Nasa library sina Mickey at Alex. Nagreresearch si Mickey para reporting na gagawin nila sa klase. Tapos na sa pagreresearch si Alex kaya nagbasa nalang siya ng kahit anong libro para samahan si Mickey na wala pa sa kalahati ang nagagawa.
"Pambihira naman to. Ang sakit sa ulo."
"Kaya mo yan Mickey."
"Ang hirap kaya! Tulungan mo nalang ako para makaalis na tayo dito."
"Pano ka matututo kung tutulungan kita?"
"Nakakainis naman kasi. Imbis na nagde-date nalang sana kami ni Sab ngayon, nandito ko, nangangamote sa pagreresearch."
Napailing si Alex.
"Kaya mo yan. Nandito lang naman ako e."
"Nandyan ka nga, ayaw mo naman akong tulungan. Hay buhay!"
"Ang daldal mo. Imbis na nagrereklamo ka e gumawa ka nalang dyan."
"Hmp! Oo na po Mr. Sungit."
Kakatapos lang magresearch ni Cassie. Palabas na sana siya ng library nang makita niya sina Alex at Mickey sa isang table kaya nilapitan niya ang mga ito.
"Busyng busy kayo ah." bati ni Cassie kila Mickey at Alex.
"Cassie... Kakarating mo lang?" tanong ni Mickey kay Cassie na parang latang lata.
"Hindi, paalis nako. Kakatapos ko lang din magresearch." natatawang sagot ni Cassie kay Mickey.
"Tulungan mo naman ako Cassie! Sumasakit na ang ulo ko!" sabi ni Mickey kay Cassie na parang malapit nang maiyak.
"Ganon? Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ni Cassie kay Mickey na parang naaawa na.
"Teka Cassie, wag mong sabihing tutulungan mo talaga si Mickey?" nakakunot-noong tanong ni Alex kay Cassie.
"Ano? Hindi ah! Tinatanong ko lang. Wala naman akong maitutulong sa kanya e. Weakness ko din ang pagreresearch." natatawang sagot ni Cassie kay Alex.
"Wow Cassie. Thanks ha? Pinaasa mo ko." naiinis na sabi ni Mickey kay Cassie.
Natawa si Alex.
"Oh pano mga boys. Una nako sa inyo ha?" pagpapaalam ni Cassie.
"Oo sige, umalis kana, wala kang maitutulong dito! Hmp!" pabirong sabi ni Mickey kay Cassie.
"Bye Cassie. Intayin mo nalang ako mamaya. Sabay tayong umuwi." nakangiting sabi ni Alex kay Cassie.
"Ok sige. Bye." nakangiting sagot ni Cassie kay Alex.
Inantay muna ni Mickey na makalabas si Cassie sa pinto ng library bago niya kausapin si Alex.
"Alex..."
Humarap si Alex kay Mickey.
"Anong masasabi mo kay Cassie?"
Napakunot-noo si Alex sa tanong ni Mickey.
"Ano naman ang dapat kong sabihin tungkol kay Cassie?"
"Hindi ka ba nagagandahan sa kanya?"
"Ayos lang."
"Ayos lang? Yun lang?"
"Oo. Bakit?"
"E yung ugali? Hindi kaba nababaitan sa kanya?"
"Nababaitan."
"Gaano siya kabait para sayo?"
"Teka nga. Bakit mo ba ko tinatanong ng mga ganyang bagay?"
BINABASA MO ANG
Lie To Me
Teen FictionMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?