040

274 18 27
                                    


felix navidad
chatroom

7:06 pm

Bang Chan changed the name of chatroom to "felix navidad"

Chan:
felix navidad tererententen

Minho:
christmas na bukas :(

Jeongin:
bakit sad minho hyung? dahil ba wala na si gia noona?

Jisung:
oo raw :(

Hyunjin:
nakahanda na regalo niyo rito.

Hyunjin:
yung iba hindi nakabalot kasi tinatamad ako.

Woojin:
ano bang regalo mo?

Hyunjin:
yung iba sa inyo, mouthwash niregalo ko tapos pati na rin toothpaste. si jeongin ang may pinakamagandang regalo sa akin uwu

Chan:
MOUTHWASH? ANONG AKALA MO SA AMIN HINDI NAGMUMUMOG?

Seungmin:
may regalo din ako kay jeongin eh. maliit na bagay.

Hyunjin:
onanay ba yan?

Seungmin:
hindi, si changbin hyung talaga yun.

Changbin:
gago ka seungmin. hindi ako maliit.

Felix:
masaya rin christmas ko dahil kay ryujin

Chan:
RYUJIN? HOY YONGBOK KALA KO BA KAY BRIN KA LANG?

Hyunjin:
two timer ka rin palang lamok ka. huwag tularan si minhoe

Felix:
wala naman sa'king gusto si brin edi ganoon din ginawa ko para quits.

Jeongin:
kay brin noona ka lang :(

Seungmin:
sa'kin ka lang jeongin.

Hyunjin:
walang sa'yo seungmean.

Minho:
sigurado ka bang wala kang gusto kay brin? baka naman pinagloloko mo lang kami?

Jisung:
parang kailan lang pinagsisigawan mo pang gusto mo si brin. anong nangyare felix?

Changbin:
felix humanda ka sa akin bukas. christmas day bibigyan kita ng malaking regalo.

Changbin:
mamili ka, bugbog o dignidad?

Felix:
pupunta naman ako sa birthday ni brin eh. yun na lang magagawa ko sa kaniya

Changbin:
tss. kahit wag ka nang pumunta. pinapaasa mo lang naman kapatid ko hayop ka.

Changbin:
sabi mo gusto mo siya, tapos ngayon sasabihin mo hindi mo siya gusto? ang gulo mo ring abnormal ka, alam mo ba 'yon?

Jisung:
lagot, galit si changbin hyung.

Felix:
hindi ako paasa. kung sino mang paasa sa amin, siya 'yon.

Felix:
mali kasi ako na pinagsiksikan yung sarili ko sa kaniya. she's not even worth it.

Changbin:
alam mo bang may gusto sa'yo si brin? o sadyang tanga ka lang at hindi mo nararamdaman?

Felix:
alam ko yun. kakaamin nga lang niya sa akin kanina.

Felix:
pero na-realize ko na hindi nga talaga siya ang para sa akin.

Changbin:
para kang tanga felix. bakit ka ba nagkakaganyan? putangina huwag mo akong subukan.

Felix:
i'm just being honest.

Changbin:
honest mo mukha mo. doon ka nga sa ryujin mo. naiinis na ako sa'yo.

Changbin went offline.

Chan:
paskong-pasko nag-aaway kayo. bad 'yan.

Woojin:
felix,

Woojin:
ano bang problema mo? hindi mo ba alam na nasasaktan mo na si brin?

Felix:
bakit ba binabaligtad mo ang sitwasyon? siya nga ang may ayaw sa akin tapos sinasaktan ko siya? wow.

Felix:
wala naman akong problema. bad mood lang ngayon si changbin hyung.

Hyunjin:
pre. yun naman pala eh. may gusto na siya sa'yo. ano pang minumukmok mo diyan?

Hyunjin:
makikipagbalikan ka kay ryujin? tanga ka? mutual na nga feelings niyo ni brin saka ka pa mag-su-swerve sa iba? tsk.

Minho:
felix, hindi ka dapat magpapa-apekto sa nararamdaman mo kay ryujin. ngayong gusto ka ni brin, it's time to cherish her at huwag mo siyang sasaktan nang ganyan.

Minho:
stop being immature. hindi sa lahat ng pagkakataon dapat mong inuuna ang sarili mong kapakanan.

Jeongin:
tama na yan :(

Felix:
bakit kasi ngayon pa siya umamin? bakit hindi pa noon? bakit tinago niya pa kung gusto niya rin naman ako noon pa? damn it! | not sent.

---

birthday ni brin bukas huehue

qotc:
ano ba talagang nangyayari kay felix? (feel free to predict kung bakit)

soulmate ╱ lee felixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon