Papel

52 2 0
                                    

Ashley POV

Andito ako ngayon nakaupo sa aking upuan habang nag rereview dahil meron kaming exam ngayon sa Philosophy. May-maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad saamin ang aming guro sa Philosophy.

Bigla akong natigilan, hindi dahil sa pagdating ng aming guro kundi dahil sa mga matang nakatingin saakin.

"Okay class, get one whole piece of paper."

Napapikit nalang ako dahil sa mga nagmamadaling  galaw na papunta saakin.

"Ashley! Pengeng papel!"

"Ash! Isa lang!"

"Ashley pengeng dalawa!"

Sigawan nilang lahat. Wala na akong nagawa kundi ang bigyan sila dahil ayaw ko namang magdamot kahit nanggigigil na ako dahil araw-araw nalang akong bumibili ng panibagong papel. Nakaginhawa na ako ng maluwag dahil sa wakas nag-umpisa na ang aming pagsusulit.

Makaraan ng ilang oras natapos ko na lahat ng item sa aking exam. Nang malaman kong ako palang ang natapos napagdesisyunan kong gumuhit muna ng kung ano sa aking papel, inilipat ko ang pahina ng akin  papel sa may gitna. Kung ano-ano nalang ang aking sinusulat dala ng pagkabagot.

"Ash, penge uli." Saad ng isa sa aking kaklase. Kumuha ako ng tatlong piraso para hindi na siya bumalik pa.

Pinatagilid ko ang aking papel at napakanipis na nito.

"Ash, penge." Senyas ng isa ko ring kaklase. Binigyan ko uli ito.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin mula sa likod.

Nanlaki ang mata ko.

Sheett. Si Krasss!>___<

Dahan dahan akong ibinaling ang aking ulo sa likod.

"Ash, pengeng papel." Saad nito. Sheettt! Nagmadali naman ako sa pagkuha ng papel at agad na binigay sa kanya.

Omo!

Bumaling ako sa aking ginagawa kanina. Pero-----

"Asan na 'yun?" Inisa-isa ko lahat ng page pero wala dito.

Hala!!! Asan na 'yun!

"Ash, ito ba hinahanap mo?"

Bigla akong natigilan. Waaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!

Unti-unti akong humarap sa kanya. Pero hindi ko siya tiningnan. Agad kong kinuha ang papel na hawak niya. Juskooo!!!!

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga ng maayos! Putekkkk!!!

Naramdaman ko ang paggalaw mula sa likod ko.

Bigla akong nagitla ng maramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko.

A-anong gagawin niya?!

"Ash, crush mo pala ako?"

O___O

T___T

La na finish na!!

*END*

Aera Writes One Shots CompilationWhere stories live. Discover now