Ilang araw na ang nakalipas simula noong takutin ni Hannah si Cassie. Naging kampante na si Cassie na hindi na siya guguluhin ni Hannah.
Naglalakad si Cassie kasama si Alex palabas ng school. Nagtatawanan sila nang biglang sumulpot si Hannah sa harap nila.
"Uy... Lovers... Ang sweet naman!" nang-aasar na sabi ni Hannah habang masama ang tingin niya kay Cassie.
Natigil si Cassie sa pagtawa at nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Cassie, wag mo nang pansinin. Tara na." bulong ni Alex kay Cassie.
Iiwas sana ni Alex si Cassie kay Hannah pero hinaharangan ni Hannah ang daraanan nila.
"Uuwi na kayo? Sandali lang. May sasabihin muna ko." pagpigil ni Hannah kila Cassie at Alex.
Napakunot-noo si Alex.
"Excuse me. Nagmamadali kasi kami e. Pwede bang tumabi ka muna?" naiinis na sabi ni Alex kay Hannah.
"Sandali lang. May sasabihin ako sayo Alex." sabi ni Hannah kay Alex.
"Hannah..." nag-aalalang pagpigil ni Cassie kay Hannah.
"Oh Cassie. Relax ka lang. Sandali lang to. Masyado ka namang takot!" sabi ni Hannah kay Cassie.
Napabuntong-hininga si Alex.
"Kung anuman yang sasabihin mo, sige na. Sabihin mo na, nang matapos na ang usapan." sabi ni Alex kay Hannah.
"Alex, wala naman siyang sasabihing matino e. Tara na!" kabadong sabi ni Cassie kay Alex.
"Bakit ba parang takot na takot ka ha Cassie? Ikaw na nga tong tinutulungan ko e." sabi ni Hannah kay Cassie.
"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ni Alex kay Hannah na parang naguguluhan na.
Tumawa si Hannah at pagkatapos ay humarap kay Cassie.
"Alex, tinutulungan ko lang Cassie. Tinutulungan ko lang siyang magtapat ng nararamdaman niya sayo!" sabi ni Hannah kay Alex na kay Cassie pa rin nakatingin.
"A-a-alex... Wag kang maniniwala sa kanya... Tara na! Umuwi na tayo! Please..." hindi mapakali at nagkakandabulol na sabi ni Cassie kay Alex.
Hindi nagsalita si Alex.
"Alex, aware ka ba sa feelings ni Cassie para sayo? Alam mo bang may gusto siya sayo? Matagal na! Ang dalas ngang mag-ilusyon niyan e. At umaasa siya na isang araw, magugustuhan mo siya. Ang lakas ng loob diba? Mag-ingat ka dyan ha? Baka isang araw, sa sobrang pagkadesperada niyan e gumamit na siya ng gayuma para mapasakanya ka!" sabi ni Hannah kay Alex na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Cassie.
Tumingin si Cassie kay Alex. Nakita niyang walang reaksyon ang mukha nito. Napayuko nalang siya sa sinabi ni Cassie kay Alex. Hiyang hiya siya at tila maiiyak na.
"Tapos kana ba?" tanong ni Alex kay Hannah.
"Oo. Sana Alex, naliwanagan ka na. Tandaan mo yung sinabi ko ha? Mag-ingat ka dyan!" sagot ni Hannah kay Alex sabay tawa ng malakas.
Humarap si Alex kay Cassie. Nakita niyang nakayuko ito.
"Tara na Cassie. Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito." sabi ni Alex sabay hatak sa kamay ni Cassie palabas ng school.
"Bye!!! Wag mong kalimutan yung sinabi ko ha?!" sigaw ni Hannah kay Alex na hatak ang kamay ni Cassie at medyo malayo na sa kanya.
Tahimik lang pareho sina Cassie at Alex habang naglalakad papunta sa bahay nila Cassie. Gusto sanang kausapin ni Alex si Cassie pero nagbago ang isip niya dahil baka makasama lang kay Cassie.
BINABASA MO ANG
Lie To Me
Fiksi RemajaMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?