I love you Tasha

14 0 0
                                    

 
Xander POV

"Tol! Kinakabahan ako!" Saad ko sa kaibigan kong si Troy.

"Ano ka ba?" Ngayon ka pa kakabahan eh pang 5th year anniversary niyo na ngayon! Parang wala ka paring experience sa ganitong bagay ah!"

"Tol naman! Hindi ka na nasanay diyan, eh halos kada anniversary nila ganyan yung sinasabi niya." Iling iling na sabi ni Ash.

"Grabe naman kayo! Palibhasa walang nagtatagal na relasyon sa inyo!" Sigaw ko sa pagmumukha nila.
"Aray naman! Kailangan pang ipagdiinan?" Reklamo ni Troy habang umaarteng parang nasasaktan. Ang Oa ng mga 'to eh.

"Xander tol! Huwag kang kabahan, kahit ano man yung gawin mo basta nakapagpasaya sa kanya at matagal na nating kilala si Tasha, hindi siya katulad ng ibang babae diyan diba? Ikaw lang sapat na sa kanya at alam kong alam mo na mahal ka niya." sabi ni Troy sabay tapik sa balikat ko.

"Kaya easy bro! Hindi ka pa magpopropose! Hahaha."

Inayos ko yung buhok ko at pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Tumungo na ako sa lugar kung saan nakaabang ang surpresa ko sa aking kasintahan na si Tasha. Hindi ako mapakali habang nakatayo sa gilid ng mesang inihanda ko para sa dinner namin. Simple lang ito pero elegante, sigurado akong magugustuhan niya 'to. Habang naghihintay ako sa kanya, inaalala ko ang mga masasayang napagdaanan naming dalawa, sa hirap man o sa ginhawa at wala na akong balak na pakasalan siya dahil buo na ang aking desisyon para makasama siya sa pagtanda pero hindi muna ito ang tamang panahon.

Biglang bumukas ang pinto at tumbad saakin ang babaeng pinapangarap ko. Hindi maikakaila ang kislap sa kanyang mga mata ng libutin niya ang kanyang paningin sa buong lugar. Dumapo ang mata niya saakin at agad na tumakbo upang salubungin ako ng yakap.

"I love you babe." Sinserong saad nito.
Para bang hinahaplos ang puso ko sa tuwing maririnig ko ang bawat katagang iyon mula sa kanya.

"I love you too, happy 5th year Anniversary babe." Saad ko at hinalikan siya sa noo. Iginaya ko naman siya sa mesa upang kumain.
"Kinabahan ka nanaman no?" Deretsang saad niya habang may nakakalokong ngiti.

"Hindi ah." Pagtatanggi ko.

"Sus, oo na! Hahaha." Saad nito at uminom ng wine.
Tumayo ako at inilahad ko sa kanya ang kamay ko at walang pag alinlangan niya akong hinila. Yinakap niya ako at dahan dahang sumabay ang mga katawan namin sa ritmo ng musika.

"Babe?" Tugon niya.

"Hmm?"

"Pa'no pag 'di ko kayanin?"
Napayakap nalang ako sa kanya ng mahigpit.

"Mahina na daw ang puso ko--"

"Shhh, kayanin mo babe, kakayanin ko, kakayanin natin." Naramdaman ko nalang ang pagbasa ng polo ko.
Napapikit ako at may luhang tumulo sa mga mata ko.

"I love you babe."

"I love you" And I hug her tight.
"Promise me you'll never leave me okay?" she ask.

"I promise" I answered.

And here I'am fulfilling my promise as I lay beside you touching your name on a cold grave.

"I love you Tasha."

END

Aera Writes One Shots CompilationWhere stories live. Discover now