025 | narration

330 17 21
                                    


Lee Felix
perspective

Katatapos lang ng English Class namin. 'Buti na lang breaktime na, kanina pa ako gutom, eh. Kung pwede lang sanang kumain na lang habang nagka-klase. Tss.

Habang naglalakad ako palabas ng classroom, napangisi ako nang pumasok sa isip ko si Brin. Puntahan ko kaya siya? Naalala ko na naman 'yong panahong namumula siya. Ang sarap niya talagang tignan kasi ang cute niya, hehe. Ang bakla mo Felix, baka ikaw na namumula diyan, ah.

At the same time, Ryujin also popped up in my mind. Bakit ko ba siya iniisip?  Wala naman na kami, but she said she still loves me. Well, I no longer have feelings for her. Sinayang niya lang kasi 'yong opportunity na makatuluyan ang gwapong lamok na katulad ko.

I walked along the corridor, searching for the section E sign. Nagtaka lang ako kung paano sila magkaklase ni Riyu, eh mas matanda siya do'n ng isang taon. Hindi ko naman natanong kay Changbin hyung kung bakit gano'n. Dapat talaga kasabayan ko na siya ngayon, since we were both born in 2000.

Oh diba pati birthday niya kabisado ko na rin. Malupit ako pagdating sa pag-iistalk ko sa kaniya, eh. Thumbs up, gwapong lamok.

Napahinto na ako sa tapat ng classroom ng section E. Nakita ko siyang nakikipagdaldalan hindi kay Riyu kundi sa isang lalaki, at nakangiti pa talaga siya doon! Umiwas ako ng tingin at napakagat ng labi. 'Buti pa 'yong lalaki, nginingitian niya. Samantalang ako...tss.

"Oi Felix," napalingon ako sa nagsalita, si Riyu.

"Sino 'yong kausap ni Brin?" tanong ko. Ngumisi siya na nagsasabing 'nagseselos-ka-ano?'

"H-Hindi ako nagseselos, nagtatanong lang ako."

"Weh?" hindi pa siya naniwala kaya nag-akto akong nakapamulsa habang tinitignan pa rin si Brin. Nakangiti pa talaga siya, hindi niya naman ako mangiti-an nang ganoon noong nagkita kami noon sa rooftop. Nakakainis talaga, tss.

Mayamaya, lumabas na si Brin sa classroom nang hindi na niya kasama ang lalaking kung sinumang asungot na 'yon. I called her by full name.

"Brinelle," I said with my low voice. Lumingon siya sa'kin, pero hindi man lang siya ngumiti kahit konti man lang.

"Bakit, Yongbok?" nakataas na kilay na sabi niya. Nakagat ko na naman 'yong labi ko sa Yongbok. Sabing ayoko makakarinig ng Yongbok, anak ng baba naman ni Changbin hyung, oh.

"May spark, ah. Ako na nakuryente sa inyong dalawa," umirap si Riyu tapos pumasok na sa classroom nila.

"Gusto mo ligawan kita--I mean lilibre kita ng pagkain, haha," I scratched my nape then I chuckled. She looked at me with her 'confused' face. Kunwari pa 'to, gusto mo lang naman ako pero hindi ka lang nagpapahalata.

"May gagawin pa ako," sagot niya. Aray, na-reject na naman ako, puta.

"Anong gagawin mo?" tanong ko dahil masyado akong curious sa gagawin niya. I'm interested on any of her activities, ganoon ko kasi siya kagusto, hihi.

"Pinapatawag ako sa Student Council, may i-uutos sa'kin si Ms. Minatozaki."

"Sasama ako, kilala naman ako ni Ms. Sana, eh." pagpilit ko pa kaya napahalukipkip na siya. Hindi ko kakayanin kung hindi kita makikita ngayong araw.

"Hindi ka pwede doon," may narinig pa akong binulong niya. May lamok akong narinig na salita.

"Bakit? Dahil ba bawal ang lamok doon? Come on, Brin. Paminsan-minsan lang naman tayo magkasama. Pagbigyan mo na sana ako." hinawakan ko pa 'yung kamay niya at nagmakaawang isama niya ako. Her face went red, I really like that.

"May baygon doon saka katol kaya hindi ka p-pwede doon." napayuko na siya habang inaalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya. She's still blushing through her ears. Damn, she's so cute.

"Kapag hindi mo ako isama, hahalikan kita," I whispered huskily. Napatalon siya siguro sa sobrang lalim ng boses ko.

Hinihintay ko siyang makasagot but she's still not answering.

"Oo na, sumama ka na! Ang kulit mo talaga," naiinis na sabi niya. Nawala na ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Sabi ko na, ayaw mo sigurong mahalikan," I ruffled her hair and pinch her cheeks. Inakbayan ko siya. Aalis na sana kami nang may tumawag sa pangalan ko.

"Felix," nanlaki ang mata ko...Ryujin?

"Gutom ka na ba? Here's crinkles, I baked it for you," nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Ginagawa niya talaga 'to dahil mahal niya pa ako? Kailan ba siya titigil?

Kinuha ko 'yong bigay niyang crinkles at ngumiti nang pilit. "Salamat."

"By the way, saan kayo pupunta ni Brin?" tanong ni Ryujin. She doesn't sound like she's jealous, dahil nakaakbay ako sa babaeng gusto ko.

"Pupunta kami kay Ms. Sana, sasamahan ko lang 'tong future girlfriend ko, hehe," siniko ako ni Brin nang sinabi ko 'yon. I chuckled when I saw her blushing for the third time.

"Baka mamaya kayo na pagbalik niyo, ah," pagbiro ni Ryujin.

"Ryujin, kung gusto mo sumama ka na rin sa'min. Lilibre raw tayo ni Felix ng pagkain," muntikan akong mabunutan ng tinik sa pagyaya ni Brin sa ex ko. Tangina, guguho na ba ang mundo?

"Gusto ko sana kaso marami pa akong gagawin. Dumaan lang talaga ako dito kasi gusto ko lang ibigay kay Felix 'yong binake kong crinkles," sabi niya. Is it just my interpretation or she sounded too selfish? "Have fun! Kapag may ginawa sa'yong si Felix, spray-an mo ng insecticide."

Narinig ko pang tumawa ang future girlfriend ko. Ang cute naman.

Nagpaalam na sa'min si Ryujin at doon na ako naglakad kasama siya. Inakbayan ko ulit siya.

"Bitaw!" she pleaded. Hindi ko siya pinansin.

"Ayoko, baka 'pag bumitaw ako, doon mo pa ako yakapin, eh."

"Bakit ba ang daming hangin diyan sa utak mo?" tanong niya.

"Kasi nga ang gwapo ko, eh," I said confidently.

"Anong connect?"

"'Yung pagmamahal ko sa'yo, may connection" I laughed then I stared at her face.

"Alam mo ba, kung gaano kadami ang freckles nating dalawa, iyon ang chances na magkakatuluyan tayo." hindi na siya nakasagot. Ang sama talaga nitong Brin na 'to, nagmumukha akong kumakausap ng hangin dito, eh.

Bumitaw na lang ako sa pagkakaakbay sa kaniya when we reach the student council. Baka mamaya pagalitan pa ako ng officers doon, mabawasan pa ako ng pogi points.

soulmate ╱ lee felixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon