Nasa playground sina Alex at Cassie. Nakaupo si Cassie sa swing at si Alex naman ay tinutulak ang swing na kinauupuan ni Cassie.
Palihim na pinagmamasdan ni Alex si Cassie. Mas lalo itong pumayat at pumutla. Hindi maiwasan ni Alex ang maiyak. Mabilis niyang pinupunasan ang luha niya para hindi makita ni Cassie ang pag-iyak niya.
Nakangiting nakatingin naman si Cassie sa mga batang naglalaro sa playground.
"Grabe Alex. Ang sarap sigurong maging bata ulit. Walang problema, walang inaalala... Makapaglaro ka lang, ayos na!"
Napatingin si Cassie sa dalawang batang nagsi-see-saw na maya maya lang ay umalis at nagpunta sa ibang laruan.
"Alex! Tara! Mag-see-saw tayo!"
Excited na tumayo si Cassie at nakangiting humarap kay Alex.
Hindi agad nakapagpunas ng luha si Alex kaya nakita ni Cassie ang pag-iyak niya.
"Alex... Bakit?"
Hindi na nakapagsalita si Alex.
"May problema ka ba?"
Hindi pa rin nagsasalita si Alex.
"Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sakin e... Ano ba yun?"
Hindi na napigilan ni Alex ang sarili niya. Bigla niyang niyakap si Cassie.
Hindi makagalaw si Cassie. Takang taka siya kung bakit ganon si Alex.
"Alex? Bakit?"
"Cassie..."
Yumakap na din si Cassie kay Alex.
"Wag kanang umiyak..."
"Cassie... Hindi ko na alam ang gagawin ko... Ayokong mawala ka sakin..."
Napangiti si Cassie sa mga narinig niya kay Alex.
"Wag kang mag-alala... Hindi ako mawawala sayo..."
Napapikit si Cassie sa pagkadala niya sa emosyong pinapakita ni Alex.
"Cassie, pangako ko sayo... Aalagaan kita... Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo..."
Muling napangiti si Cassie na nakapikit pa rin at nakikinig lang sa mga sinasabi ni Alex.
"Wag kang susuko Cassie ha? Hindi tayo susuko... Lalabanan tayo... Lalabanan natin yan na magkasama tayo..."
Napadilat si Cassie sa sinabi ni Alex.
"Basta ipangako mo lang sakin na aalagaan mo ang sarili mo... Magiging ok din ang lahat... Hindi ka mawawala..."
Napakunot-noo si Cassie. Inalis niya ang pagkakayakap niya kay Alex at humarap siya sa kanya na panay pa rin ang pagtulo ng luha.
"Teka ha... Kanina pako nakakahalata e! Parang exaj kana eh!"
Hindi pa rin mapigil ni Alex ang pag-iyak.
"Ano ba talaga ang nangyayari ha Alex?"
"Cassie... Sorry... Ang totoo, alam ko ang lahat..."
"Ha? Ano ang alam mo?"
"Cassie, ayoko nang maglihim sayo... Sana wag kanang maglihim sakin kasi, alam ko na eh..."
"Ano ba kasi ang alam mo?"
"Na... May sakit ka..."
Gulat na gulat si Cassie at si Alex naman ay nagsimula na namang maiyak.
"A-a-anong sakit ba ang pinagsasabi mo?"
"Cassie... Hindi mo na kailangan i-deny ang sakit mo..."
BINABASA MO ANG
Lie To Me
Teen FictionMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?