Neo POV
"Oy tol! Musta bakasyon?" Bati sakin ni Jim, tropa ko habang umakbay sakin.
"Gago! Dalawang araw lang yun!" paninita ko sa kanya.
"Bitaw nga! Ang bigat ng kamay mo!" saad ko at pabirong sinuntok siya sa balikat.
"Nga pala, nakita ko kanina si Kesha. Hahaha!"
-.-
"Tinatanong ko ba?"
"Uyy! Neo ah!" panunukso niya.
"Psh. Tara na!"
Bakanteng oras namin ngayon kaya napagpasyahan kong iopen ang facebook ko.
Clinick ko ang Search People at itinype ang Pangalan ni Kesha.
Nagdadalawang isip ako kung iaadfriend ko ba siya or hindi.
Napatampal ako ng bigla ko nalang pindotin ang Add Friend. I cacancel ko sana pero huli niya. Inaccept na niyaaaa!
Inopen ko yung messenger ko. Na tetempt akong mag wave. Hehehe
This is now or never!
Napapikit ako ng pindotin ko uli yung wave.
Hala! Na seen niya!
You and Kesha waved each other.
Shit Par! Pagkakataon ko na ba ito?
Nakilala ko 'lang tong si Kresha dahil sa kabatch niya na kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit na cucurios ako sa babaeng to eh. Wala naman sigurong masama kung susubukan eh.[Hi]
Shet, typing siya oh!
(......)[Hello]
O_O
[Diba, Grade 7 ka?]
Pagtatanong ko. Shet. Nanginginig kamay ko.
[Hmm, oo baket?]
Hala, ano sasabihin ko?
[Wala naman]
"Guys! Andiyan na si mam!" sigaw ng class president namin kaya agad kong itinago ang cellphone ko.
Maya-maya pa ay nagdiscuss na si Mam.
Pagabi na din 'nung dumating ako sa bahay. Sumalampak ako sa kama at kinalikot uli ang cellphone ko. Binuksan ko yung Messenger.
Uy! May chat siya.
[Diba Grade 8 ka na?]
Luh? Kilala niya 'ko?
[Oo, pero kanino mo nalaman?]
[Ah, sa kaibigan na kabatch ko, kaibigan ka raw niya eh. ]
[Ah ganun ba? Hehehehe]
Kung ano-ano pa yung pinag-usapan namin sa chat.
[Sige na, matulog ka na. Good night]
Chat ko.[Good night din]
KINABUKASAN
Naglalakad ako sa Hallway ngayon ng bigla kong nakita si Kesha. Agad akong nagtago sa may pader para di niya ako makita.
3 months na kaming magkachat pero nahihiya parin ako sa kanya. Araw araw ko siyang nakikita ng palihim kasi nahihiya akong makita niya ako.
Gusto ko na ata siya eh.
Nang makalampas na sila ay agad akong dumeretso papuntang classroom. Agad akong umupo at binuksan ko uli yung messenger ko. Wala pa naman ang guro kaya free kami sa anong gagawin namin sa loob.