Brinelle Seo
perspectiveAlas-sais na ng hapon pero nandito pa rin ako sa bookstore malayo sa school ko. Kailangan ko kasi ng textbook sa Philippine History. Nakakayamot tuloy kasi hate ko pa naman 'yung subject na 'yon.
Naalala ko na naman tuloy 'yung chinat ko kagabi kay Felix. Tama bang ginawa ko 'yon? Hindi ko naman talaga siya gusto, eh. Pero sabi ko nga pinipigilan ko lang talagang mahulog ako sa kaniya.
Okay, ma-itsura naman talaga siya. Pero medyo mataas lang 'yung self-confidence niya, 'di ko alam kung anong nakain noon at nagkaroon ng maraming hangin sa utak noong Yongbok na 'yon.
Marami talaga kaming pagkakaparehas, maliban doon sa freckles. I dislike my freckles lalo na sa mukha pa ako tinubuan, 'di ko nga alam kung bakit ako tinubuan nito, eh. Ayoko ring tinatawag ako sa pangalan ako, ganoon din siya.
Napairap ako nang sumagi sa isip ko 'yung kuya kong maliit na mahaba yung baba. Inaamin ko namang nagtatanong ako tungkol kay Felix pero hindi tungkol sa favorites niya. Tinanong ko noon kung ilang taon na silang magkaibigan ng kuya ko. Imbento talaga 'yong kuya ko kahit kailan.
At isa pa, totoo bang ex ni Felix si Ryujin? Sayang naman, bakit sila nag-break?
Ano kayang itsura noong Ryujin na 'yon, kasi curious ako kung kamukha ko nga talaga siya.
Papunta na ako sa counter dala-dala ang mga librong binili ko. Kasama dito 'yung mga fictional books na babasahin ko kapag na-bored ako. Pinapabili ng kuya ko 'yung iba doon.
Nang ako na 'yong next sa counter, bigla kong napansing nawawala sa bulsa 'yung wallet ko kaya agad akong nataranta at pinagdudukot 'yung kamay ko sa mga bulsa ko.
"Miss, magbabayad ka ba o hindi?" tanong sa'kin ng cashier, umiling ako pero taena, bakit hindi ko mahanap 'yung wallet ko?!
"T-Teka--"
"Marami pang nakapila, oh. O baka naman gusto mo ipahuli kita sa gua--"
"Teka nga lang, eh!" napasigaw na ako sa sobrang takot. Pinagtitiningan na ako ng mga tao pero hindi ko sila pinansin. Hinahanap-hanap ko pa rin 'yong wallet ko. Nasaan na kasi 'yon?
"Ano, baka sa'yo 'tong wallet, nahulog mo ata doon sa may entrance." nanlaki ang mata ko sa babae. Mas matangkad ako sa kaniya pero mas maganda siya sa'kin. Wait! Take note, medyo kamukha ko siya!
"Salamat! Salamat talaga," pag-bow ko nang paulit-ulit. Kung hindi dahil sa kaniya baka kanina pa ako nahuli ng guard dito. Tanga mo kasi Brin, nahulog pa 'yung wallet.
Sa wakas, nagbayad na ako sa counter pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa babaeng tumulong sa'kin. Parang pamilyar siya sa'kin.
Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya kaya ngumiti siya. I swear, ang ganda niya, promise!
Ilalarawan ko muna siya saglit, maikli 'yung buhok niya na hanggang balikat, medyo malapad 'yung mukha niya. She has beautiful and mesmerizing eyes, 'yung nang-aakit ba. She's wearing a gummy smile right now, and I can't help but to smile too. Pampa-good vibes talaga siya ngayon.
Nang matapos akong magbayad, pumunta ako sa kaniya at nag-bow ulit.
"S-Salamat talaga," sabi ko. Isa talaga siyang anghel, 'buti pa siya nagawang maibalik 'yung hindi niya pagmamay-ari samantalang 'yung iba, ninanakaw na lang. Saludo talaga ako sa kaniya.
"Wala 'yon. 'Buti na lang dumating ako, baka kasi kung ano nang mangyari sa'yo."
Ngumiti ulit siya, back to boyish na ba ulit ako? Natotomboy ako, shit.
"You look familiar," sabi niya. Tinuro ko ang sarili ko. Familiar din pala ako sa kaniya? Sa paningin ko rin, familiar siya. What a coincidence.
"A-Ah, eh. Ikaw din, parang pamilyar ka rin."
"Ano nga palang pangalan mo?" nagagalak niyang tanong. She's still wearing the smile from earlier.
"Brinelle Seo, ikaw?" I lend my right hand on her, ganoon rin siya.
"OMG! Kapatid ka ni Changbin, 'di ba? Nice to meet you nga pala. Ang ganda mo naman sa personal!" I felt awkward noong hinawakan niya ang dalawang kamay ko at shinake-hand pareho. Hindi pa naman kami close kasi kaya ako na-o-awkward. For your information, mas maganda ka po sa'kin.
"M-Mas maganda ka kaya," nauutal na sabi ko. Ganito ba talaga ako 'pag may magandang nakakaharap?
"Hahaha! Hindi, ano ka ba. Magkamukha nga tayo, eh. Pero mas mapayat ka nga lang sa'kin," dagdag pa niya at binitawan na niya ang mga kamay ko.
"I'm Shin Ryujin, nice to meet you too."
W-What? Ryujin? Napa-awang ang bibig ko nang marinig ko ang pangalang iyon.
BINABASA MO ANG
soulmate ╱ lee felix
Short Story❝yung feeling na pinagtagpo na nga tayo tapos tinadhana pa. ayieeut.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' lee felix © geonpyak [12/10/18 - 01/04/19]