WARNING: SPG
Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko kaya napagdesisyunan ko na lumabas muna at bumili ng makakain sa labas. Napatingin ako sa orasan namin bago lumabas ng bahay.
'Alas otso na pala'
Napayakap nalang ako sa aking sarili dahil sa lamig. Bakit ko ba kasi nakalimutang magpalit ng damit? Nakasando pa naman ako ng hello kitty at maiking short. Hay naku!
Nagpalinga-linga ako sa paligid ko ng may naramdaman ako sa likuran. Tanging ilaw lang ng poste ang nakatulong para maaninagan ko ang daan ko ang hina pa naman ng ilaw. Grrr. Kinikilabutan ako ah!
Napakagat labi nalang ako ng may naaninagan akong tao sa likuran ko. Jusko!! Baka marape pa ako!!!
Napagdesisyunan ko nalang bumalik dahil hindi talaga maganda ang kutob ko. Tatalikod na sana ako ng may biglang humablot saakin at tinakpan ang bibig ko.
Pilit akong nagpupumiglas ngunit hindi ko kaya, masyado silang malakas at marami sila! Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng likod ko sa pader.
"H-huwag po! H-wag po!" Nagmamakaawa kong sambit.
Nanginginig ang mga kamay ko at takot na takot ako.
Narinig ko naman ang tawanan nila.
"P-pakawalan niyo na a-ako! W-wala kayong mapapala s-saakin!" Sigaw ko.
"Wala naman talaga!!" Narinig kong sigaw ng isa. O_O
Napapikit nalang ako ng may tumutok na flashlight sa mukha ko.
"Sinasabi ko na nga ba! Ikaw yan boboy! Anong nangyari sayo?! Bakit ka nagladlad?! Sinuot mo pa yang sando ng kapatid mo! Lagot ka kay Tito niyan!"
-___-End