008

543 23 9
                                    


hypegirlz new edition
chatroom

11:30 pm

Riyu set her nickname to asawa ni quanzhe.

asawa ni quanzhe:
oy brin

asawa ni quanzhe:
hanep ah. tinanong ng lamok yung section natin. napakamaparaang bata.

Kris:
siyempre gagawin para sa crush niya

Jin:
kinikilig yung kilikili ni brin. tawasan mo nga nang tumigil ang kilig

Brin:
jin fujioka umayos ka kung ayaw mong mabaog

Jin:
it's alright to mabaog than masupot

Jin:
ayoko yung nangyari kay jihoon

asawa ni quanzhe:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Kris:
anong nangyayari sa inyo. mga baliw na ata kayo

Kris:
gusto niyo ba sa mental institute?

asawa ni quanzhe:
basta nandoon siya 😝 handa ako magpakabaliw

Jin:
woi riyu pampakgerl yang emoji mo
seen ✔ by everyone

Rein is online.

Rein:
pakgerl?

Jin:
oo bes. nahawaan ng espirito ni minho si riyu. takte, magki-christmas pa lang pero nagmumukhang halloween yung tema

Brin:
kayo lang baliw diyan. huwag niyo akong idamay. nananahimik na ako mga punyeta kayo

Kris:
wEHwEHweH

asawa ni quanzhe:
lahat tayo dito mga baliw

Jin:
mga nasaniban tayo ng yokai

asawa ni quanzhe:
yOKAI YOKAI YOKAI WOCHICHI

asawa ni quanzhe:
michokeji pangalan ng yokai na nakasanib sa'kin

Jin:
talaga? akin kolopneytur pangalan

Kris:
sa'kin baejinliitulo pangalan

Rein:
di ako papatalo. sa'kin ano. abcdefghijklmnopqrstuvwxwz1234567890@#$%&*-+()!"':;/?,.

Jin:
ang galing mo naman mag-rap. talo mo na si cheetah

Jin:
brin isip ka ng sa'yo. may sarili na kaming yokai

Brin:
ano ba yung yokai?

Brin:
di ko knows yun

asawa ni quanzhe:
magyokai ka na lang ng lupa tapos dun ka na magpahinga

Brin:
gusto mo isama din kita, riyu kim?

Jin:
mga masasamang espiritu yun in japanese

Kris:
basta ba japanese si jin ang expert dyan

Brin:
ano na lang sa'kin.

Brin:
ilovedark

asawa ni quanzhe:
cHANGBIN OPPA IS DAT U?

Brin:
change topic

Brin:
niyaya ako ni felix mag-lunch bukas. kaso pumayag ako kahit nahihiya ako

Jin:
dapat lang. kasi kailangan mo nang magpataba. magpa-libre ka na lang doon sa lamok na 'yon

Kris:
tama tama.

Rein:
pataba din 'pag may time

asawa ni quanzhe:
bigyan mo ng fertilizer tapos diligan mo

Brin:
TATAMAAN KA NA TALAGA SA'KIN RIYU KIM. KANINA KA PA

Brin:
di ko nga alam kung anong gagawin ko bukas eh

Jin:
edi kumain ka. alangan namang humiga ka habang kumakain si felix?

Kris:
bakit mukhang 'di ka pa kinikilig, brin? isang lee felix ang nag-invite sa'yong mag-lunch.

Kris:
kung ako sa'yo, kikiligin na agad ako

Brin:
di ako kinikilig.

asawa ni quanzhe:
dI AkO kIniKiLiG

Jin:
salamin ka ata ni brin, riyu

Brin:
ay basta. di ako kinikilig. period.

Brin went offline.

soulmate ╱ lee felixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon