Nakaupo sina Saki at Pawie sa isang pavilion na malapit sa isang gym. Nagkukwentuhan sila nang makita nila si Cassie na nakaupo din sa isang pavilion. Hindi na nila inistorbo si Cassie dahil nakita nilang mukhang abala ito sa pagsusulat. Nauwi kina Cassie at Alex ang pagkukwentuhan nila.
"Saki, tignan mo si Cassie. Halata no?"
"Halata ang ano?"
"Halatang brokenhearted..."
"Ah... Oo nga e..."
"Ang sarap ngang tuktukan ni Alex e... Pero nakita ko rin naman yung point niya."
"Sayang talaga no? Ok na ok pa naman sakin si Cassie."
"Ganon talaga e. Kung may magagawa lang sana tayo e diba? Kaso wala e."
"Alam mo, ang mahirap dyan, baka umiwas na din sa tropa natin si Cassie..."
"Oo nga no... Wag naman sana..."
Nakita nilang tumayo na si Cassie at pagkatapos ay naglakad. Konti pa lamang ang nalalakad ni Cassie nang makita nilang humawak ito sa ulo niya at pagkatapos ay bigla nalang bumagsak sa kinatatayuan niya.
"Pawie!!! Sh*t! Nahimatay ata si Cassie!"
"Tara!!! Tulungan na natin!!!"
Nagmadaling lumapit sina Saki at Pawie kay Cassie. Nagpapanic na binuhat ni Pawie si Cassie at si Saki naman ay paulit-ulit na tinawagan si Alex pero hindi sinasagot ni Alex ang mga tawag niya. Sa sobrang pagpapanic nila ay sa ospital agad nila dinala si Cassie at hindi sa clinic.
Tinigilan na ni Saki ang pagcontact kay Alex dahil nakailang tawag na sila dito pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag nila. Agad namang dumating sina Sab, Mickey, Nikki at Kirby nang tawagan sila ni Pawie. Nagbantay silang lahat sa ospital. Hindi nila iniwan si Cassie.
Nagbabasa ng libro si Pawie sa library nang makita siya ni Alex. Nilapitan ni Alex si Pawie at naupo sa tapat nito.
"Pawie... Kasama mo ba si Saki kahapon?"
"Oo. Bakit?"
"Tinatawagan niya ko kahapon. E nawala sa isip ko yung cellphone ko na nakasiksik sa ilalim ng bag ko. Pagtingin ko sa phone ko, ang daming missed call..."
"Ah... Kaya naman pala eh..."
Nagtaka si Alex sa itsura ni Pawie. Mukhang malungkot at walang gana ito.
"Pawie? May problema ka ba?"
Huminga ng malalim si Pawie bago nagsalita.
"Bro... Wala ka ba talagang nararamdaman para kay Cassie? Kahit konti lang...?"
Hindi sumagot si Alex.
"Nalulungkot ako Alex..."
Napakunot-noo si Alex.
"Ano? Bakit ka naman nalulungkot? Nakakapanibago ka naman..."
"Ikaw kasi ang nagpapasaya kay Cassie e..."
"Pawie..."
"Alam mo ba, nakita ko yung organizer ni Cassie... May sinulat siyang wishlist don... Alam mo ba Alex, ikaw yung pinaka una sa listahan niya..."
"Pawie... Bakit mo ba sinasabi sakin yan?"
"Wala Tsong... Nalulungkot lang talaga ko... Sayang... Mukhang hindi na matutupad yung unang una sa wishlist niya..."
"Alam niyo naman yung dahilan ko diba? Sana naman naiintindihan niyo ko..."
"Oo naman Alex... Naiintindihan ka namin..."
Nagulat si Alex nang makita niyang tumutulo ang luha sa mata ni Pawie.
"Hoy Pawie! Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?"
"Ah wala to... Pasensya kana ha? Hindi ko talaga mapigilan..."
"Pawie... Sabihin mo na sakin..."
"Sorry Alex... Gusto ko naman talagang sabihin sayo... Pero kabilin-bilinan sakin ni Cassie na wag na wag kong sasabihin sayo..."
Biglang kinabahan si Alex pero hindi niya alam kung bakit.
"Pawie... Sabihin mo na sakin..."
"Wag mo nang alamin Alex... Sorry... Ayokong magalit sakin si Cassie..."
"Promise Tsong, hindi niya malalaman na alam ko. Kaya sabihin mo na..."
Pinunasan ni Pawie ang luha niya bago nagsalita.
"Alex, mangako ka muna na hindi mo sasabihin sa kanya. Ipangako mong magpapanggap kang wala kang alam."
Napabuntong-hininga si Alex.
"Pangako. Hindi ko sasabihin."
Huminga muna ng malalim si Pawie bago nagsalita.
"Alex... Si Cassie..."
"A-a-ano si Cassie?!"
Lalong kinabahan si Alex.
"May sakit si Cassie Alex..."
Nanlaki ang mata ni Alex sa sinabi ni Pawie. Si Pawie naman ay muli na namang naiyak.
"A-a-anong sakit niya?"
"Nakalimutan ko yung pangalan nung sakit niya. Nagpanic na kasi ako nung sinabi e. Basta ang alam ko lang, malubha ang sakit niya... Pambihira naman kasi tong si Cassie. Matagal na pala yung sakit niya, hindi manlang sinabi. Kung hindi pa siya nahimatay sa harap namin kahapon, hindi namin malalaman."
Tulala si Alex.
"Kaya ka tinatawagan ni Saki kahapon. Dahil nagpanic kami nung hinimatay si Cassie."
Tulala pa rin si Alex. Hindi niya namalayan na may luha na palang tumutulo sa mata niya.
"Alex... Mangako ka naman sakin na hindi mo sasabihin sa kanya... Ayokong magalit siya sakin... Please naman Alex..."
Nang matauhan si Alex ay bigla siyang tumakbo palabas ng library.
"Alex!!!"
Napatingin ang mga tao sa library kay Pawie. Hindi na niya sinundan si Alex at naupo nalang ulit.
BINABASA MO ANG
Lie To Me
Teen FictionMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?