"Babe sana sabay tayong makapagtapos ng college no?" Saad ni Tyron sa kanyang kasintahan na si Eliza.
"Tapos babe, maraming medals at award yung matatanggap natin. " nakangiting sambit ng dalaga at tumingin sa kanyang nobyo.
"Oo babe, tapos maghahanap tayo ng trabaho, makapagpatayo ng sariling bahay, mag papakasal at magkaroon ng maraming anak--aray!" Daing nito matapos hampasin ni Eliza ang balikat nito.
"Bakit mo ko hinampas?!"
"Grabe kasi 'yang imagination mo eh! Anak kaagad?!"
"Eh anong masama dun? Sigurado naman akong tayo parin sa huli. Hahahaha." Banat ni Tyron.
"Che! Bumabanat ka nanaman!" Reklamo ni Eliza.
"Kinilig ka naman?"
"Hindi no! Asa!"
"Yun oh, kinikilig." Sabi ni Tyron habang tinutusok ang bewang ni Eliza .
"Ano ba Tyron! Hahaha--nakikiliti akoo!!!"
"Sabihin mo munang kinilig ka." Tukso ng binata sa dalaga.
"A-hahaha ayoko!!!" Sigaw ng dalaga ng pinagpatuloy parin nito ang pagkiliti sa kanya.
"Oo na!! Hahaa. Kinikilig na ako!!" Suko ng dalaga at yinakap ni Tyron.
"Mahal na mahal kita." Sambit ng binata.
"Mahal din kita." Balik naman ng dalaga at mas lalo pang humigpit ang yakap nila sa isa't isa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Mom! Salubong niya sa kanyang ina matapos makatanggap ng maraming awards si Eliza.
Yinakap nito ang kanyang ina at ibinigay ang katibayan ng pagtatapos niya sa kolehiyo.
"Congratulations Eliza." Bati sa kanya ng kayang Tiyahin sabag bigay ng bulaklak.
"Thanks po tita!" Saad nito at yinakap ang kanyang tiyahin.
"Eliza anak?"
"Po?" Sagot nito at nilingon ang kanyang ina.
"Puntahan mo na siya."
Ngumiti ang dalaga at yinakap ang ina.
"Sigurado akong masaya siyang makita ka." Saad nito at kumalas sa yakap ng kanyang anak.
Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa dalaga ng makarating sa lugar na iyon. Umupo siya sa damuhan at nilapag ang mga certificate at medals.
Tyron Ledesma
Born on October 2, 1997
Died: March 7 ****Hinaplos ng dalaga ang lapida ng kanyang nobyo at ngumiti ng pilit.
"Babe, graduate na tayo!! Ito pala yung nga medals at certificate nagin oh! Natupad na yung pangarap natin!." Masigla at nakangiting tugon ng dalaga.
Maya-maya pa ay nabaling ang katahimikan sa loob ng lugar.
"Ba-be?" Garalgal na sambit ng dalaga.
"K-kumusta ka na diyan? Siguro masaya ka no? Siyempre graduate na tayo eh!"
"Magparamdam ka naman oh! Hahaha. Antahimik mo eh!" Sigaw ng dalaga habang naka tingin sa madilim na kalangitan.
Napayakap ang dalaga. Sa kanyang sarili at nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata kasabay 'nun ang pagbuhos ng malakas ng ulan.
Wakas