit antagal mo?" Tanong ni Lilith.

"Nagbigay nanaman ba siya?" Beautiful eyes na saad naman ni Penelope.

"Eh ano pa bang aasahan niyo? Tuwing monday naman may laman yung locker nito." Natatawang wika ni Amber.

Napasimangot naman ako.

"Gusto ko siyang makilala." Malungkot na sabi ko.

"Sus. Huwag ka ng malungkot andun na si Blaze sa upuan niya oh. Si Blaze na crush mo since grade 7. Si Blaze na para bang lumalagablab na apoy. Why so hot papa Blaze?" Nagpapantasyang saad ni Penelope.

Agad ko naman itong pinitik.

"Aray naman! Selos ka rin eh! Remember my Andrew na ako noh! Che!"

"Ganun naman pala eh! Huwag mo ngang pinapantasyahansi Blaze!"

"Napakapossesive wala namang kayo! Hahaha."

Tiningnan ko naman ito ng masama.

"Umamin ka na nga sa kanya Ellie. Malapit na yung Graduation natin. Hindi mo naman sia makikita after graduation eh." Sabi ni Penelope.

Aera Writes One Shots CompilationWhere stories live. Discover now