Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Cassie nang pumasok si Alex sa kwarto na may dalang tray ng pagkain.
"Babe? Babe..."
Mahimbing pa rin ang tulog ni Cassie.
Nakangiting napailing si Alex. Inilagay niya ang tray ng pagkain sa table na katabi ng kama at naupo sa tabi ng natutulog na si Cassie.
"Babe... Gising na..."
Tinapik-tapik ni Alex ang balakang ni Cassie at maya maya ay unti-unti nang kumilos ito.
"Babe... Umaga na..."
Nag-inat si Cassie at sa pagdilat niya ay nakita niya si Alex na nasa tabi niya at nakangiti sa kanya.
"Good morning Babe..."
Ngumiti si Cassie at naupo sa kama.
"Dinalhan kita ng breakfast! Kain kana!"
Nilagay ni Alex ang tray ng pagkain sa tabi ni Cassie. Tinignan ni Cassie ang tray ng pagkain at sumubo ng isa.
"Wow... Ang sarap naman! Ikaw ba ang nagluto nito?"
"Talaga? Syempre, ako ang nagluto niyan. Sinigurado ko talagang masarap yan kasi, asawa ko ang kakain e."
"Ang sweet naman ng asawa ko... Babe, wag palaging ganito ha?"
Napakunot-noo si Alex.
"Bakit naman?"
"Baka tumaba ako e..."
"So?"
"Baka ipagpalit mo ko sa sexy..."
Napailing si Alex.
"Imposibleng mangyari yon!"
"Ows? E pano kung maging kasing lapad ako ng aparador?"
"Kahit maging kasing laki kapa ng elepante."
"E kung dumami ang tagyawat ko sa mukha?"
"Kahit ketong pa ang tumubo sa mukha mo."
"E kung maaksidente ako, tapos kailangan putulin yung isang paa ko?"
"Kahit dalawang paa pa, isama mo na yung dalawang braso mo."
"E pano kung..."
Hindi na naituloy ni Cassie ang sasabihin niya nang bigla siyang halikan ni Alex sa labi.
"Babe..."
Hinawi ni Alex ang ilang buhok na tumatakip sa mata ni Cassie at pagkatapos ay hinaplos ang pisngi niya.
"Kahit pa magmukha kang lumba-lumba... Kahit maging kasing gaspang pa ng langka ang mukha mo... At kahit pa magmukha kang barbie doll na minolestiya... Hinding hindi kita ipagpapalit... Alam mo kung bakit?"
"Bakit nga ba?"
Ngumiti si Alex.
"Kasi... Mahal na mahal kita..."
Napangiti si Cassie at niyakap si Alex ng mahigpit.
"I love you Alex..."
Yumakap din si Alex kay Cassie.
"I love you too Cassie..."
"Kkkrrriiinnnggg!!! Kkkrrriiinnnggg!!! Kkkrrriiinnnggg!!! Kkkrrriiinnnggg!!! Kkkrrriiinnnggg!!! Kkkrrriiinnnggg!!!"
Kanina pa tunog ng tunog ang alarm clock ni Cassie pero hindi niya ito pinapansin. Gising na siya pero pinipilit niyang makatulog ulit sa pagbabakasakaling maituloy pa niya ang naudlot niyang panaginip.
BINABASA MO ANG
Lie To Me
Ficção AdolescenteMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?