Pakshet! Ang sakit ng ulo ko. Lintik na Tequila yan. Akala ko pampawala ng problema. Yun palamadadagdagan lang yung sakit ng ulo ko. Tss.
Teka, teka.. Bakit ako nasa condo? As far as I remember nasa bar ako kagabi, kakwentuhan ko si Mr.
Bartender? Teka...... hindi. Hindi pwede. Ni rape niya ko? Hala. Tinignan ko yung damit ko. OMG! Bakit
naka pajamas ako?
RAPE!!!!!!!!!!!
Biglang bumukas yung pinto.ANO BANG SINISIGAW SIGAW MO JAN? ANG AGA AGA NAG EESKANDALO KA! HINDI MO BA ALAM
NA SUMUGOD AKO SA BAR NG MADALING ARAW PARA SUNDUIN KA. ANG HIRAP HIRAP MONG UMUWI
KASI NAKAPULUPOT KA DUN SA GWAPONG BARTENDER, NAGMAMAKAAWA KANG HALIKAN NIYA.
ALAM MO BA KUNG GAANONG KALAKING KAHIHIYAN YUNG INABOT KO? TAPOS PAGDATING DITO
SINUKAHAN MO KO. AKO NAGLINIS NG SUKA MO, NAGPALIT NG DAMIT MO, NAG PALIT NG BEDSHEET
MO! ILANG ORAS PA LANG ANG TULOG KO KAYA KUNG PWEDE MANAHIMIK KA??!!!
Hala. Hinayblood si Bespren sakin.
Pasensya naman kasi... Kasi ang naaalala ko nasa bar ako kagabi kausap yung bartender tapos
magigising na lang ako iba na yung damit ko? Malamang sa malamang iisipin kong na rape ako. At
syempre pag inisip mong na rape ka, ang initial reaction mo ay sumigaw, alam mo naming
magpaparty pa ko? Duh, normal lang yung ginawa ko kaya wag kang magalit.
Yung totoo, nagpapahabaan ba kami ng speech ni Sara? Infairness, medyo nawala yung sakit ng
ulo ko, effective pa lang gamot sa hangover ang pakikipagsigawan.
Teka, teka, oo nga pala, paano ako nakarating dito? Tsaka pano mo nalaman na nasa bar ako?
May tumawag sakin na lalaki, yung bartender yata na kausap mo. Eh nung tinignan niya yung
cellphone mo, nakita niya yung name ko dun na BestySara, kaya naisip niya na bestfriend mo ko
kaya ako yung tinawagan niya, maliwanag ba?
Ah.. ganun pala..
Ay oo nga pala Dana, may binigay sakin yung lalaki, calling card, sa?yo daw to?
Tapos, binigay sakin ni Sara yung calling card nga.
Weird, bakit ka may ganyang calling card? Nagbibigay ka na ba ng kissing lessons? Eh diba kaya
ka nga hiniwalayan ni Jarred dahil di ka marunong humalik tapos magbibigay ka pa ng lessons?
Hello. Ano ituturo mo sa kanila? Hahahaha.
Binatukan ko si Sara.
Ako ba?y niloloko mo? Ano tingin mo sakin? Desperada? Sapak gusto mo?
Chillax, eto, simula ng maging broken ka lahat na lang ng Makita mo inaaya mo ng suntukan,
mapalalaki o babae. Ganyan ba epekto nung break up niyo sayo? Nagiging bayolente ka?Sira, hindi no. Oo nga pala, may kukwento ko sayo
Ano? Bilis!
Alam mo, pangalawang beses ko na kasing makatanggap ng calling card na ganyan, same calling
card pero galling sa magkaibang tao.
Talaga? Sino yung una?
Yung una yung manyak na nanghalik sakin sa mall.