Maaga akong nagising dahil may hiking kami ng mga kaklase ko. Ayoko sanang sumama pero mandatory namin ito sa P.E at hindi kami makaka graduate kapag hindi kami nag-join.
Pagkarating ko sa school ay nakita ko na 'yung bus na sasakyan namin at nandoon na ang ilan sa mga kaklase ko at 'yung taga ibang section.
"Okay! Please proceed to your assigned Bus number!" Sigaw ng P.E instructor namin.
Dumeretso na ako sa Bus No. 1, pagkaakyat ko naagaw ng atensiyon ko ang tumawag saakin. Nakita ko si Clarisse na kaibigan ko habang kumakaway saakin.
"Felecity dito!!"
Agad naman akong tumungo doon at umupo sa tabi nito.
"MyGosh gurl! May chika ako!" Napatingin naman ako sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.
"Ano yun?"
"Alam mo ba, yung gubat kung saan tayo maghihiking ay marami na daw nawala dun!"
"Anong ibig mong sabihin? Saan mo yan nakuha?"
"Sabi nila, may grupo daw ng estudyante ang naghiking doon tapos may nangyari daw. Nawala daw yung isang friend nila doon at hindi na daw nakita!"
"Sus! Naniwala ka naman? Tsk." Sabi ko at naramdaman ko nalang ang pag-andar ng Bus.
Naalimpungatan ako dahil sa isang tapik sa pisnge.
"Gurl! Andito na tayo!"
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko yung mga kaklase kong pababa na ng bus. Agad kong kinuha 'yung bag ko at bumaba na din.
"Okay guys! Let's stick together okay?"
Nag-umpisa na kaming maglakad. Naglalakihang mga kahoy ang naririto sa lugar. Tahimik din dito kung 'di lang nag-iingay ang mga estudyante.
Narito kaming dalawa ni Clarrise sa pinakahulihan, ayokong may tao sa likod ko. Busy naman ang isang to sa kakaselfie. Tsk.
Agad akong napahinto ng may batong nakapasok sa sapatos ko. Huminto muna ako at umupo sa isang bato. Hinubad ko ito at kinuha ang bato, hindi ako napansin ni Clarisse dahil busy talaga siya at kelangan ko pang humabol dahil nahuhuli na ako.
Susuotin ko na sana pero nagulat akong ng may mga kamay na tinakpan ang bibig ko at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng hilo.
Nagising ako dahil sa sakit ng katawan at ulo ko, ngunit wala akong makita! Ang dilim! Sisigaw na sana ako ngunit may busal ang aking bibig!
Nakagapos ako sa isang upuan!!! Hindi ko alam kung bakit grabe nalang ang kaba ko!
Pilit kong nagpupumiglas ngunit wala rin akong magawa! Iyak lang ang aking nagawa.
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng tao sa aking harapan at marahas na kinuha ang telang nakatalukbong saakin.
Hindi ko pa lubos na maimulat ang aking mata dahil sa silaw, ng maka-adjust ako ay may naaninag akong bulto ng isang lalaki.
Ungol lang ang aking ginawa dahil hindi ako makapagsalita!
Iniwas ko ang aking mukha ng akma niya akong hahawakan ngunit mabilis niyang kinuha ang aking busal sa bibig.
Nanlilisik ang aking mata na pinihit ko ang aking ulo sa kanya.
"Sino ka?! Pakawalan mo akong hayop ka!!!!!"
"Kalma lang." Saad nito at humalakhak.
"B-baliw ka!"
"Shhh~" saad nito. Tila ba naging isang maamong tupa ng humarap siya saakin.
"S-sino ka?" Mahinahon na sambit ko.
"Ako to si Natoy." Mahinang saad nito
"Sinong Natoy!!!!" Sigaw ko.
"Si Natoy na mahal na mahal ka."
Tangina!
Ito ang nutorious at Wanted na kidnapper na si NATOY!
Potek! Tinarget ako!Humalkhak ito na parang baliw. Sinipa ko ang betlog niya kaya namilipit ito sa sakit.
"Gago ka! Fake news ka!"
Wala na ang Natoy Niyo! Baliw na! Baog na siya! Kingina!
End